Seryosong nakatingin lamang ako kay Nero na ngayon ay galit na galit nang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mandiri ngayong nakita ko na talaga ang lalaki na nasa likod ng balabal. Isang lalaking inaakala ko na matino at mabait, iyon pala ay isang ahas na handang manuklaw ano mang oras ngayon. Nakatingin lamang si Nero sa akin at gayun din ako. Wala akong oras para iwasan ang nanlilisik nitong mga mata. Kung galit na galit siya sa akin, mas lalong galit na galit ako sa kaniya. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin, iba pa lang ang kaniyang intensiyon? Muntik ko na naman muling napahamak ang aking mga kaibigan. Ngayon, sisiguraduhin ko na ito na ang panghuling beses na makikita ko siya, sapagkat, dito na rin magtatapos ang buhay niya. “Hindi ko inaasahan na malalam

