"Kori!" Nilingon ko ang taong tumawag sa akin pagkatapos kong pagmasdan ang pag-alis ng Chimera. Ngumiti ako kay Elfrida na hindi makapaniwalang naglalakad papalapit sa akin. Alam kong gulat na gulat din ito dahil nagtagumpay ako sa paraan na ibinigay ni Yizun. Masaya nga ako at nakamit ko iyon, iyon nga lang ay talagang may limang Familiar pala dapat ako. Kung kaya ay siguradong-sigurado na magtatagumpay ako kung gusto ko man magkaroon pa ng dalawa. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang maisip ko ang galit sa mga mata ni Minerva. Panigurado ay magagalit na naman iyon at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin kapag may ginawa na naman siya. "Elfrida," tawag ko pabalik dito. Nagmamadaling tumakbo ang babae habang iniiwasan ang mga kaklase ko na palabas na sa silid na i

