Viktoria’s POV
Pinasuyo ko sa secretary ko ang interiors book ko. Balak namin tumingin na ng interior ngayon.
“Hey,” tawag ko kay Elijah. Tinaas ko ang libro at tumabi na sa kaniya sa sofa. “First, ano gusto mo baguhin sa penthouse mo? Tiles, walls, or furnitures lang?” Tanong ko.
“All of it. Unless you’re satisfied with my wall interior?” Sagot naman niya. Tumingin ako sa paligid at nakitang maayos naman interior niya. Puti na may accent na gray lang naman ang walls niya.
“Hmm… Gusto ko naman. Sige, pati flooring wag na okay na ‘to.”
“Mmm.”
“Let’s move to the furnitures.” Linipat ko ang page ng libro kung saan ang furnitures. Ang nakalagay dito ay mga trusted brands na kung saan sponsored din ng firm namin.
“Start tayo sa… living area.” Sambit ko. “For me, I suggest this.” Turo ko sa isang sofa na leather. “And this,” turo ko sa isang sofa na cloth naman.
“Which is better, Architect?” Tanong niya pabalik.
“Gusto ko yung cloth sana para masarap higaan pero… mas maganda for aesthetic yung leather.”
Paulit ulit niya tinitignan ang mga sofa na tinuro ko. “Leather for me.” Sagot niya at tumango naman ako roon.
“Okay,” minarkahan ko naman ng post-it yung sofa at sinulatan ng quantity at kulay. Hindi na kami namili sa kulay at nag stick na lang sa black leather.
Patuloy lang kami namimili ng furniture hanggang sa natapos na. Lahat gusto ni Elijah na palitan. Hindi ko rin alam bakit.
Kinausap ko naman ang supplier ng mga furniture na ito at mabuti nalang ang mga napili ay halos sa iisang company lang. Sabi kaagad na ide-deliver mamaya. Pumayag naman si Ej na mamaya na i-deliver kaya nag okay na ako.
Mayamaya lang ay dumating na ang iilan sa mga furniture at ang iba ay bukas. Si Elijah naman ay may tinawag na tauhan para alisin ang dating furnitures niya.
Nang umalis ang mga nag deliver ng mga gamit ay inuna namin alisin ang mga plastic na nakabalot. Inaalis ko ‘yung sa taas at puno pa ng alikabok kamay ko dahil nga naglilinis na rin kami.
“Ej!” Tawag ko.
“Oh?”
“Puwede paki-tali buhok ko? I-Clamp mo lang, please. Marumi pareho kong kamay, eh.” Pakisuyo ko at nakita ko siya na mukhang seryoso naman masiyado magtali ng buhok kaya pinipigilan ko tuloy tawa ko.
“Okay na ba ‘yan?” Tanong niya katapos at tumango ako.
“Thanks,” Sambit ko at bumalik na sa paglilinis.
The whole week, ay naglinis lang kami. Literal. Our honeymoon week leave ay paglilinis lang. Renovation ng buong penthouse ba.
Today’s Sunday kaya naman nagpapahinga lang kami ngayon.
May nag doorbell bigla kaya nagtutulakan kami ngayon sa kama kung sino tatayo para pumunta sa pinto.
“Ikaw na,” his voice muffled because he’s facing down the pillow.
“Ih, Elijah!” Sinipa ko yung paa niya kaya natawa na siya.
He groaned while standing up kaya ako naman ang natawa. Ilang minuto lang ay bumalik na rin siya.
“Pst,”
“Oh?”
“Tingin ka.”
Hinarap ko siya at nakitang nakatabi sa kaniya ngayon ang wedding picture frames namin. Isang malaki. Dalawang sakto lang at dalawang pang table.
Napa-upo naman ako sa kama. “Ano balak?” Tanong ko.
“Sabit natin ‘to sa living.” Turo niya sa pinaka malaki at tumango naman ako.
Mabuti na lang marunong mag barena ng pader ‘tong isang ‘to at dapat lang dahil engineer siya!
Pinagtulungan namin isabit ‘yung pinaka malaki na frame at halos mawindang ako nang makita na ‘yung picture namin ay hindi halatang peke ang emotion. Though, naka fierce kami sa picture at nasa church ang venue.
I pursed my lips while looking at it. Tinignan ko siya at nakitang nakatitig lang din siya sa picture.
“Dito ka rin pala mauuwi.” Ngising asar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakuha ko agad sinabi niya. Binigay naman niya yung maliit na frame sa akin.
“Saan mo ilalagay sayo?” Tanong ko.
“Office desk ko.”
Tumango ako at baka doon ko na lang din lagay ang sa akin.
I wonder what will happen next week.