CHAPTER 4 [MY INTOXICATED UNCLE]

2282 Words
*RAMSEY' POV* ~~~~~ NANG maihatid ko na si Ainessa, diretso na ako sa aking Kumpanya. Paglabas ko ng elevator ay sinalubong na ako ng aking sekretarya. Malamig ko siyang tinignan, pati na din ang ibang empleyadong nakatingin sa akin. Malamig akong makitungo sa iba, dahil ayokong nilalapitan nila ako. "Good morning Sir, May meeting po kayo mamayang 2 pm. Mamayang gabi May dinner po kayo with Miss Tayce." Seryosong sabi niya habang nakasunod sa akin. That's bîtch hindi pa rin siya tumitigil. Kahit ilang beses ko na siyang ipagtabuyan, sinasabihan ko na din ng masasakit na salita pero walang epekto. "I-kancel mo ang dinner namin ni Tayce, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko siyang makita." Malamig kong sabi sa kanya bago pumasok sa aking opisina. "Pasensya na po sir, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "May iuutos ako sayo, pumunta ka sa Scorro's Hotel bago mag-lunch. Ibibigay ko sayo mamaya kung anong unit niya, dalhin mo siya ng makakain." Seryoso kong sabi sa kanya, kita ko sa kanyang mukha ang pagtataka. "May bago ka na namang babae Sir?" Tanong niya. "Hindi ko siya babae, mahala ang taong yan sa akin. H'wag ka ng maraming tanong sundin mo na lang kung anong utos ko!" Malamig kong sagot sa kanya, nagkibit balikat naman siya. "Baka mamaya pineperahan ka lang ng babaeng 'yan." Malamig ko siyang tinignan, ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to ang kapal ng mukha niyang sabihin yon! "Hindi niya alam ang tunay kong pagkatao, at alam ko namang hindi siya ganung tao. Dahil alam mong hindi basta-bastang tao lang ang nakakabili ng Unit sa Socorro." Mas malamig na boses kong sagot. Kita ko ang paglunok niya ng sariling laway. Dapat lang na matakot ka sa akin baka ngayon palang tanggal ka na sa trabaho. "Gusto ko din alamin mo kung ano ang kanyang mga paboritong pagkain at ayaw niyang kainin." Dagdag kong utos sa kanya, sunod-sunod siyang tumango. "Ainessa Vasquez ang kanyang pangalan, pwede ka ng umalis bumalik ka pag-alam muna." Nag-bow na siya bago lumabas, sumandal ako sa swivel chair lihim akong napangiti habang iniisip siya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Diko tuloy maiwasang mag-alala, kasalanan ko bakit hindi siya makalakad. Darn it bakit ba iniisip ko siya nandito ako sa opisina para magtrabaho. Tinignan ko na ang mga dapat kong pipirmahan. Isa-isa kong binabasa bago pirmahan. Yung mga hindi ko inaprubahan ay isinasantabi ko muna. Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito, si Tayce seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. "What are you doing here?" Malamig kong tanong sa kanya. Naiirita ako sa babaeng 'to wala ng siyang ibang ginawa kundi mag-inarte sa harapan ko. "Bakit mo kinansel ang dinner nating dalawa!?" Mataray niyang tanong sa akin. "Why? Hindi naman importante yon, sinabi ko na sayo wala akong oras sa isang tulad mo." Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. "Excuse me, baka nakakalimutan mo na sa akin ka pa rin babagsak. Dahil ako ang gusto ng iyong ama para sayo." Sumingkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa ba halata na ayaw ko sa'yo? Ilang taon mo na bang pinagpipilitan ang sarili mo sa akin, pero lagi kitang tinutulak palayo. Hindi ako interesado sayo Tayce, kaya tigilan mo yang kabaliwan mo!" Malamig at seryoso kong sabi sa kanya. Kita ko ang pag kainis sa mukha niya. "Ilang beses ko din bang sasabihin sa'yo na hindi ako susuko.!" Nakangising sagot niya bago ako talikuran. "Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang Ramsey." Dagdag niyang sabi. Magsasalita pa sana ako pero hindi na natuloy dahil tumunog ang aking cellphone. Agad kong sinagot nang makitang pangalan ni Ainessa ang nasa screen. "Yes baby, may problema ba?" Agad kong tanong pagkasagot ko ng tawag. Ramdam kong tumingin si Tayce. "Hello, Ramsey pasensya ka na sa abala wala na kasi akong matawagan. Ang sama kasi ng pakiramdam ko, naubusan ako ng gamot wala akong mautusang bumili." Matamlay niyang sabi, narinig ko pa siyang umubo. "Anong gusto mong makakain? Papunta na ako dyan." Sabi ko sa kanya bago tumayo sa aking kinauupuan. Hindi siya sumagot tanging pag-ubo niya lang ang narinig ko. Kinuha ko na yung susi ng aking sasakyan. Nakatingin lang sa akin si Tayce. "Sino yon? Bago mong babae?" Natatawa niyang tanong hindi ko siya pinansin. Wala akong oras sa kanya mas importante si Ainessa. Paglabas ko ng kumpanya, sumakay na agad ako sa kotse. Pinaharurot ko na ito papunta sa pharmacy, bibili na rin ako ng makakain niya. Limang oras palang kaming nagkakahiwalay pero may masama ng nangyari sa kanya. Kasalanan ko 'to eh dapat nagpigil ako kagabi, tapos kanina may nangyari ulit sa amin matagal pa siyang naligo. Pagkatapos kong bumili ng mga kailangan ko, pumunta na ako sa Socorro's Hotel. Tinawagan ko muna ang aking sekretarya para i-kansel ang meeting ko mamayang alas-dos. "Hello, sir alam ko na po ang tungkol kay Miss Vanquez." Bungad niya sa akin. "I-send mo sa sss ko, tungkol sa meeting mamayang alas-dos. Cancel mo yan May importante akong pupuntahan ngayon. Ikaw na muna ang bahala dyan." Binaba ko na yung tawag, bago mabilis na pinatakbo ang aking sasakyan. Pagkapark ko ng kotse agad na akong lumabas. Malalaki ang aking hakbang papasok sa loob. Darn it! I don't recognize myself anymore; am I still the same person? Parang hindi na ako si Ramsey. Pagpasok ko sa Elevator agad kong pinindot yung number 7. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa taas, tinitignan if anong floor na ako. Pagbukas pa lang ng pinto ay lumabas na agad ako. Nang nasa tapat na ako ng kanyang unit, pinindot ko lang yung nakita kong password niya kanina. Bumukas 'to kaya pumasok na ako. Ang tahimik at makalat pa rin sa sala. Wala pa yung mga kaibigan niya. Nilagay ko sa kusina yung lulutuin kong pagkain niya. Nilagang baboy, para pagpawisan siya. Nagtungo na ako second floor para tignan siya. Kumatok muna ako sa pinto bago ito binuksan. Pagsilip ko sa kanya mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nilagay ko sa mesaa niya yung binili kong gamot at prutas. Idinikit ko ang aking kamay sa noo niya, sobrang init nito. Gumalaw siya at dahan-dahang nagmulat ng mata. "Ramsey." Mahina niyang tawag sa akin. "Matulog ka lang dyan, ipagluluto kita ng makakain mo. May nabili na din akong gamot mo." Sabi ko sa kanya, bago hinaplod ang kanyang mukha. "I'm sorry, dahil sa akin nagkasakit ka." Ngumiti siya bago hinawakan yung kamay ko. "Mahina lang talaga resistansya ko kaya ang dali kong magkasakit. Pasensya ka na sa abala." Hinagkan ko siya sa noo. "Magluluto lang ako mabilis lang to." Tumango siya bilang sagot bago muling pumikit. Bumaba na ako at nagpunta sa kusina. Hinubad ko muna ang aking coat at ipinatong sa upuan. Hinugasan kong mabuti yung karne, sinunod ang patatas at petchay bago sibuyas. Nilagay ko na yung karne at sibuyas sa Kaserelo bago isinalang. Habang hinihintay kong kumulo ay hiniwa ko na yung patatas kanina na binalatan ko. Pagkatapos ay yung petchay naman hinugasan ko ulit baka may mga buhangin pang natira. Pagkakulo ng karne nilagay ko na yung patatas. Naglagay na din ako ng pampalasa. Habang hinihintay kong maluto, naglagay ako ng maligamgam na tubig sa planggana at puting bimpo. Umakyat ulit ako papunta sa kanyang silid. Nadatnan ko siyang nagbabasa, kahit nilalagnat na nag-aaral pa rin. "Baka lalong sumakit ang ulo mo dyan, saka ka ng magbasa kapag maayos na ang iyong pakiramdam." Seryoso kong sabi sa kanya bago inilagay sa mesa yung planggana. Hinablot ko ang hawak niyang libro at pinahiha siya ng maayos sa kama. "Lalo kang magkakasakit sa ginagawa mo." Sermon ko sa kanya bago piniga yung bimpo at pinunasan ang kanyang noo pababa sa leeg niya. "Nasaan ang damitan mo? Magpalit ka ng damit." Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang kanyang braso. Maingat ang bawat pagpunas ko sa balat niya. "Doon ang close room ko, sa kulay pink na dorabox sa pinakalast ba drawer nandoon ang mga pantulog ko." Agad niyang sagot, tumayo ako para ibangon siya sa pagkakahiga. Pinunasan ko ang kanyang likuran, sobrang init niya nagulat ako ng yumakap siya sa akin. "May problema ba Aine?" May pag-aalala na tanong ko. "Thank you.." Halos pabulong niyang sabi. "Kukuha na ako ng damit mo, baka luto na yung pagkain na niluluto ko. Hindi mo kailangang magpasalamat, dahil sa akin nagkasakit ka." Pinasandal ko na siya sa pinagpatong kong unan. Pumunta na ako sa kanyang closet room. Sakto lang ang lawak nito nandito na lahat ng kanyang gamit. Bags shoes and sandals, mahilig siya sa kulay red dahil halos lahat ng kanyang gamit ay pula. May mga pictures din siyang nakadikit sa dingding. Sumasali din pala siya ng mga pageant, hindi na ako magtataka kung bakit ganun ang sèxy niya. Kumuha na ako sa drawer ng pantulog niya. Pajama at longsleeve ang kinuha ko, saka ako lumabas. "Ako na ang bahalang magpalit kaya ko na." Sabi niya sa akin paglapit ko sa kanya. "Okay, tignan ko lang ang aking niluluto. Babalik ako." Paalam ko sa kanya bago kinuha yung palanggana at lumabas. Agad kong tiningnan yung nilagang baboy na niluluto ko if malambot na ba. Okay na ito pati ang patatas, nilagay ko yung pechay saglit lang manang maluto 'to. Maya-maya pa ay okay na, naglalagay na ako sa mangkok para sa kanya. Nilagay ko na sa tray kumuha na din ako ng tubig para kapag uminom siya ng gamot. Muli akong umakyat paitaas, pagpasok ko sa silid niya nakapagpalit na siya ng damit. "Kailangan ubusin mo 'to para pagpawisan ka." Sabi ko sa kanya bago nilapag sa mesa yung tray. Hinihipan ko muna dahil sobrang init pa nito. "Kaya ko na ang sarili ko Ramsey, baka kailangan ka sa trabaho mo." "Wala ka dapat ipag-alala Aine, kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit ngayon. Hayaan mo akong alagaan ka." Nakatitig lang siya sa akin, kumuha ako ng patatas hinipuan ko muna ito bago ipasunod sa kanya. Agad naman siyang ngumanga, nakatingin lang din ako sa kanya habang ngumunguya. Muli ko siyang sinubuan, nanatili lang na tahimik si Ainessa habang kumakain. "Marunong ka palang magluto, ang swerte siguro ng mapapangasawa mo." Nakangiti niyang sabi bago kainin yung isinusubo ko sa kanya. "Paano ba yan edi swerte ka, kasi ikaw ang gusto kong mapangasawa." Nabulunan siya kaya agad kong ibinigay yung basong may tubig. "I'm sorry nabigla ka ba sa sinabi ko?" Tanong ko habang hinahagod ang kanyang likod. "Grabe ka namang magbiro, buti na lang hindi lumabas yung sipon ko." "Hindi ako nagbibiro seryoso ako Aine, ikaw ang gusto kong mapangasawa." Tinignan niya ako. "Kakakilala lang natin Ramsey, 'wag ka namang magsalita ng ganyan baka umasa ako." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Bigyan mo ako ng tatlong buwan, kapag napatunayan at maiparamdam kong gusto talaga kita. Magpakasal tayong dalawa." Seryoso kong sabi sa kanya. "Masyado kang mabilis Ramsey, marami pa akong gustong gawin bilang isang dalaga." Ngumiti ako sa kanya. "Maghihintay ako kung kailan ka handang magpakasal sa akin. Pero sa ngayon hayaan mong iparamdam ko sayo kung ano ang tunay kong nararamdaman." Hindi uso sa akin ang sumuko, dahil lahat ng aking gusto ay nakukuha ko. "Ayokong magsalita ng tapos, kaya hahayaan kita kung anong gusto mong gawin." Hinagkan ko ang kanyang kamay. Nasa gano'ng posisyon kami nang biglang bumukas yung pinto ng kanyang kwarto. Sabay kaming napatingin doon, may dalawang babae na nakatayo at nakatingin sa amin. "Oh my gosh! What is the meaning of this? Anong ginagawa niya dito? Nessa ano 'to? Bakit May kasama kang lalaki dito sa kwarto mo?" Sunod-sunod na tanong ng isang babae. "Hindi lang isang basta lalaki ang kasama mo, oh my gosh bruha ka May kalandian ka din palang tinatago!" Sabi namang ng isang babae. "Mali kayo ng iniisip, magpapaliwanag ako." Agad niyang sagot. "Ano kaba wala ka na dapat ipaliwanag malinaw na sa amin na pumapag ibig ka na, ayiieh hindi lang basta isang lalaki kundi mayaman sikat at hótty. Ikaw hah kailan pa yan? bakit hindi mo sinasabi sa amin ang tungkol sa inyo!" Tumingin sa akin si Ainessa na may pagtataka. "Ano ka ba girl hindi mo siya kilala? Pero nasa iisang kwarto na kayong dalawa. Hoy brûha, siya si Ramsey Socorro ang anak ng May ari ng hotel tapos kilalang businessman dito sa bansa natin." Madaldal na sabi ng babae, malamig ko silang tiningnan dahil sobrang daldal nilang dalawa. "Tapos na ba kayong dalawa? Hayaan niyong magpahinga si Ainessa." Malamig kong sabi sa kanila, naiiyak silang dalawa na tumingin kay Aine. "Daldal niyo kasi." Natatawa niyang sabi, napanguso silang dalawa bago isarado yung pinto. "Pasensya ka na sa kadaldalan nilang dalawa." Nahihiya niyang sabi, mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "Yung sinabi nila tungkol sa akin, pagpapaliwanag ako." May pag-aalala na sabi ko sa kanya ngumiti siya. "Ano naman ang ipapaliwanag mo sa akin? Wala namang kaso sa akin ang tunay mong pagkatao. Pero kailangan kong dumistansya sayo ng kaunti, dahil baka malaman nila na isa pa akong estudyante makakasira sayo yon." Kumunot ang aking noo, hindi ko gusto ang ideya niyang yon. "No, hindi kailangang dumistansya sa akin. Hindi ka naman minur di edad nasa tamang edad ka na. Itutuloy ko pa rin kung ano ang aking nasimulan. Liligawan kita hangga't kailan ko gusto." Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Kinuha ko na yung gamot at pinainom sa kanya. "Magpahinga ka na gigisingin ulit kita mamaya para uminom ng gamot." Pinahiga ko siya sa kama at kinumutan, tinignan niya ako. "Close your eyes Aine, babantayan kita hindi ako aalis hangga't nakikita kong gising ka!" Agad na siyang sumunod napailing na lamang ako habang nakatingin sa kanya. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD