Kabanata 2

3663 Words
Triana Gonzales POV Kumuyom ang nagpapawis kong mga palad sa sinabi niya. Anong karapatan ng baliw na lalaking ito na bastusin ako? Unang araw ko sa trabaho pero ganito ang nangyayari sa akin. Makaalis lang ako rito, hindi na ako babalik pa. Maganda ang pasahod pero mga sira-ulo ang mga tao. Kumulo talaga ang dugo ko sa sinabi niya. Makapagsabi siya na maghubad ako sa harap niya ay parang normal lang na gawain iyon. Gusto kong ilatay ang palad ko sa pisngi niya sa inis. "Hindi sa ganiyang paraan. 'Wag mo naman akong bastusin," mahinahon kong saad kahit naghuhumintaryo na ang puso ko. "You told me to scan you. Do it before I'll be the one ripping your shirt." Nagtagis ang lahat kong laman. Natatakot na ako sa mga maari pa niyang gawin kaya sumubok akong tumakbo palabas ng kwarto pero nahila niya ako sa damit ko. Sumigaw ako ng tulong nagbabakasalaing may makarinig. Pinaikot niya ang kamay sa bibig ko para takpan iyon at pigilan ako sa pagsigaw. "Prove me wrong, I'll stay out of your life. If not, mark my word. My presence will lure your whole being and no one can stop me from punishing you. You will be Triana to catch my wrath until you crawl begging me to forgive you for not cooperating," maawtoridad at napakalamig niyang tono ng pananalita. Hinuhubadan niya ako sa paraan ng pagtitig niya. Nanlalambot ang mga tuhod. Hindi ko kayang makasama siya sa isang kwarto dahil sa halo-halong emosyon. "Hindi gano'n kadali ang pinapagawa mo. Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Pinapahubad mo ko!" Umangat ang kabilang sulok ng labi niya na parang nagtaka at nasiyahan sa sinabi ko. Anong nakakaligalig doon? "What's the big deal?" Hindi pala big deal?! Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko. Hindi ako pinalaki ng nanay para lang bastusin at panliitan ng kahit na sinong tao. "Anong big deal? 'Yang kamanyakan mo na parang normal mo lang na gawain. Kaya ka siguro iniwan ng asawa mo dahil diyan sa padalos-dalos mong ugali! Wala kang respeto at hindi marunong makinig!Sino ka ba sa tingin mo para umakto ng ganiyan?" Sumabog ako at tinulak-tulak siya sa balikat. Binabawi ko ang mga papuring binitawan ko kanina. Purong inis at pagkasuklam na lang ang nararamdaman ko sa kayabangan niya. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos hindi iyong aarte siyang pagmamay-ari niya ang mundo. Hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko ang mabastos ng ganito. Maging ang nobyo ko kelan man ay hindi hiniling na makita ang katawan ko. Kung kanina ay galit lang siya, ngayon ay halos makakita na ako ng apoy sa mga mata niya. Tingin ko ay napasobra ata ang nasabi ko tungkol sa asawa niya. Hindi ako dapat nagsabi ng gano'ng bagay lalo pa't hindi ko naman sila kilala. Medyo binundol ulit ako ng kaba at napaatras ng bahagya kahit parang kanina ko pa naaabot ang pader kakaatras. Halos mapunit ang labi ko sa diin ng pagkakagat ko. "What did you just say?" Nagtatagis ang panga niya at halos hindi pa mabigkas ang mga sinabi. Nanlamig ako, paano kung saktan niya ako sa nasabi? Hindi pa ako nakakaranas na masaktan nang pisikal ng isang tao. "Pasensya na, hindi kasi talaga ako ang-" Napakurap ako nang walang ano-anong napaharap sa kaliwa ang muka ko dahil sa pagsampal niya. Hindi ko inaasahan iyon. Nag-init ang mga mata ko at nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang halos mag-unahan sa pagbagsak. Mainit at mahapdi ang pisngi ko nang hawakan ko iyon. Mabigat ang kamay niya kaya kahit parang mahina ang sampal nito ay masakit pa rin. Tumining ang pandinig ko dahil sa nangyari. Hindi pa ako nakakabawi nang hinawakan niya ang kamay ko para iharap ako sa kaniya. Nang makita niya ang muka ko ay parang bula na biglang nagbago ang itsura nito. Wala na ang galit pero naroon pa rin ang lamig. Bumuka ang labi niya pero walang salitang lumabas bago ito unti-unting bumitaw sa akin. Humikbi ako nang malasahan ang dugo mula sa gilid ng labi ko na pumutok pala. Dahil parang na-space out siya, kinuha ko ang pagkakataon na itulak siya at tumakbo palabas ng kwarto. Hindi niya ako napigilan dahil na-estatwa siya sa kinatatayuan. Pinunasan ko ang mga luha na hindi magkahumayaw sa pagtulo. Napapatingin sa akin ang mga napapadaanan ko sa hallway pero wala na akong paki. Uuwi na ako at hindi na babalik pa. Kinuha ko ang bag ko sa Janitor room bago nagmamadaling nilisan ang bulwagan. Nakasalubong ko pa si Attorney Yan na gulat na gulat sa itsura ko at napamura pa. "Who did that to you? s**t, did Knox saw you already?" Hindi na ako nagsalita pa dahil kaibigan siya ng lalaking iyon, baka dalhin niya lang ako pabalik, siya 'yong isang boses sa labas ng kwarto kanina. Ito pala ang dahilan kung bakit niya ako tinutungan na makapasok sa trabaho. Para maihain sa kaibigan niyang demonyo. Kung sino man iyang Triana na 'yan, mabuti na lang iniwan niya ang demonyong 'yon. Napakasama ng ugali at nananakit. Nariyan pa ang mga kaibigan niya na kunsintidor. Todo linga ako habang pauwi dahil baka pinasundan ako ng lalaki. Napapraning ako kada may kukuha ng atensyon ko. Nang makarating ako sa bahay diretso ako sa higaan ko para saglit na magpahinga. Kanina pa ako tumigil sa pag-iyak dahil wala naman maitutulong iyon sa akin. Napagpasyahan kong tumayo na para tignan kung gaano kalala ang sampal na inabot ko. Napangiwi ako nang makitang ang pula pa rin hanggang ngayon ng pisngi ko. Ang labi ay may konting dugo na naiwan kaya pinahid ko. Kumuha ako ng alcohol sa bag ko. Wala akong bulak kaya kamay ko na lang ang ginamit sa pagpahid ng alcohol sa sugat. Ilang daing ang nagawa ko bago ako natapos. Ang pisngi naman ay nilagyan ko ng yelo para hindi na gaanong mamaga. Bumuntong hininga ako at humiga ulit. Kinuha ko ang cellphone at hiniling na sana ay tumawag si Vengie para kahit papaano ay mawala ang lungkot at takot ko. Ilang minuto lang akong nakatitig hanggang sa may lumabas na mensahe. Akala ko galing kay Vengie pero ibang number ang nakalagay. Napangiti ako dahil mensahe iyon tungkol sa in-apply-an kong waitress sa isang bar. Tanggap na raw ako at pwede ng magsimula sa susunod na araw. Mabuti na lang talaga ay may trabaho na ako agad gayong kakaalis ko lang sa unang trabaho. Malawak ang syudad. Hindi naman na siguro magkukrus ang landas namin ng baliw na 'yon. Siguro naman maliwanag na sa kaniya na hindi ako ang asawa niya kasi kung ipipilit pa rin niya, nako hindi na siya baliw, isa na siyang may cancer sa utak. "Trina, ikaw naman do'n sa kabila! Kanina ka pa naka-display riyan." Inis at padabog na binaba ni Jenna ang tray niya sa harap ko. Gusto kong sabihin na katatapos ko lang mag-serve at hindi ako nagpapa-display lang pero mas iniisip ko na walang magagawang maganda iyon kung hindi gulo. "Sige, ako na magbibigay ng order no'ng mga lalaki sa dulo," sang-ayon ko at tumingkayad para silipin ang grupo ng magbabarkada nannaghihintay ng order nila. Hindi pa handa ang ise-serve kaya naghintay nalang ako at sumandal sa counter. Magandang bar ang napasukan ko. Parang mayayaman lang ang may karapatang pumasok rito. Maganda at ang mamahal ng mga inumin. Maayos rin ang pasahod dito at may binibigay silang uniform. Iyon nga lang, medyo hindi ako komportable sa uniform na binigay. Skirt kasi iyon na maiksi at white button blouse. Nagmuka kaming estudyanteng. Medyo kita lang ang maliit na parte ng dibdib ko pero pinilit ko nalang hayaan. Hindi naman daw permanente ang ganitong suot namin. Magbabago kada buwan kaya baka iyong susunod ay maayos-ayos na. Mula alas sais hanggang alas tres ang oras ng trabaho. Mainam para makapagtrabaho ako sa umaga. Mabait ang manager ko rito, palagi akong tinatanong kung kamusta ako tuwing magkakasalubong kami rito. Palagi rin niyang pinapaalala na kung may kailangan ako ay sabihin ko lang. Mababait din naman ang ibang katrabaho ko. Maliban dito kay Jenna na kanina pa mainit ang ulo sa akin. Unang trabaho ko pero merong may galit sa akin agad. Tumunog ang bell indikasyon na handa na ang mga order. "Ako ng magdadala. Para ba ito sa dulo?" Tanong ko sa lalaking kasama ko na nag-abot sa akin. "Oo, Trina. Ingat lang at medyo mabigat ito at puro babasagin," paalala nito sa akin. Tumango ako at ngumiti. Natulala naman ito sa akin at halos hindi pa maiabot sa akin ang tray. "Kunin ko 'yong Tray, Alex." Napakurap siya dahil natauhan. Humingi siya ng sorry bago tuluyang pinaubaya sa akin ang tray. Nag-ingat ako sa pagdala ng mga order dahil babasagin nga ang mga nasa tray. Puro alak at mukang mahal ang mga iyon. Sa pagdaan ko ay napapansin kong napapatingin ang mga costumer sa akin. Halos puro lalaki ang mga tao rito ngayon at normal lang daw ang bagay na 'yon. Kung may babae man, minsan ay ing-table lang galing sa labas. Pagdating ko sa harap ng table ng mga lalaki pansin nilang lahat agad ang prisensya ko. "Order niyo ho," saad ko bago yumuko para iayos ang mga order. Kailangan yumuko dahil masyadong mababa ang mesa at naka-heels pa ako. Hindi ko na nagawang takpan ang dibdib ko sa pagyuko dahil puno ang mga kamay ko. "Miss, ako na. 'Wag kang yuyuko makikita ang buong kaluluwa mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki sa gilid ko kaya agad ko siyang nilingon. Tumayo siya para kunin ang tray sa akin kaya umayos na ako ng tayo. Siya ang nag-ayos ng mga alak sa mesa. Tameme ako sa pagiging gentleman niya. Nagkantyawan ang mga kasama nito sa inakto ng lalaki at inasar ito. Napaiwas ako ng tingin pero bumalik lang din ang tingin sa lalaki. Nakatagilid siya at medyo napaatras ako sa takot dahil akala ko siya iyong demonyong lalaki kahapon pero nang humarap siya sa akin ay ibang tao pala. Kahawig lang pala niya. "Are you ok? You looked scared." Tanong niya. Mabilis akong ngumiti at tumango nang makabawi. Umalis ako sa harap nila dahil ok naman na ang lahat. Babalik ako mamaya kapag nag-bill out na. Sobra talaga ang kaba ko kanina, akala ko siya. Hanggang ngayon ay nanginginig ako. Hinawakan ko ang labing may sugat dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Kung magkita man kami ulit hindi na ako papayag na tratuhin niya ng gano'n pero sana ay hindi na talaga kami magkita pa. Tumambay ako ulit sa counter dahil wala ng kasunod pang order. Medyo mahina ang pagdagsa ng mga tao ngayon dahil madalas naman daw na maraming pumupunta. Sinulyapan ko ang lalaking nasa dulong bahagi. Napatagilid ko ang ulo ko kakasuri sa kaniya dahil kamukang-kamuka niya talaga ang iyong lalaki. Knox ang pangalan niya. Natatandaan ko naman, ayaw ko lang banggitin kahit sa isip ko. Kapatid niya kaya iyan? Medyo nanlamig ako kung kapatid niya ngg ang lalaki. Masyadong maliit ang mundo kung nagkataon. Muka naman siyang mabait hindi tulad ng anak ni satanas. "Miss! Dito ka sa tabi namin." Napalingon ako sa banda kung saan may tumawag sa akin. Gurpo iyon ng kalalakihan na mukang mga lasing na at medyo may mga edad. Hindi ko gaanong narinig ang sinabi nila kaya lumapit ako dahil baka o-order pa ulit sila. "Sir? May order kayo?" Parang naliliyo akong tinitigan ng lalaking wala ng buhok sa tuktok ng kaniyang ulo. Namumula ang pisngi niya at pasuray-suray gumalaw ang ulo. "Ikaw, pwede ka bang order-in? Magkano ang isang gabi mo? Ito kasing mga kasama ko kanina ka pa natitipuhan. 'Wag kang mag-alala. Malakas kaming mag-tip." "Po?" Orderin ako? Ano- saglit, tingin ba nila sa akin ay maruming babae? Nagbago ang timpla ko at umatras ng bahagya. "Waitress lang ho ako rito. Kung wala kayong order ay aalis na-" "Ang sungit naman nito. Kilala mo ba kung sino ako?" Hindi ko alam kung bakit kailangan palaging ganiyan ang linyahan ng mga taong niyayabang ang pagkakakilanlan nila. Marami na akong nakilalang ganiyang tao at hindi nakakapanindig balahibo pa rin kapag ikaw ang pinapakitaan ng gano'ng asal. Ang sabi sa akin ni Nanay kapag may ganiyang tao ay umiwas nalang ako dahil hindi namin kilala ang binabangga pero sa pagkakataong ito ay hindi ko iniisip iyon dahil pagkatao ko ang nababastos. "Hindi kita kilala, Sir at wala akong balak kilalanin ka. Kung wala na kayong order, mag-bill out na kayo." Napikon ata siya dahil hinablot niya ang baso na may alak at yelo. Walang habas niya iyon sinaboy sa damit ko kaya napapikit lang ako. Naalarma ang instinct ko kaya inangat ko ang tray na hawak ko at hinampas sa kaliwang parte ng muka niya iyon. Nabigla lang naman ako sa pagsaboy niya kaya ko nagawa iyon kaya nang matauhan ako sinabi ko ng katapusan na naman ng trabaho ko. Napatayo ang mga kasama niya. Nag-uumapaw ang galit na pinukaw sa akin ng lalaking hinampas ko. Lalapitan na sana ako ng mga kasama niya nang pigilan niya ang mga ito sa pagsenyas. Hinaplos ng lalaki ang muka niya at sumilay ang ngiti. Hindi magandang senyales iyon. "Hayaan niyo na siya. Kasalanan ko rin, tinapunan ko siya. Come on, let's just enjoy our night and let the lady pass." Siguro ay natauhan naman siya pero hindi ako pwedeng pakampante. Humingi ako ng pasensya bago umalis sa harap nila. Pumunta ako sa restroom para punasan ang nabasang blouse. Hindi ako pwedeng bumalik ng basa ang damit ko dahil kita na ang bra ko. Hindi matutuyo ito kung kamay lang ang gamit ko kaya naghanap ako ng tissue sa piligid pero wala. Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng restrrom. Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa lalaking kamuka ni Knox. "Pangbabae rito, Sir." Baka kasi naligaw lang siya pero hindi ito nag-react. Inangat niya ang kamay para ibigay sa akin ang itim na panyo. "Ask someone to accompany you on your way home. Those men are crazy, surely they won't let this slip away," ani niya gamit ang malalim na tono. Inabot ko ang panyo niya. Bago pa ako makapagpasalamat ay lumabas na siya. Inamoy ko ang panyo, ang bango. Nanghinayang tuloy akong ipunas sa amoy alak kong blouse. Pagbalik ko sa counter wala na ang mga lalaki sa dulong bahagi ng bar maging ang mga lalaking nambastos sa akin. Tumingin ako sa relo ko para tignan ang oras. Dalawang oras nalang ay out ko na. Susundin ko ang payo ng lalaki na tumingin ng kasama pauwi dahil mahirap na. "Alex, anong oras ang out mo?" Tanong ko nang lumabas ito mula sa kitchen. "Alas tres pa. Bakit?" Sagot niya pabalik. "Pwede bang makisabay ako sa'yo pauwi? Kahit hanggang sakayan lang ng tricycle." Agad itong pumayag kaya nagpasalamat ako. Inubos namin ang oras sa paglilinis nang maubos ang mga tao. Hindi pa nga umabot ng alas tres ng pauwiin kami. Gaya ng napag-usapan nagsabay kami ni Alex palabas ng bar dahil pareho lang naman kami ng daan na pupuntahan. Madadaanan din niya ang paradahan ng tricycle. "Sigurado ka bang may namamasada pa sa oras na ito? Madaling araw na, baka wala na 'yan Trina," ani ni Alex habang naglalakad kami sa madilim na daan. Wala ng katao-tao sa lanas ng bar. Todo naman ang lingon ko sa paligid sa pagkapraning. "Hindi ko alam e. Ikaw ba? Paano ka makakasakay rin?" "Nako, 'wag kang mag-alala sa akin. Kayang-kaya kong lakarin ang distansya ng bahay namin. Malapit lang, hindi tulad ng sainyo na mukang kakailanganin pa ng motor." Tumango-tango ako. Halos walang post light sa paligid kaya nakakatakot. Mabuti nalang ay may kasama ako. Nilingon ko si Alex na saglit na hinawakan ang cellphone bago tinago sa bulsa at ngumiti sa akin. "Hindi mo ba naaamoy ang damit ko? Sinabuyan kasi ako ng alak kanina no'ng isang costumer." "Hindi naman. Gusto mo amuyin ko?" Tinignan niya ang dibdib ko kaya na-awkward-an ako. Hilaw na tumawa ako dahil baka mali lang ako ng instinct pero hindi na niya nilubayan ng tingin ang katawan ko. Tumingin ako sa pigid para maghanap ng tao para hingan ng tulong kung sakali man. Kanina ko lang nakilala si Alex at hindi ako sigurado kung anong klaseng tao siya. "Ga'no ka na katagal na nagtatrabaho ro'n sa bar?" Pagbabago ko ng usapan pero bago pa siya makasagot may ilaw na lumiwanag galing sa likod namin kaya napalingon ako. Galing ito sa kotseng papalapit sa amin. Akala ko ay dadaan lang pero huminto sa tapat namin. Kinutuban ako kaya hinawakan ko si Alex para hilahin patakbo pero sa pagkasurpresa ko hinawakan niya kabalik ang kamay ko at parang goma akong nahila pabalik sa kinatatayuan niya. "Alex," naguguluhan kong tawag sa kaniya pero ngumisi lang siya. Nanlaki ang mata ko na makitang bumukas ang bintana at bumungad ang muka ng mga lalaking bumastos sa akin kanina. Base sa reaksyon ni Alex ay mukang kakontyaba nila ito. "Alex, Alex, maaasahan ka talaga. Na-send ko na sa account mo ang pera," malademonyong sabi ng panot na lalaki sa driver's seat. Binayaran nila si Alex para ipagkanlulo ako at sa mga salita nila mukang hindi ito ang unang pagkakataon. Natakot ako para sa siguridad ko. Alam kong katapusan ko na dahil walang tao sa paligid at walang magliligtas sa akin sa ganitong sitwasyon. Pinilit kong pumiglas sa hawak ni Alex pero mahigpit iyo. Bago pa bumaba sa sasakyan ang mga lalaki, buong lakas kong tinadyakan si Alex sa gitna ng hita nito Nagmura si Alex. Dapat lang sa kaniya iyon. Tumakbo ako ng sobrang bilis para makabalik ako sa bar dahil tingin ko ay ligtas iyon na lugar at may pakonti-konting tao na pwede akong tulungan. Naabot ko ang maliwanag na parte pero kasunod ko na ang kotseng humaharurot para mahabol ako. Mali pala ako, wala ng tao sa bar at sarado na iyon. Maaga pa pero sarado na. Kinalampag ko pa ang entrance at sumigaw ng tulong pero walang nangyari kaya tumakbo nalang ako sa daan na hindi kakayaning pasukan ng kotse nila. Inakyat ko ang bakod na mataas. Nasabit pa ang braso ko sa matigas na wire. Hindi ko pinansin iyon at dumiretsong takbo sa lahat ng lugar na alam kong pwedeng takbuhan. Kung ano-anong eskenita ang pinasok ko at alam kong nakasunod pa rin sila sa akin dahil rinig na rinig ang mga demonyo nilang tawa. Habang tumatakbo tumutulo na ang luha ko sa takot. Paglampas sa isang masikip na eskenita, nakakita ako ng maliwanag at maluwang na court. Nabuhayan ako na amy makitang mga tao roon. Tumakbo ako palapit pero napatigil at halos humiyaw sa gulat nang umalingawngaw ang putok ng baril. Binaril ng isang lalaki ang taong nakahandusay na ngayon sa sahig. May mga nakapiring ang mga mata na nakaluhod at tatlong lalaki sa harap nila na may baril. Galing sa ilaw na nagmumula sa post light, naaninag ko ang muka ng bumaril. Sa unang pagkakataon nabigkas ko ang pangalan niya. "Knox," mahina kong sabi. Sigurado akong siya 'yan. Siyang siya. Hindi ko makakalimutan ang mukang 'yan. Tumingin ako sa likod ko. Kung suswertehin ka nga naman, wala kang ibang pagpipiliian kung hindi ang mapahamak. Hindi ko alam kung sinong hahayaan kong makakuha sa akin. Kung ang mga manyak na lalaking humahabol sa akin na siguradong gagahasain at papatayin ako o ang demonyong lalaki na ito na kapapanood ko lang kung paano niya patayin ang isang lalaki. Wala na kasing ibang daan. Aabante ako o aatras. Kinagat ko ang ibabang labi at tumakbo papalapit sa kanila. Wala na akong oras. Mas gugustuhin kong saluhin ang galit ng lalaking ito para sa asawa niya kesa pagpyestahan ng limang lalaki na 'yon. "T-tulong! Tulungan mo ko, may mga humahabol sa akin." Nakuha ko ang atensyon ng mga lalaki. Napamura si Knox sa presensya ko. Napatigil ako sa pagtakbo nang tutukan ako ng baril ng dalawang kasama niya. "Drop your f*cking guns!" Utos niya sa mga kasama na agad naman siyang sinunod. Lumingon ako sa likod ko at kita ko ng nariyan na ang mga lalaki kaya tinuloy ko ang paglapit. "What the f*ck are you doing here?" Madiin na tanong ni Knox. Nagawa pa niyang pasadahan ng tingin ang damit ko. Sobra ang hingal ko halos hindi na ako makakuha ng salita kaya tinuro ko na lang ang mga lalaki. Nilingon niya ang tinuro ko. Ang nakakunot niyang noo ay mas lalong kumunot. Ang malamig niyang tingin ay naging blanko. "Intruders," anunsyo ng kasama niyang lalaki. Nagkaharap-harap ang dalawang grupo. Nagulat ang limang lalaki at mukang kilala ang mga katabi ko. "We don't intend to fight. We only need the girl," sabi ng panot na may malaswang ngiti habang nakatingin sa akin. "Knox, mga tauhan ni Senator 'yan. Bigay mo na lang 'yang babae para umalis na sila." Umiling ako sa gusto ng kasama ni Knox. Tumingala ako kay Knox at hinawakan ng mahigpit ang coat niya. "H'wag mo kong bigay sa kanila," pagmamakaawa ko. Umangat ang gilid ng labi nito at tinanggal ang kamay ko sa kaniya. "What can you offer for me to save you? Those men are in big organizations. I can't just risk my business to someone that came from nowhere and asked for help. I don't do free." Wala talagang kabutihan ang lalaking 'to. "Wala akong pera, p-pero pwede akong magtrabaho para sa'yo! Gagawin ko lahat ng gusto mo, m-maliban na lang sa mga malaswa-" "I already have enough maids and slaves." Natataranta na ako dahil handa na akong kunin ng lalaking kasama ni Knox at iabot sa limang lalaki na parang isang bagay lang. Mukang nainis si Knox at balak na akong itulak pero hinawakan ko siya ulit sa damit. "Magpapanggap akong asawa mo! Hindi ba kamuka ko siya? Gaya ng sabi mo, ibuhos mo sa akin ang galit mo sa kaniya." Iyon ang huling naisip ko. Kahibangan itong papasukin ko pero ito na lang talaga ang alam ko. Mapatay man niya ako sa galit sa asawa niya ay ayos lang. At least hindi ako mapagpepyestahan ng iba't ibang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD