Mahinang tumango si Ariane sa akin atsaka bumuntong hininga. "Kung gayon,"sabi ko at inilabas ang aking kwintas. "Ikaw ang nag-iisang prinsesa ng ating kaharian, Kori. Ikaw ang nag-iisang anak ng reyna natin, ang aking pamangkin,"paliwanag nito at ngumiti sa akin. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata nito noong banggitin niya ang salitang iyon. Para bang nabunutan ito ng isang tinik dahil sa kaniyang sinabi. Samantalang ako rito ay labis na naguguluhan. "Kilala ko sina Okuri at Toriko dahil sila ang mga taong namumuno sa Order of Selene, ang isang organisasyon na intasan na protektahan ang prinsesa,"paliwanag nito, "Noong nandoon pa ako sa aming kaharian, alam ko na ang tungkol sa kanila. Ipinadala ang mga iyon araw-araw upang bantayan ka, minsan din ay umuuwi ang mga iyon para sabihin

