Katabi ng karagatan ng mga sirena? Hindi kaya ay 'yong karagatan ng aking mga kaibigan ang tinutukoy niya? Kung gayon ay maari ko pala itong bisitahin at puntahan. Ilang buwan na rin naman kasi simula noong huling araw na binisita ko silang lahat doon. Wala naman sigurong masama na sa tuwing oras nang pagpapahinga ay aalis ako sa kanilang mga tabi at pumunta sa ilalim. Nanatili lamang nakatuon ang aking pansin sa harapan habang hinihintay ang susunod na sasabin ni Yizun. Wala akong masiyadong alam tungkol sa tinutukoy nitong ruin sa gilid ng karagatan pero isa lang talaga ang tumatak sa isip ko, iyon ay ang mga halimaw na nananakit ng mga tao na naninirahan sa kalapit bayan nito. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar iyon pero sa tingin ko ay masama ang kutob ko roon. "Yizun." Tawag ni A

