Chapter 13 - Condo Raid
Rain Amira’s POV
We have two weeks for semester break. And I don't know what to do inside my condo for two weeks. Maybe watch movies? Read books? Dalawang linggo akong magkukulong dito. Ang boring naman ata? Gusto ko sanang umuwi sa bahay kaso wala naman akong uuwian. Pumuntang Italy sila Mom and Dad to meet some business friends. Ewan ko ba kung ba't sila nakarating sa Italy e sa mga kalapit na probinsiya lang naman ata ieexpand yung ilang resto at coffee shop namin.
*knocks*
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Inilapag ko muna si Azlan sa couch bago tumungo para buksan iyon. Sino naman ang pupunta dito ngayon? Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin si Archer na katabi si Sophia.
"Ate Amy!" natutuwang sambit ni Sofie. Nginitian ko ito saka saglit na tumingin kay Archer dahil wala namang sinabi ito na pupunta sila ngayon.
"Hello! Napadalaw ka?" bumaba ako para mag-level kami.
"Kuya said, that Fury's back at your home already." Malungkot nitong saad pero agad ding lumiwanag ang kanyang mata sa tuwa
"But you and Kuya have a cat! Can I see him? Can I see him?" she jumped out of excitement. Nakatayo lamang si Archer na walang imik.
"Of course. Pasok kayo." Binuhat ko sa Azlan at pinakita kay Sophia. Napahawak naman ang bata sa dulo ng damit ni Archer at nag-aalangan sa pusa. She looked at Archer as if asking if it is okay at tumango lamang ito.
Dahan-dahang hinawakan ni Sophia ang ulo ng pusa saka ito mahinang tumawa.
"What's his name, Ate?"
"Azlan."
"Azlan? Why Azlan?" she asked curiously
"It's from the lion in Narnia. It's your Kuya who named him, Sofie." I placed Azlan at her lap and looked at Archer.
"Are you planning to stand there forever? You can sit, Archer." Sambit ko at saka lang siya gumalaw para umupo. Sus, nahiya pa. Pag di ko ba siya inayang umupo tatayo lang siya doon?
"Do you want some cookies and cupcakes, Sofie?" I baked yesterday and last night coz I have nothing to do. Okay narin yon kasi tamad akong magluto ng paulit ulit, kaya nagbake nalang ako ng pwedeng pangmatagalan para yun nalang ang kainin ko kapag sinusumpong ako ng katamaran which is always.
"Yes, Ate" aniya habang nilalaro lang si Azlan. Ibinigay ko yung mga laruan ni Azlan para malaro niya yung pusa.
"How about juice? Do you want a particular flavor?"
"Anything, Ate. Thank you" aniya at tumingin sakin. Pinisil ko konti ang kanyang pisngi kasi ang cute niyang bata.
"How about you?" I turned to Archer.
"Um. I have to go. I'll just come get her later." Aniya saka tumayo.
"Alright then."
"Sorry by the way for this sudden visit. She wants to see you and the cat."
"Yeah sure, I understand. She has no one to play with at your house." Siyempre walang kalaro doon si Sophia kasi parehong lalaki ang kapatid.
"How's Azlan?" he looked at the cat.
"Doing fine, and healthy. Ang kulit niya." Napatingin din ako sa pusa saka natawa kasi ang kulit talaga ni Azlan, kapag kakain ako ang gusto nasa tabi ko lagi o hihiga sa hita ko. Lagi niya akong sinusundan, kapag nasa banyo ako maghihintay lang siya sa labas nito. Ang cute pa ng mga mata niya kung tumingin, namimiss ko tuloy si Fury.
"Good. I'll go ahead then" aniya saka tumungo sa pinto, at pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Vince na naka taas ang isang kamay at akmang kakatok sana, sa kabilang kamay niya ang mga papel at envelope. Anong sadya nito dito?
"Bro, nandito ka nga!" masiglang bati ni Vince. Lagi namang hyper yan e. Kinukulit din ako niyan minsan pag madadatnan niya ako sa lib, at syempre nasa paligid din yung mga fans niya. Nabalitaan ko nga sa school, playboy talaga 'tong si Vince, kung sino sino daw ang nilalandi.
"What are you doing here?" kunot noong tanong ni Archer. See? Nakakunot-noo na naman. Tatanda talagang binata yan pag laging ganyan.
"I went at your house and they said that you came here with Sophia." Pumasok na si Vincent saka dumiretso sa couch.
"Hi Sophia!" kaway niya sa katabing bata. "Is that your cat?" tanong niya sa pusa
"No kuya. It's kuya Kean's and Ate Amy's cat. His name is Azlan" ngiting saad ni Sofie.
"Hoy. Di pa kita pinapasok, Vince. Labas muna, take 2."
"Ikaw nalang lumabas, Amira" tawang sagot nito. Kita mo? Ang bastos sumagot. Sinipa ko nalang ang paa nito.
"What are you doing here, Vincent?" tanong ulit ni Archer habang hawak parin ang pinto.
"Paper works. Since we're both already here. Dito nalang natin gawin."
"Okay lang diba, Amira?"
"Wala ba kayong mga bahay? Don niyo gawin yan."
"Bro, lika na. Okay lang daw." Tawag nito kay Archer at sumunod naman ito matapos isara ang pinto.
Nag-squat na sila sa sahig saka hinarap ang aking coffee table na kung saan nakapatong ang mga papel na dala ni Vince.
Kaya pala magkaibigan ang dalawang 'to, may katarantaduhan din e. Yang si Archer seseryo-seryoso, may tinatago rin palang kalokohan. Aba sinabi ko bang dito sila? Pinapalayas ko nga e baka magkalat pa mga yan.
"HOY. LABAS VINCE. ARCHER." Ngunit tila hangin lamang ako sa kanila at hindi ako pinansin nagpatuloy lang sila sa pagbabasa.
Nevermind. Kahit naman gusto kong kaladkarin 'tong dalawang 'to palabas, di ko kaya sa bigat nila.
Bumuntong hininga na lamang ako kasi alam kong wala na akong magagawa. Hayaan na nga lang.
Pumunta na akong kusina at naglagay ng mga cupcakes at cookies sa isang malaking bowl, at nagtimpla ng orange juice.
"Sofie. Come here have your snacks. Baka mabasa yung ginagawa ng mga kuya mo diyan e mapagalitan pa tayo." Tawag ko kay Sophia na agad namang tumalima.
Nagkwentuhan lamang kami ni Sophia about her school and her friends. Nakwento rin nito na talaga namang wala siyang kalaro sa bahay nila kasi palaging busy ang kanyang mga kuya at puro lalaki ang mga ito. Niyaya ko siya sa kwarto ko para manood saking laptop ng The Lion King nang matapos itong magmeryenda, inangkin narin naman nung dalawa ang buong sala, nagkalat sa sahig ang mga papel.
I opened the laptop and played The Lion King
"Hintayin mo ko rito ha. Tignan ko lang mga kuya mo." Tumango naman ito habang nakatingin sa screen.
Bumalik ako sa sala para tignan ang ginagawa ng dalawa.
Azlan is now sitting on Archer's leg, still playing with his catnip. Hinahaplos lang din ni Archer si Azlan habang ang isa nitong kamay ay nakahawak sa papel na binabasa.
"Gusto niyong magmeryenda? May cookies at cupcakes doon o. Nasa ref ang juice." Aya ko habang nakatingin sa mga papel sa sahig.
"Pwede pakidala dito, Amira?" utos ni Vince na hindi man lang tumingin sakin at nagsusulat lang ito sa isang notebook.
"Inuutusan mo ako Hermoso? Ibuhos ko sayo yung juice kamo?" Napatingin na ito sakin