Chapter 12 - Their Baby
"W...w-what the hell was that?!"
"Oh. Was that your first?" nangaasar niyang tanong.
"Yes you asshole. How dare you?! Why did you do that?"
"To test a theory." ignoring his nonsense response, I stand up and picked up my book and wallet.
When I turned around to walk, I felt an arm grabbed my waist and made me turn to him, I know it was Archer. I look up at him since he is tall, and there are those eyes again, this time, his eyes are warm and full of emotions that I am not sure of. He looked at me as if scanning my face, then looked at my eyes as if searching for something.
He just looked at me not saying a word, then tiny drops of rain started to fall. I stared at him, I do not know why but I just want to look at him now. I do not know what kind of emotion I am feeling right now. I have never felt this way ever before. The feeling is so overwhelming that I can't look away from him, but this feeling is also making me nervous and drives my heart in an erratic state.
He tightly closed his eyes and looked down. "Damn, I am doomed." Aniya saka tumawa ng mahina.
"Let's go" he added and grabbed the guitar from my hand saka sabay kaming naglakad ng mabilis pabalik sa bulwagan, medyo basa na ang aming damit kahit na mahina lamang ang ulan.
Sinalubong kami ng isang crew na may dalang towel pamunas sa nabasa samin. Iniiwasan kong mapatingin kay Archer dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko o paano mag-react sa nangyari.
Sapakin ko kaya?
"Miss Amy, boyfriend niyo po si Sir? Bagay po kayo." Saad ni Lea nang lumapit ito samin.
I cleared my throat "No. Umm. Anyway, Amy nalang wag na yung Miss, di naman tayo nagkakalayo ng edad." I diverted the topic.
"Ay, akala ko po boyfriend niyo po si Sir."
"You can drop the 'sir', Lea." Hala, paanong kilala ni Archer si Lea? Madalas din ba siya dito?
"Nakakahiya naman po sir, baka rin po isumbong ako ng Manager kay Sir Ardent."
Sumingit na ako sa usapan dahil kinakain na talaga ako ng kuryosidad sa pinagsasabi nila.
"Sino si Sir Ardent? Boss niyo?"
"Ay! Di mo ba alam, Amy?" gulat naman na tanong ni Lea
"Uh.. no? I am new to this place, kaya.."
"Siya po ang may-ari nitong resort. Daddy po siya ni Sir." ani naman nito saka tinuro si Archer. Gulat naman akong napatingin kay Archer.
Wow. What?
Tinaasan naman ako ng kilay. Kita mo? Ang bilis magbago ng mood.
"Ah. Ganoon ba. Sige, Lea. Alis na 'ko a."
"Sige po. Ingat!" kumaway ito ng nakangiti. Kinuha ko na ang gitara kay Archer at nauna na akong naglakad.
Hindi ko nalang inisip yung halik kanina, nangaasar lang siguro yung taong yun.
Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar ito, ngunit nag blink ang empty bar ng gas. I slammed the steering wheel when I realized that I forgot to fuel up the car before I left. Magcocommute nalang ako siguro at kunin nalang itong sasakyan bukas. Iniwan ko nalang ang aking gamit sa sasakyan at tanging wallet at phone nalang ang aking dinala. Lumabas ako sa gate at sumilong agad sa tabi para maghintay ng sasakyan na dadaan.
Makalipas ang limang minuto ay huminto ang sasakyan ni Archer sa aking harapan saka ibinaba ang bintana nito.
"Hop in."
"Commute nalang ako."
"Get inside, Rain." Maawtoridad niyang sambit. Pumasok nalang ako kasi baka masyado akong gabihin dito sa paghihintay.
"What happened to your car?"
"Ran out of gas" tipid kong sagot.
Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at tumingin na lamang ako sa daan. Biglang tumunog ang tiyan ko at dahan akong tumingin kay Archer nagbabakasakaling hindi niya iyon narinig kasi nakakahiya. Pizza at cereal lang naman kasi ang kinain ko buong araw.
"I heard that, Rain"
"Sorry." I said and tumingin ulit sa daan
Oh my gonn.
"Stop the car. Stop the car!" taranta kong sambit kay Archer.
"Calm down. I know." bigla naman itong huminto at agad kaming bumaba ng sasakyan at dinaluhan ang pusa sa gitna ng kalsada na duguan at sa tabi nito ay naroon ang isang kuting. Meowing at her mother.
"Shoot what happened to you." Hinawakan ko ang pusa at naramdamang humihinga pa ito.
"Archer." agad itong bumalik sa sasakyan at kinuha ang towel na mula sa resort kanina. Ibinalot namin ito sa duguang pusa saka kinuha ang kuting.
Dumiretso kami sa pinakamalapit na Veterinary Clinic at dinaluhan naman agad ang hawak naming mga pusa. Itinuro naman saamin ng assistant ang banyo ng clinic kung saan pwede kaming maghugas ng kamay dahil puro dugo na ang mga ito.
Makalipas ang kalahating oras ay tinawag kami ng Vet Dr. "Too much blood loss and and impact on her head. She did not make it. I am sorry."
"How about the kitten doc?" I asked.
"The kitten is fine. Chinecheck up at nililinisan nalang siya. They are street cats, are they not?"
"Opo nakita namin sa gitna ng kalsada"
"Sadly to inform you this. The shelter is already full and cannot accommodate more animals, do you know someone who wants to adopt the kitten? 'cause obviously we can't just let him wander on the streets."
"Umm. I... think I will just take him then Doc." Kawawa naman kasi baka matulad pa siya sa nangyari sa kanyang ina. Saka ko nalang problemahin ng pag-iiwanan, may sembreak pa naman kami kaya doon muna siya sa condo.
"That is great!" masayang sambit ng doctor.
"Hintayin niyo nalang muna malapit narin matapos iyon"
Napatingin ako kay Archer nang iabot niya sakin ang isang tshirt.
"What?"
"Wear it. You look like a murderer with those bloods."
Napatingin naman ako sa puti kong maxi dress at may mga dugo nga ito mula sa pusa.
I took the shirt and looked at it. It was a plain black shirt. Masyadong malaki.
"Is this yours?"
"What do you think?"
"Sabi ko nga." Sa kanya nga, sino pa ba.
Ipinatong ko na ang damit at napansin kong sa left sleeve pala nito ay may maliit na nakaprint na bow and arrow. Archer, huh? Maliit lamang ito kaya hindi ko agad napansin nung una. Nang maayos ko ang damit ay inabot naman sakin ni Archer ang Sandwich at Iced tea.
"Eat that for now."
"Where did you get these?"
"Sa basura" yo! Nag-tagalog si Archer! Akala ko di marunong.
Ibinalik ko sa kanya ang pagkain. Tinatanong kasi ng maayos tapos ganon ang sagot.
"There." He pointed at a convenience store na kaharap ng clinic. "Why? You want a buffet or a classy dinner right here right now?" tinaasan niya ako ng kilay.
Aba, hindi naman ako nagreklamo a. Nagiging madaldal na talaga itong si Archer. May improvement.
"You are getting talkative now huh?"
"Just shut up and eat, Rain, or else..."
"Or else what, Archer?" nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Hindi lang ikaw ang marunong tumingin ng masama no.
He moved closer and whispered to my ears.
"Are you sure you wanna know, Rain?" his voice caused me goosebumps, ramdam kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa leeg.
My mind slowly processed what he said, and my eyes widened in shock and disbelief. I looked at him and there he is again, smirking at me. I looked away and sipped the Iced tea.
The heck.. I know what he meant by that. Hindi ako inosente o ano, we study the human body, so I know some things. And heard some of the guys in our class talk about 'things like that'.
I silently ate the sandwich and drank the Iced tea.
"Good girl" aniya at pinatong ang kanyang palad sa ibabaw ng aking ulo. I glared at him in return and he just let out a little laugh. I immediately looked away, kasi yan na naman yung mga ngiti niya giirrrll!
"Miss Dovante, nandito na yung kuting" Inabot sakin ang bagong linis na kuting at nakabalot sa isang maliit na towel. The kitten is a boy, orange ang kanyang kulay.
I reached for my wallet to pay for the service but Archer stopped me and he immediately handled the bills. Bumili rin siya sa clinic ng ilang cat food.
Magsasalita na naman sana ako nang bigla niya akong tinignan ng masama kaya tinikom ko nalang ang aking bibig. Baka ano pang mangyari sakin e.
"Do you wanna go somewhere to eat properly?" tanong ni Archer habang nagda-drive.
Jusko. Wag na, baka kung saan pa ako dalhin nito e.
"I am harmless, Rain" he added with a smirked. See that smirk? That was not harmless, people, that was not harmless.
"Uwi na, ang dumi ko o? naulanan pa ako." Sagot ko nalang.
"Are you sure?"
100% sure, Archer!
"Yeah."
"Alright." He drove me to my condo, and when we arrived, I carried the kitten and he helped me carry my stuff and the foods and vitamins for the kitten.
"What are you gonna name him?" he suddenly ask. Napaisip naman ako ngunit walang pumapasok sa utak ko.
"Hmm. I do not know. I can't think of something right now........Wanna name him instead?" I asked tutal siya naman gumastos para dito sa kuting so... siguro dapat rin na siya na magpangalan.
"Azlan" sambit niya.
"Azlan... right!" ani ko, pero parang familiar...
"Hello Azlan" tawag ko sa kuting at mahina naman itong nag meow na siyang nagpangiti sakin. Ang cute.
"Azlan... Azlan?..... Aslan! The lion in The Chronicles of Narnia. Right? Right?" ngiti at excited kong tanong kay Archer. Habang hinihila ang side ng kanyang damit para makuha ang pansin nito at sumagot. Kasi diba Aslan yung name ng lion doon, tas dito sa kuting parehas lang 'Z' nga lang yung gamit sa Azlan.
"Are you a fan too? Napanood mo na? Ang galing no? Ang ganda ng story." Sunod ko ulit. Napatigil siya sa paglalakad, tumingin sakin, saka sa kamay kong nakahawak sa kanyang damit. Agad ko namang binitawan ito baka ma- "do not touch my stuff" na naman ako.
I grinned at him and showed a peace sign. Nakatingin na lamang siya sakin. Sorry naman na-excite lang. Gusto ko rin kasi yung Narnia e, kaya naexcite ako na may nakakaalam din doon.
"Yeah" he just answered ngumiti naman ako kasi diba ang galing nakahanap ako ng fan din. Nauna na akong maglakad palapit sa pintuan saka binuksan iyon at pumasok, ipinasok rin ni Archer ang mga gamit.
"I have to go now." Aniya
"Sure, sure. Ingat."
Tumungo na siya sa pinto at binuksan iyon, pero bago siya tuluyang lumabas ay tumingin siya ulit sakin
"And Rain? Please do not smile like that to other guys. Happy Birthday." Aniya and he looked at me with eyes filled with emotions I cannot describe, saka tuluyang lumabas at isinarado ang pinto.
But why should I not smile? Hala, hindi naman ako creepy ngumiti a.