CHAPTER 1 [MY INTOXICATED UNCLE]
*3RD PERSON'S POV*
~~
Nag-aayos sa sarili si Ainessa, nagkayayaan silang magkakaibigan na pumunta sa isang sikat na bar malapit sa condo nila. Ito ang unang beses sumama ng dalaga kaya medyo kinakabahan siya. Nasa tamang edad na si Ainessa pero dahil sa istrikto ang kanyang ama. Condo at eskwelahan lang ang lagi niyang routine. Bago siya nakasama ay one week bago sila pupunta, nagpaalam na siya ang akala niya hindi 'to papayag. Naging silang mag-ina dahil pumayag 'to, pero kailangang kasama ang kanyang pinsan. Wala siyang nagawa kundi pumayag na lang para makasama.
"Nessa, tara na nandoon na ang iba nating mga kaklase." Tawag sa kanya ni Eevee isa sa kaibigan niya.
"Oo nandyan na ako." Agad niyang sagot bago kinuha ang kanyang sling bag. Isang simpleng red dress ang suot ni Ainessa, kahit na isa lamang itong simple bumagay sa kanya. Kita pa rin ang kaseksihan nito, maalaga sa katawan si Ainessa tuwing umasa itong nag-e-exercise.
"Tara na baka kanina pa sila naghihintay." Aya niya pagkalabas ng kanyang silid. Sa isang unit ay tatlo silang magkakasama. Wala namang problema sa kanya, kesa mag-isa lang siya dito sa unit niya.
"Nasaan na yung pinsan mo? Akala ko ba sasama siya?" Tanong naman ni Daveda.
"Nasa sariling lakad niya hindi yon sasama sa atin." Nagkatinginan na lang ang dalawa.
"Baka magsumbong yon lagot ka na naman sa papa mo." May pag-aalala na sabi ni Eevee.
"Hindi yon, kapag nagsumbong edi pati siya damay sa papagalitan. Saka malabong gawin niya yon, ginagawa na namin 'to noon." Nagkibit balikat lang sina Eevee.
"Sakto ngayon ang punta natin sa bar, maraming pogi sana makabingwit ng mayaman." Malanding sabi ni Daveda.
"Hoy Veda, baka nakakalimutan mong May alaga tayong isa. Baka ito ang makabingwit, tingnan mo naman yung outfit pinaghandaan yarn girl." Pang-aasar ni Eevee sa kaibigan, nakasabay na din si Daveda.
"Kaya nga nakakainis nagda-diet naman ako pero kunting kain ko lang tumataba na ulit. Ano ba kasing sikreto mong babaero ka?" Nakanguso na tanong nito sa kaibigan.
"Kailan ba tumaba yan si Nessa? Simula highschool tayo ganyan na katawan. Matakaw pa yan, ang unfair lang ng mundo." Tumawa na lang ng mahina si Ainessa, ilang beses na siyang kinukulit ng dalawa na sabihin kung anong sikreto niya.
Pinara na ni Daveda ang taxing paparating, paghinto nito ay agad silang sumakay. Sa harapan si Daveda habang ang dalawa sa back seat.
Sinabi na ng dalaga kung saan sila pupunta, habang nasa byahe nakatingin lang sa labas si Ainessa. Yung kaba na nararamdaman niya, lalo pang nadagdagan dahil papunta na sila. Ito ang unang pagkakataon na pumasok siya sa isang bar. Hindi din sanay uminom ng alak ang dalaga, kaya problemado siya kung paano makisalamuha sa kanilang mga kaklase.
Paghinto ng taxi sa bar na kanilang pupuntahan, lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ni Ainessa.
"Ayos ka lang ba Nessa? Sabihin mo sa amin kung hindi muna kaya. Baka mamaya magpakalasing ka, wala tayong dala na sasakyan." Tumango lang ang dalaga bilang sagot kay Eevee. Kumapit siya dito bago sila tuluyang pumasok sa loob.
Kumunot agad ang kanyang noo, dahil hindi akalain ng dalaga na yung bubungan sa kanya ay, magulo at mausok dahil sa sigarilyo at Vape ng ibang nag-iinom. Lumaki ang mata ni Ainessa nang makakita siya ng naghahalikan, halos mahubad na ang damit ng babae.
"Ganito ba talaga dito?" Tanong niya sa kaibigan, hindi kayang masikmura ni Ainessa ang mga nakikita.
"Oo girl, kaya nga dapat inihanda mo ang iyong virgin eyes. Marami kapang makikita mamaya." Natatawa na sagot ni Daveda, habang naglalakad sila palapit sa mga kaklase nila kinikilabutan siya. Ang balahibo nito sa katawan ay nagsisitayuan.
Tumingin siya sa paligid, dahil pakiramdam niya'y may nakatingin sa kanya. Wala naman siyang napansin kaya umupo na siya sa tabi ni Daveda.
"Buti nandito ka Nessa, akala namin hindi ka makakapunta eh." Sabi ng isa sa kaklase niya.
"Pinayagan ako, saka graduating na tayo gusto ko rin kayo makasama sa ganitong okasyon." Nakangiting sagot niya, napatango naman sila simula kasi First year ni minsan ay hindi sumasama sa kahit anong outing ang dalaga.
"San Miguel lang ibigay niyo kay Nessa, kapag yan nalasing malilintikan kayo sa akin!" Bilin ni Eevee sa mga kaklase nila, hiwalay ang table nilang mga babae doon sa mga lalaki.
Nagsimula na silang mag-inom, tulad na bilin ni Eevee San Miguel apple ang ibinigay sa kanya. Umiinom naman siya ng ganun, pero kapag mga hard drinks hindi niya kaya.
"Nessa ikaw gay may nobyo?" Tanong ng isa sa mga kaklase nila.
"Sa tingin mo ga nagkakanobyo yan? Masyadong istrikto ang kanyang ama, feeling ko tatanda siyang dalaga." Sagot ni Daveda sa kanya, napakamot na lang siya ng batok.
"Nako girl sayang ang ganda, gamitin mo pwede namang sekreto." Sabi naman ng isa nilang kaklase.
"Wala pa isip ko ang bagay na yan, dahil marami pa akong gustong gawin." Nakangiti niyang sagot.
"I told yah! Magiging matandang dalaga to, nako kabahan ka na kapag isa sa atin nagka-anak at kinuha kang ninang." Umiiling-iling na sabi ni Eevee bago nilagok ang kanyang iniinom.
"Wala tayong magagawa, kailangan ko pang bumawi kila mommy. Saka gusto ko mo ng e-enjoy ang aking pagkadalaga. Yang pag-aasawa may tamang panahon para dyan." Sagot sabay ngiti sa kanyang mga kasama. Binigyan ulit siya ni Daveda ng San Miguel.
"Alam naman namin yon beshy, pero bigyan mo rin ng time ang iyong sarili. Ikaw na lang ata yung virgîn dito." Natatawa na sabi ni Daveda.
"Hoy vîrgin pa ako! Kahit malanding nilalang is me nako hindi ko pa sunisuko ang bataan!" Proud na proud na sabi ni Eevee, napataas naman ng kilay si Daveda.
"Sus, patingin wag nga kami, ang isyu noon may nangyari sa inyo nung hot boy na nag-aaral sa ibang school." Taas kilay na sabi ni Daveda, sinang-ayunan naman ng iba dahil naging isyu noon yun.
"Oh sige ipapakita ko papatunayan kong virgîn pa ako. Palibhasa kasi binigay muna sa ex mong manloloko." Napapasingkit na lang ng mata si Ainessa dahil sa usapan nila. Kahit kailan talaga walang mga preno ang bibig ng dalawa niyang kaibigan.
"Excuse gagamit lang ako ng comfort room." Paalam niya dahil tinatawag na siya ng kalikasan.
"Samahan kita?" Tanong naman ni Eevee.
"Hindi na para naman akong bata, saglit lang naman ako." Agad niyang sagot.
"Diretso lang dyan Nessa tapos kanan ka." Tumango naman siya bilang sagot bago tuluyang naglakad. Medyo may tama na siya kaya nagsisimula na ang pagtawag ng kalikasan.
Pagpasok niya sa banyo halos manigas si Ainessa, dahil sa kanyang nadatnan. May nagkakantûtan sa ibabaw ng lababo.
"What? Titingnan mo na lang ba kami o aalis ka?" Mataray na tanong ng babae sa kanya. Walang imik na tumalikod ang dalaga at sinara yung pinto.
Parang lalo siyang tinamaan sa kanyang nakita. Napahawak sa pader si Ainessa, dahil nanlalambot ang kanyang tuhod. First time niyang makakita ng nagtatalik.
"Wala ba silang pang hotel sa cr pa talaga!" Mahina niyang sabi, napagpasyahan na lang ni Ainesssa na bumalik sa table nila. Pati ang ihi niya ay umatras dahil sa gulat.
Dahil sa nakayukong naglalakad si Ainessa ay may nabangga siya. Buti agad na nakahawak ang dalaga sa braso ng nakabangga niya, dahil kung hindi baka napaupo siya sa sahig.
Nag-angat siya ng tingin, natigilan si Ainessa dahil ang gwapo ng nasa harapan niya. Ngayon lang humanga ang dalaga sa isang lalaki.
Nagulat naman si Ramsey, sa hindi maintindihan na pakiramdam ay bigla siyang nag-init nang makita kung sino yung nakabangga niya. Yung babaeng kanina pa niya tinitignan.
"Amp, pasensya na po hindi ko sinasadya." Nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Ainessa. Dahil masyado siyang naging pabaya.
"Are you okay?" Malamig niyang tanong sa dalaga, sa itsura nito ay parang wala 'to sa kanyang sarili.
"Y-yeah, sorry po." Magalang na sagot ng dalaga, maglalakad na sana ulit siya kaso natapilok 'to. Agad siyang sinalo ng binata, halos napadaing si Ainessa dahil sa sakit.
"Ayus ka lang ba talaga? Para kang wala sa sarili, may mangyari ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong niya sa dalaga, habang hawak ito sa braso Sa unang pagkakataon ngayon lang siya nagkaroon ng pakialam sa ibang tao.
Para namang May kuryenteng dumaloy sa katawan ni Ainessa nang hawakan siya ng binata.
"Pasensya na po kayo, ngayon lang kasi ako pumunta sa ganitong lugar. Nagugulat ako sa mga nakikita ko, pwede niyo po akong ihatid sa mga kasamahan ko?" Napapakunot ng noo si Ramsey dahil kanina pa po ng po ang dalaga sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay matanda na talaga siya.
"Saan ba ang table niyo?" Pagkukunwaring hindi niya alam kung saan ang table ng dalaga.
Napaisip naman si Ainessa kung saan banda, napahilot siya sa kanyang sentido dahil hindi niya maalala. Napatingin siya sa sarili, lalong nawalan ng pag-asa si Ainessa dahil sa iwan niya yung sling bag sa kanyang upuan.
Napansin naman ni Ramsey na tila problemada ang dalagang nasa harapan niya.
"Bago natin hanapin ang table niyo, kailangang mahilot muna yang paa mo." Napatingin si Ainessa sa kanyang paa, hindi niya ito makalakad.
"Pasensya na po talaga sa abala." Nahihiya niyang sabi.
"Ramsey ang pangalan ko, saka 'wag mo akong pinupo hindi nagkakalayo ang edad nating dalawa." Seryoso niyang sabi, napakagat naman sa labi si Ainessa dahil sa hiya.
"Bubuhatin na kita." Paalam niya sa dalaga, magsasalita na sana si Ainessa ngunit hindi na niya naituloy dahil parang bagong kasal na siyang binuhat ng binata.
Amoy na amoy niya ang pabango ng binata, hindi ito matapang sakto lang. Tahimik siyang nakatingin kay Ramsey, pinagmamasdan niya ito meron itong makapal na kilay matangos na ilong at malalim na mga matang mahahaba ang pilik mata. Napako ang tingin niya sa mapupulang labi ng binata. Bigla siyang nakaramdam ng init na ngayon lang niya naramdaman. Natauhan ang dalaga ng nararamdaman niyang pinaupo siya sa malambot na bagay.
"Nasaan tayo?" Agad niyang tanong habang nakatingin sa silid. Hindi naman siya nakaramdam ng kaba, dahil mukhang wala namang gagawing masama sa kanya si Ramsey.
"Sa kwarto ko dito sa club, kukuha lang ako ng oil maupo ka lang dyan." Paalam niya sa dalaga, nagtaka naman si Ainessa dahil sa sinabi nito.
"Kwarto niya? Ibig sabihin sa kanya 'tong bar?" Mahina siyang tanong.
Maya-maya pa ay lumabas na si Ramsey sa pinasukan niyang pinto kanina. Lumuhod ito sa harapan niya at kinuha ang isang paa nito.
"Sabihin mo sa akin kung masakit para alam ko." Tanging tango lang ang isinagot ng dalaga. Nagsimula ng hilutin ni Ramsey ang paa ni Ainessa.
"Ano pala ang pangalan mo? Kanina pa tayo magkasama pero hindi mo pa sinasabi." Tanong niya pero sa paa pa rin ng dalaga ang kanyang tingin.
"Ainessa ang pangalan ko." Pagpapakilala niya.
"Pwede kitang tawaging Aine? Nga pala alam mo ba ang number ng isa sa mga kasamahan mo?" Muli niyang tanong.
"Aray masakit.." Agad niyang daing dahan-dahan nama 'tong hinilot ni Ramsey.
"Wala akong alam na number nila, lilibutin ko na lang siguro mamaya para mahanap sila." Sagot niya bago ipinikit ang kanyang mga mata. Yung sakit na nararamdaman niya kanina ay napapalitan na ng sarap.
Ramdam na niya ang pananakit ng kanyang ulo, idagdag pa niya yung ginagawang paghilot sa kanyang paa. Lalo siyang nakaramdam ng antok.
Tinignan ni Ramsey ang dalaga dahil ang tahimik na nito. Pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga, halatang inosente walang kahit anong make-up. Napatingin siya sa labi nitong maliit na namumula. Tumayo sa pagkakaluhod si Ramsey, lumapit siya sa dalaga at ang dalawang kamay ay itinukod sa kama.
Nagmulat ng mata si Ainessa, dahil huminto sa pag hilot ang binata sa kanyang paa. Laking gulat niya dahil sobrang lapit ng mukha ni Ramsey sa kanya.
"Napakaganda mo Aine, ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa babae." Hindi alam ni Ainessa kung ano ang isasagot. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso. Kulang na lang ay lumabas na ito.
Nanatiling nakatitig si Ramsey sa mukha ng dalaga. Gusto na niyang halikan ito, pigil na pigil lang siya dahil baka kung anong isipin ni Ainessa.
"Pwede bang samahan mo akong uminom? Pagkatapos nito ihahatid na lang kita sa inyo." Tanging tango na lang ang naisagot ng dalaga. Hindi maintindihan ni Ainessa bakit hindi niya matanggihan ang binata.
"Kukuha lang ako ng inumin natin." Paalam nito saka ngumiti na lalong nagpabaliw sa puso ng dalaga. Tumayo na si Ramsey at lumabas ng silid.
Hinaplos ni Ainessa ang kanyang dibdib para pakalmahin ang sarili. Naigagalaw na niya ang kanyang paa hindi tulad kanina na halos nahihirapan siya.
"Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi naman ako kinabahan pero 'tong puso ko ang bilis ng t***k. Baka dahil ito sa alak or baka naman nanibago lang ako dahil may kausap akong lalaki, umayos ka Ainessa.." Sermon niya sa sarili, umayos siya sa pagkakaupo nang bumukas yung pinto. Si Ramsey may dalang alak at pulutan nilang dalawa.
"Okay na ba sa'yo 'to? Wala na kasing ladies drink." Tanong niya sa dalaga bago inabot yung San Miguel na walang flavor.
"Okay na ito, isang bote lang ako." Agad niyang sagot bago tumayo mula sa pagkakaupo. Pagkahakbang niya sa kanyang paa na natapilok kanina. Bilang sumakit dahil hindi pa masyadong magaling.
Matutumba na sana siya buti na lang agad na nasalo ni Ramsey ang dalaga. Dahil sa pagkataranta ay nahila ni Ainesssa ang necktie ng binata. Dahilan para maglapat ang kanilang mga labi.
~ITUTULOY