Kabanata 3

1512 Words
Kinagat ko ng mariin ang labi habang hinihintay ang sagot niya. Nagtagis ang panga niya kaya hindi ko sigurado kung nagalit ba siya sa sinabi ko pero kalaunan ay umangat ang isang sulok ng labi nito. Napasinghap ako nang tinutukan niya ako ng baril. Napakurap pa ako. "A-anong-" "Tabi," aniya kaya sumunod ako. Umabante ako patagilid at hindi pala sa akin nakatutok ang baril kung hindi sa limang mga lalaki. "Knox, what are you doing?" Inis na tanong ng isang lalaking kasamahan niya. "I'm not giving her. Try finding your new toy somewhere," malamig na sabi ni Knox sa mga manyak na lalaki. Natawa naman ang lider nilang panot. "Ayaw namin ng gulo. Kami ang nauna riyan. Siguro naman ay hindi lang iyan ang babaeng natipuhan mo. Come on Knox, it's not like she's your type. That girl is hella dirty, I'm sure you don't like that." Napakapit na naman ako kay Knox dahil hindi talaga ako titigilan ng mga iyan. Mukang ayaw niyang hinahawakan siya dahil nandidiri pa siyang tinignan ang kamay kong nakahawak sa kaniya pero hindi ako bumitaw. "She's my lost wife. Back off before I put holes in you garbage heads. You dare to mess with her again, ako ang makakalaban niyo. Kilala niyo ako." Alam kong palabas lang niya na ako nga ang asawa niya pero hindi ko mapigilang mapaisip na paano nga kung gawin niya akong asawa niya dahil sa kapalit na ing-offer ko? Masyado siyang marahas. Paano kung mata lang ang walang latay sa akin? Paano kung punuin niya ng bala ang katawan ko sa inis niya sa asawa niya? "Wala kang magagago rito, Knox. Ibigay mo na para maituloy niyo na ang mga gawain niyo," sabi ng katabi ng lider nila. "Knox, nababaliw ka na ba? Hindi mo naman kilala ang babaeng iyan. Tsaka nagtatrabaho ata 'yan sa bar. Pokpok 'yan," bulong ng kasama ni Knox at masama pa akong tinitigan kaya napayuko nalang ako. Ngumisi si Knox at umiling. May kinuha siya sa ilalim ng coat niya at cellphone pala iyon. Ilang swipe ang ginawa niya bago hinarap sa manyak ang screen no'n. Maging ang mga kasama ni Knox ay tinignan ang screen ng cellphone. Sabay pa ang mga ito na napatingin sa akin. "Asawa nga niya, Boss. Alis na tayo rito," rinig kong sabi ng isa niya pang alipores. "s**t, ngayon ko lang napansin! Si Trina nga!" Gulat na saad ng katabi ko Kumunot ang noo ko at hindi alam kung ano ang pinakita ni Knox sa mga lalaki. "Maswerte pa kayo ngayon dahil wala pa akong ginawa sainyo. Kung hindi niya ako nakita, ano nalang na kademonyohan ang nagawa niyo?" Umapela ang kasama ni Knox at matalim akong tinignan. "You will still accept her despite everything she had done to you and your family?" Naguguluhang tanong nito "Don't give me lesson. I didn't need it," sagot ni Knox. Narinig kong nagkasa ng baril ang katabi ko kaya napalingon ako rito. "Knox, anong gusto mong gawin namin sa kanila? They deserve to die for chasing your girl," sabi nito at tinutok ang baril sa mga lalaki sa harap namin. Tinignan ako ni Knox mula ulo hanggang paa. "What did they do to you?" Tanong niya sa akin. "W-wala naman, hinabol lang nila ako pagtapos ng shift ko s-sa bar. Nabastos ko kasi sila nang hindi ako pumayag sa gusto nilang bayaran ako." Ang lamig niyang tumitig kaya hindi ko siya matignan. Hindi kayang magtagal ng mga mata ko sa kaniya dahil natatakot ako. "What's wrong with that? That's your job right?" Mabilis akong umiling. "W-waitress ang trabaho ko, h-hindi ako bayarang babae." Bumuntong hininga ito at nag-iwas ng tingin. Napatalon ako sa gulat nang binaril niya ang lalaking nakatakip ang ulo na binalak tumakas habang nagkakaroon ng diskusyon ang dalawang panig. Napapikit na naman ako. Dalawang beses ko na siyang nasaksihan na pumatay. Walang habas niyang hinihila ang gatilyo ng baril na parang normal na bagay lang ito para sa sa kaniya. Na parang walang kwenta ang buhay ng mga taong kinitilan niya. "Gusto niyo bang sumunod? Anong tinatanga-tanga niyo riyan?" Natauhan ata ang grupo ng mga manyak dahil bigla na lang itong nagsipag karipas ng takbo. Nanginginig ako at halos hindi ko matignan si Knox sa takot. Nakakatakot siya. Mamamatay tao siya. Nabigwas ako nang hinawakan niya ako sa braso. Nanlaki ang mata ko sa nagawa ko kaya agad na humingi ng pasensya. Binablot ni Knox ang braso ko at nakitang nanginginig ang kamay ko. "Ginawa nila 'to?" Saad niya habang nakatingin sa braso kong nagdurugo. Nasabit nga pala kanina sa wire habang tumatakbo ako. Tinignan ko lang ito, bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Mukang maging ang boses ko ay nababahag. "Nevermind. Lude, finish that waste. I'll go ahead. Let's meet when I called," sabi ni Knox sa lalaking matalim ang tingin sa akin bago marahas akong hinila paalis sa lugar. Alam niyang may sugat ako sa braso kung saan niya ako hinihigit pero mukang wala itong pakialam kahit masaktan ako. Sino nga ba naman ako? Isa lang akong babaeng kamuka ng asawa niya. Kahit masakit ang paraan ng paghila niya ay hindi na ako nagreklamo dahil sa pagkatulala. Nakakabiglang makasaksi ng mga brutal na bagay. Halos masuka pa ako kanina dahil sa nakitang dugo sa sahig. Hindi ko kilala ang lalaking pinili kong samahan. Gano'n pa man, ito na ang tingin kong mas maayos na desisyon. Kapag nakawala ako rito ay aalis ako sa syudad na ito at maghahanap ng probinsyang maaaring magbigay sa akin ng trabaho. Hindi lang naman ang lugar na ito ang nagbibigay kabuhayan. Maaari rin naman akong mamasukan na domestic helper sa ibang bansa. Doon ay malaki ang sahod at siguradong matutustosan ang gamutan ng Nanay. Iyon nga lang ay mahaba ang proseso at kailangan ng inisyal na pera para makalipad. Isa lang naman 'yan sa mga pagpipilian kong gawin makalayo lang sa masasamang tao na ito. Hindi ko nasahan na napakaraming masasamang loob ang nakapalibot dito sa syudad. Kung alam ko lang ay hindi rito ang tinungo ko para makipagsapalaran. Nakarating kami sa labas ng mga eskinita at tanaw ko na agad ang kotse nitong umilaw nang may tinutok siya roon at pinindot. "S-sa'n mo 'ko dadalhin?" Tanong ko dahil kung mananahimik lang ako ay walang mangyayari. "My place," simple niyang sagot ng hindi ako nililingon. Tumigil kami sa tapat ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto at ginalaw niya ang ulo na parang inuutos pumasok ako sa loob pero hindi ko ginawa. "What? I own you now. You offered yourself, no one forced you." Muka siyang bored na bored at walang pasensya sa mga oras na nasasayang dahil sa pagsagot ng tanong ko. At ano? Pag-aari na niya ako? Wala ata akong natatandaan na sinabi ko iyon. "Hindi sa gano'n ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay-" "Pwede kong isipin ang lahat ng gusto ko. Now, get in the car bago pa ako mainis sa'yo." Tinignan ko ang kotse. Hindi pa rin ako kumilos. Pakiramdam ko kapag pumasok na ako sa loob ay para na akong mapoposas at wala ng karapatang umangal sa kahit ano dahil hawak na nito ako sa leeg. Natatakot ako na bila nalang niya akong barilin gaya ng lalaki kanina. "Anong balak mong gawin sa akin kapag dinala mo ako sa bahay mo?" Gusto ko lang kasing malaman para alam ko kung sasama ako o kakaripas nalang ng takbo. Halos irapan niya ako sa tanong ko pero kinagat ko lang ng mariin ang labi ko at nag-iwas ng tingin. "I'm still not convinced that you are not Triana. There's no way you two are just identical twins since I had my powers to check. It's either you are the true Trina or you just copied her face and body. After that you intentionally applied as a janitress in my workplace to gain attention for having the very same face and now you are acting innocent." Talagang imposibleng may kakambal ako dahil nag-iisang anak lang ako nila Nanay. "Paano ko gagawin iyon, wala akong kapera-pera. Kaya nga ako narito, para magtrabaho." "Any of the two, ikaw man o hindi it will be your curse for having the face of my wife." Napalunok ako sa tingin nitong nakakalunod. Napakalalim at nakakapanghigit ng hininga. Napakamisteryoso ng mga mata nito. Lumunok ako at tinumbasan ang titig niya. "Paano kita makukumbinsi na hindi ako ang asawa mo?" Tanong ko. Nagmura siya ng mahina pero rinig ko. Sinabi pa nitong ang dami kong dada. Bumuntong hininga ito at blanko akong tinignan. "I told you. Show me your body then I'll know." "L-lahat ba ng parte ng katawan ko?" Tinignan niya ako na parang sinasabi na, 'obvious ba?' Napahawak ako sa katawan ko at napailing. Pinepreserba ko ang katawan ko para lalaking mapapangasawa ko. Magkamatayan na pero hindi ko kelan man ipapakita ang bahagi na dapat asawa ko lang ang makakita. "A-ayoko." "Kung gano'n magdusa ka habang naghihintay kung kelan ako makukumbinsi na hindi ikaw si Trina. Pumasok ka na sa kotse bago kita itulak papasok," marahas niyang wika bago ako tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD