Triana Gonzales's POV
Wala naman sigurong uniform ang isang janitress gaya ng babae kahapon na nagwawalis. Dahil sinabi alas syete ang pasok ko, nagising ako alas singko palang para maghanda dahil medyo mabagal akong kumilos.
Gaya ng usual na almusal ko, pandesal at kape lang ang kinain ko. Simpleng puting tshirt ulit at pantalon ang sinuot ko. Suot ko rin ang puting sapatos na unang regalo sa akin ng nanay ko. Medyo naghihingalo na nga ito, sinusuportahan ko lang ng rugby at shoe glue. Hindi bale, sa unang sahod ko sa trabaho ko bibili ako ng bagong sapatos.
Pinusod ko ang buhok para hindi magkalat. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin bago nagpasyang umalis. Muli ko na naman napadaanan ang mga tambay sa tindahan. Wala ata silang magandang ambag sa lipunan. Hindi magbanat ng buto gamit iyang palamunin nilang mga katawan. Mabuti pa ang mga tao sa isla namin, mga responsable at may alam sa buhay.
Kinuha ko mula sa tote bag ang maliit kong cellphone na pinahiram ng Tita ko para magkaroon ako ng komunikasyon sa kanila. Tinignan ko lang naman kung may mensahe galing sa mga in-apply-an ko pero wala akong natanggap. Sunod kong nakita ang text sa akin ng nobyong si Vengie. Pinaalalahanan niya akong huwag magpapagutom at mag-ingat palagi.
Gusto ko sanang reply-an kaso naubos na ang load ko kahapon. Wala na akong oras para dumaan na magpa-load dahil baka mahuli ako sa unang trabaho. Nakakahiya naman sa Attorney na tumulong sa akin kahapon.
Limang taon ko ng boyfriend si Vengie at balak namin magpakasal pagbalik ko. Myembro siya sa maliit na simbahan sa aming probinsya at masasabi kong maswerte ako sa kaniya dahil mataas ang respeto niya sa akin at talagang inaalagaan. Legal kami sa pamilya namin at lahat ng tao ay alam ang relasyon namin. Kung maaari nga lang ay hindi na ako umalis pero hindi ko naman hawak ang kapalaran.
Luminga-linga ako. Nag-abang nalang ako ng jeep dahil mas mura ang pamasahe. Gitgitan man ang nangyari, nakasakay pa rin ako.
"Kuya sa bulwagan lang ho. Isa lang, ito bayad," inabot ko sa driver ang bente pesos kong bayad. Nilingon niya ang salamin sa harap bago winagayway ang kamay para tanggihan ang bayad ko.
"Libre ka na, Miss tutal maganda ka naman."
Napakurap ako sa sinabi niya. Nailayo ko ang bayad at napilitan na ibalik sa bulsa dahil hindi na ako nagkaroon ng lakas na ipilit ang bayad ko. Pabor din naman sa akin dahil nagtitipid ako. Hindi na ako magpapakahipokrito na ayaw ko ang nangyari.
Natandaan ng driver kung saan ako bababa kaya nang makarating sa harap ng bulwagan ay huminto ito at bumaba na ako. Lahat ng pasahero ay nakatuon sa akin ang mata kaya minadali ko ang paglabas. Pagbaba ko natapilok pa ako sa biglaang pagkadulas. Napaluhod ako sa daan. Hindi naman gano'n kasakit. Nakakahiya lang na pinagtinginan ako ng mga pasahero sa jeep. Umiika-ika akong naglakad palayo sa daan.
Ang malas ko nga naman. Umupo ako sa flower pot sa gilid para tignan ang paa. Hinilot ko ito dahil may kirot na tumutusok. Hindi naman malala ang nangyari. Ipahinga ko lang saglit at mawawala na.
Bente minutos pa naman bago mag-alas syete kaya rito muna siguro ako. Nakarekwatro ako habang hinihilot ang paa nang may dumaan na kotse sa harap ko. Sa likod kasi ng bulwagan ay may malawak na parking lot kaya madadaanan talaga ako ng mga kotseng papasok.
Nalampasan ako nito at hindi ko pinagtuunan ng pansin pero nang huminto ito napalingon ako ulit. Lumabas sa kotse ang matangkad na lalaking naka-white polo, pants at itim na neck tie.Gaya lang ng suot ng Attorney kahapon. Binalik ko ang attention sa paghilot ng paa ko para makaiwas ng tingin sa dadaan na lalaki. Nanliit ang mata dahil hindi siya lumagpas sa akin. Tumigil ito sa harap ko.
Bakit ba palagi nalang ako nakakakuha ng atensyon ng mga tao rito? Ga'non ba ako mukang kaawa-awa?
"You're here," sabi nito gamit ang nasurpresang tono.
Nag-angat ako ng tingin. Nilingon ko pa ang likod ko kung ako ba ang kausap niya pero pader lang naman ang naroon.
"Sumama ka na naman ba kay Knox? Akala ko ba sasama ka na sa akin? You promised to finally leave him. Iniwan mo nga siya, sa iba ka naman napunta."
Laglag panga ko siyang tinignan. Anong pinagsasabi nito? Mental ba ang napasukan kong lugar?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo-"
"Don't pretend that nothing happened between us. Sabihin mo lang na nagsisisi ka sa pag-iwan sa akin at patatawarin kita. Ilalayo kita rito-" Pinutol ko siya.
"Excuse me lang, Sir ha. Baliw ka ba? Hindi po kita kilala. Aalis na ako, pwede mong kausapin 'yang pader."
Wala naman na ang sakit sa paa ko kaya tumayo ako para iwan siya pero hinigit niya ako sa braso at binalik sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nang niyakap niya ako ng mahigpit. Anong trip nito?
Sa inis ko tinulak ko siya at hindi pa nakontento dahil nasampal ko pa siya sa bandang panga.
"Manyak!" Sigaw ko.
Gumalaw ang panga nito at napalitan ang galit na kanina lang ay parang nanunuyo. Hinablot niya ang dalawang balikat ko at mahigpit itong piniga.
"Tigilan mo ko sa pag-arte mo. This is your fault why I'm miserable. You lingered my good intentions and now that I am all for you, you'll just drop me like a used clothes?"
Buong lakas ko siyang tinulak kaya nakawala ako. Handa na akong tumakbo nang may nagsalita sa likod ko.
"Daniel, anong nangyayari rito?"
Kilala ko ang boses na 'yon! Lumingon ako agad at tama nga ako. Iyong Attorney kahapon ang nagsalita. Tumakbo ako papalapit sa kaniya.
"Tulungan mo ko, kanina niya pa ako hina-harass."
Nagulat si Attorney na makita ako dahil bakas naman sa reaksyon niya.
"Daniel she's not who you think she is. Hindi siya si Triana," saad ni Attorney.
Kinabahan talaga ako sa lalaking iyan. Nanakit pa.
"Of course she is Triana. Hindi ako pwedeng magkamali. Siyang-siya iyan. Wala siyang maloloko rito."
Triana. Iyan na naman ang pangalan na narinig ko kahapon. May kamuka ba akong kakilala nila kaya napagkakamalan ako?
"She is Triana according to her and she's here to work as a janitress. Hindi ka siguradong siya nga kaya 'wag kang umakto ng ganiyan sa kaniya dahil baka may mali ka talaga."
"Hindi ako naniniwala, at janitress?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Minamaliit ba niya ang trabaho ko?
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo at paniwalain ka kung sino ako dahil hindi naman kita kaano-ano. Kung hindi ka kumbinsido at ipipilit ang gusto mo tatawag ako ng pulis!"
Dalawa sila ay napatawa sa sinabi ko. Pati ba naman si Attorney na akala ko kakampi ko ay tatawanan ako?
"I told you," ani ng katabi ko.
"Does Knox knew?" Tanong ng Daniel.
"I already told him, of course I'm loyal ally."
Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila at pilit iniintindi ang mga sinasabi pero hindi ko makuha.
"You are my friend too. Why can't you take my side for once? Alam mo kung anong nangyari."
"It's because between you two, he is the rightful person to know. Things might get scarier when he comes so we better watch out for the beast. Come on let's talk in his office and wait for him. Apologize to the girl and leave her alone. Baka matakot siya at bigla nalang mag-resign."
Humarap sa akin ang lalaki at ngumiti. Sira ulo nga. Kanina lang ay galit na galit.
"Miss Triana, sorry for the way I behaved. I just mistook you with someone I know. I hope we can be friends."
Nilahad niya ang kamay sa harap ko pero hindi ko iyon tinanggap. Naguguluhan pa ako sa mga nangyari.
"She's scared of you. Let's just go. Miss Triana- I mean Trina, hinihintay ka na ni Mister Lacson. You can start your job now."
Tumango ako kay Attorney at naglakad palayo sa kanila. Kahit malayo ay narinig ko ang huli nilang usapan.
"Nasa Europe siya para sa conference at nang malaman niya kahapon, gusto niyang i-cancel ang lahat para lumipad pabalik pero napigilan siya ng Dad niya."
Iyon ang huli kong narinig bago ako nakapasok sa loob. Inutusan ako agad ni Mr. Lacson na maglinis sa mga office sa second floor. Iyon lang naman ang magiging trabaho anim na beses sa isang linggo. Kahit anong araw ang pwede kong maging isang beses na day off sa isang linggo basta sasabihin ko ng maaga kung anong araw ako hindi papasok. Alas syete rin ang magiging uwi ko dahil kailangan kong hintayin na makauwi ang halos lahat ng empleyado para maubos ang kalat. Sa mga office lang naman ang trabaho ko. Hindi ko sakop ang na linisan ang hallway at sa kung saan-saang ibang parte ng bulwagan.
Gaya ng inasahan ko, walang required na uniform ang isang janitress. Tinuro lang ako sa janitor room para makuha na ang mga panlinis bago ako iniwan ni Mr. Lacson.
Masipag at maayos ko namang sinimulan ang trabaho ko. Nilinis ko ang unang opisina sa second floor. May mga nagtatrabaho na ro'n at mababait ang mga iyon.
"Bago ka rito? Anong pangalan mo? Ang ganda mo para sa isang janitress lang ha," saad ng babae na manghang-mangha na tinititigan ako. Kasama niya sa pagkantyaw ang mga iba niyang kasamahan sa opisina.
"Anong pangalan mo? Ako si Nika, nag-breakfast ka na ba? Ito oh, kape tsaka sandwich. Sumobra kasi 'yong bili nitong si Yana." Nilahad niya ang kamay at maagap ko itong tinanggap.Sinunod niyang inabot ang paper bag na laman ay ang pagkain na sinabi niya. Nahiya akong tumanggi kaya tinanggap ko. Pangit kasing tignan na hindi kunin ang inaalok ng mga taong nagmamagandang loob.
"Trina, nice to meet you sa inyong lahat."
Nagpakilala sila isa-isa at masaya sa nangyari. Parang ginanahan akong pumasok araw-araw dahil sa kanila. Pagtapos kong maglinis nagpaalam na ako para lumipat sa kabilang opisina.
Kumatok muna ako bago pumasok. Sumilip ako at gaya ng pinanggalingan kong opisina, may mga tao na rin na naghahanda sa trabaho ro'n.
"Ma'am Triana?" Sigaw ng isang lalaki sa gilid kaya napalingon ako ro'n.
Halos lahat sila ay gulat sa mga mata ang sinalubong sa akin. Iba tuloy ang naramdaman ko sa paraan ng pagtitig nila at panunuri. Ang iba naman ay nagtaka sa inasal ng mga kasama nila.
"Oh, bakit gulat na gulat kayo? Dati ba siyang artista at parang kilala niyo? Sabagay, sa ganda niyang 'yan artista nga ang dating. Miss, bakit may hawak kang panlinis?" Tanong ng lalaki na nagsusuklay habang nakaharap sa maliit na salamin.
"Ako si Trina. Bagong janitress dito. Kung hindi niyo mamasamain, magsisimula na sana akong maglinis para hindi makaabala sa mga trabaho niyo mamaya."
Ang iba ay mas lalong naguluhan.
"Si Ma'am Triana 'yan! Ayan o magkatunog ang pangalan. Nagka-amnesia ata siya."
Hilaw na ngumiti ako at umiling.
"Hindi ako ang taong sinasabi niyo. Baka magkamuka lang kami. Iyon din ang sinabi ni Attorney Yan kanina sa labas," pagpapaliwanag ko dahil mukang pareho sila ng lalaking baliw sa labas na pinagkamalan ako.
"Ows? Kamukang-kamuka mo kaya si Ma'am Triana. Baka kambal mo? Wala ka bang nawawalang kambal?" Tanong naman ng babae sa akin medyo may katandaan.
"Wala naman. Nag-iisang anak lang ako. Pwedeng magtanong kung sino 'yang Triana na 'yan?" Lakas loob kong tanong.
"Si Ma'am? Asawa 'yon ni Sir Knox Peterson. Nako! Kapag nakita ka no'n delubyo! Iniwan iyon ni Ma'am Triana kaya parang pasan ang mundo sa kasamaan. Lahat ng empleyado takot do'n kaya kung hindi talaga ikaw si Ma'am Triana magtago ka sa kaniya dahil naku, hindi ko ma-imagine."
Iyang Knox na naman. Narinig ko na rin iyan kanina. Anong ikakatakot ko kung wala naman akong ginagawang masama sa taong iyon. Siguro isa lang 'yong matandang mayaman na iniwan ng batang asawa kaya galit na galit.
"Nakakakilabot, kahit anong anggulo kamuka mo siya. Except sa fact na hindi ka palaayos at walang kahit anong make-up. Mahilig mag-make up 'yon tsaka laging naka-heels," gatong ng isa pang babae.
"Grabeng coincidence naman na rito ka pa napadpad. Sige na, maglinis ka na at baka naaabala ka na namin."
Ngumiti lang ako ulit para gawin na ang trabaho. Nakakailang dahil ramdam ko ang pagmamasid nila. Mabilis lang akong natapos dahil wala namang gaanong kalat. Paglabas ko nakaramdam ako ng gutom kaya nilabas ko ang sandwich sa paper bag na bigay ni Nika. Pati ang kape dapat ko ng ubusin dahil baka lumamig.
Tumambay muna ako sa gilid para kumain at uminom ng kape. Masarap ang kape at mukang galing sa kilalang coffee shop. Hindi ko tuluyang inubos ang sandwich para may pangmiryenda pa ako mamaya.
Binalik ko sa paper bag ang sandwich. Ang lalagyan naman ng kape na ubos ko na ay tinapon ko sa malapit na basurahan. Sinunod ko ang pinakamalapit sa akin na kwarto. Kumatok ako at binuksan pero walang tao. Nag-iisa lang ang mesa kaya mukang pribado itong opisina hindi gaya ng kila Nika na grupo.
Tumalikod ako para bumalik na sana pero wala namang sinabi si Mr. Lacson na hindi ko pwedeng linisan ang opisina na ito. Sabi niya ay linisin lahat kaya siguradong kasama ang kwartong ito. Isa pa, may mga papel na nakakalat sa lapag at mukang madumi ang lugar. Kaya nagsimula akong maglinis sa kwarto. Una kong pinunasan ang mga mwebles na maalikabok dahil sa nakabukas na bintana. Sinunod ko ang bintana. Umakyat pa ako sa upuan dahil hindi ko maabot ang mataas na bintana.
Maya-maya lang ay may komusyon akong narinig sa labas. Parang nagtatalo at galit na boses ng isang lalaki ang rinig na rinig mula sa pwesto ko.
"Make her come to me. I don't buy her alibi," malalim at matigas na ingles na sabi ng lalaking boses.
"Hindi pa tayo sigurado, be good at her. I'll watch you."
"Stop ordering me. I know what to do." Malalim at madiin na ingles ng lalaki. Napakalamig ng boses niya.
Iyon lang ang narinig at naintindihan ko pagtapos no'n ay medyo mahina na ang usapan. Inabot ko pa ang pinakamataas na parte ng bintana dahil may alikabok pa ro'n kaya umakyat pa ako paalis sa upuan. Pinunasan ko ang mga alikabok at baba na sana nang mapasinghap ako sa gulat dahil sa padabog na pagbukas ng pinto. Sa gulat ay nabitawan ko pa ang panglinis ko. Tinanaw ko iyon na nahulog sa labas. Napakagat labi ako, mabuti nalang ay walang nabagsakan na tao.
Tinignan ko naman ang taong nagbukas ng pinto. Halos mapabitaw ako sa bintana dahil sa lalaking nasa likod ng pinto. Nakasuot ito ng suit gaya ng mga abogadong napadaanan ko. Siguro ay abugado siya rito.
Nakaka-intense ang prisensya niya dahil sa mga mata niyang kung makatingin ay akala mo sinentensyahan ka na. Magulo ang buhok nito pero hindi naman iyon magiging dahilan para magbago ang kagwapuhan nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng tao. Hindi ko alam na pwede palang matakot pero gustuhin na titigan ang isang tao. Itim na itim ang mata at kilay niya. Ang panga ay naghuhumiyaw sa kakisigan dahil sa perpekto nitong pagkakahilma. Matangkad siya at maganda ang pigura ng katawan.
Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito na parang nauuhaw. Masyado lang kasing nag-uumapaw ang init sa paligid kapag na riyan siya. Kung gwapo ang dalawang lawyer na nakausap ko kanina, wala sa kalingkingan niya ang dalawang 'yon.
Kumurap-kurap ako para tanggalin ang mga naiisip. Hindi naman masama ang iniisip ko pero ayaw ko lang panatilihin sa utak ko.
Diretso ang tingin ng lalaki sa akin. Opisina ba niya ito? Muka siyang galit na galit. Bawal atang linisan ang kwartong ito. Madilim kasi ang awra ng muka niya na nakatitig sa akin kayanakaramdam ako ng konting takot.
Maagap niyang hinakbang ang distansya naming dalawa. Parang isang kurap ay nasa harap ko na siya agad hawak ang braso ko ng mahigpit at ang isang kamay ay sa panga ko. Suminghap ako sa hapdi na naramdaman. Bakit lahat ng mga tao rito ay parang mga kirminal kung umakto? Akala ko ba ligtas ang lugar na ito?
"N-nasasaktan ako," hirap kong bigkas at pilit na pumalag.
Galit na galit ito at hindi ko naman alam kung bakit. Dahil ba sa pagpasok ko sa kwartong ito?
"You dared coming back here after everything you'd costed me? Now you are acting you are not you, thinking you'll fool everyone again?" Nakakapanindig balahibo ang boses niya. Isa ba siya sa mga taong napagkamalan na naman ako?
"Masakit, please. Bitawan mo na 'ko," pagmamakaawa ko.
Sa higpit nang pagkakawak niya nasusugat na ang loob ng bibig ko dahil sa pagtusok sa mga ngipin ko. Nalalasan ko na rin ang dugo galing doon.
Luminga ako dahil baka may taong pwedeng hingan ng tulong pero kami lang ang tao sa loob at nakasara ang pinto.
"Ang lakas ng loob mong bumalik pa, kulang pa ba lahat ng perang kinuha mo? I gave everything to you just to stay in our f*cking family, yet you still didn't made your ass sit still."
Siya ba ang asawang iniwan no'ng Triana? Nanlaki ang mata ko. Akala ko matanda! Kahit nagulat, namuo sa akin ang galit. Wala siyang karapatan na ganituhin ako dahil lang kamuka ko ang asawa niya.
Buong lakas akong pumiglas pero masyado talaga siyang malakas. Gumalaw ang panga niya at tinulak ako kaya dumausdos ang pang-upo ko sa sahig. Nasaktan ako dahil malakas ang pagkakatulak niya. Halos maiyak ako. Umatras ako palapit sa pader sa likod ko habang nakasalampak.
"H'wag kang lalapit! Hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi ako ang babaeng sinasabi mo, please tigilan niyo na ako. Gusto ko lang namang magtrabaho ng maayos." Hindi ako umiyak dahil pakiramdam ko ay magmumuka akong mahina.
Pinasok ng lalaki ang kamay niya sa isang bulsa at ang isa naman ay sa labi. Kinagat niya ang ibabang labi habang tinitignan ako na puno ng pananantya. Bumuntong hininga siya at hinilot ang sintido.
"Kamuka ko lang siya. Tignan mo ko mabuti, sigurado naman na may palatandaan ka na sa asawa mo lang makikita." Tumayo ako para lumapit sa kaniya kahit nanginginig ako.
Para lang tumigil siya at maniwala na hindi ako gumagawa lang ng storya.
"There is, but you need to undress. Go, undress infront of me."
Natigilan ako. Ano?