Nakatitig ang dilaw na dilaw nitong mga mata sa akin habang umuusok ang kaniyang ilong. Doon ko rin na pansin ang paglapit ng mukha nang isang kambing sa akin at ang buntot nito na ahas. Hindi ko alam kung anong klaseng halimaw itong nasa harapan ko ngunit kitang-kita ko sa aking mga mata ang kulay lila na enerhiya na pumapalibot sa kanila. Tila ba pinapakita nang mga ito ang kanilang kapangyarihan sa akin at dapat lamang na katakutan ko ang mga ito. Hindi ko iniwas ang aking mga tingin sa kanilang dalawa at nanatili lamang nakatayo. Unti-unti itong lumapit sa akin ngunit hindi ako nagpatinag at hinayaan lamang ito. Hindi ko alam kung bakit o paani ito nangyayari pero hindi na ako nakakaramdam nang kaba sa aking puso. Hindi ko na ramdan ang kaninang pinag-alala ko, bagkos ay mas nararamdam

