Chapter 3

717 Words
Viktoria’s POV Lumipas ang araw ay naglinis at ayos lang kami ng buong kwarto at bahay. Pagod na pagod kami nakaupo ngayon sa sofa. “Okay lang ba palitan din ang sofa?” Tanong ko. “We’ll have the whole interior changed. May meeting tayo next week saturday sa interior designer na kilala ko. Unless you want to do it on your own?” “I can… do it. We’ll do it. May interior book ako sa office.” Sambit ko. “Okay,” sagot lang niya. Tinignan ko siya at nakitang nakamasid lang siya sa paligid. Marami nabago rin talaga dahil sa mga gamit ko mula sa condo ko. Although andiyan pa rin condo ko sadiyang majority ng mga gamit ay nalipat dito sa penthouse ni Elijah. “Ang weird na walang tawag nang tawag sa akin.”Putol ko sa katahimikan. “Touché” He chuckled. “Sulitin na natin.” Tumango ako. Kapag kasi back to work ay super back on-call 24-7. Kahit off ko ay may tumatawag sa akin. “In terms of work… Kadalasan ba ay nasa company mo ikaw or company ko?” Tanong ko. Tumingin siya sa akin. “Both. May office ka na sa amin at may office ako sa inyo. We’re both CEOs of our company. I think we’ll work it out over time.” Right… “Malapit lang naman building mo sa building namin.” “Almost like a twin tower ang building natin. Literal kapit-bahay.” Natawa siya nang kaunti. Binalot nanaman kami ng katahimikan. Ano… ganito na lang kami araw-araw talaga? I mean normal siguro pero sana wag naman araw-araw… Lalo na kakakasal lang namin kahapon. August 8th “Tulog na tayo niyan… Shower lang ako.” Paalam ko na. “Sabay tayo?” “Huh?” Gulat ko at natawa lang siya. “Joke lang.” Umirap lang ako at pumunta na ulit sa kwarto para maligo. For sure sa isang banyo siya ulit maliligo. Balak ko siyang kausapin ngayong gabi dahil hindi namin naituloy usapan namin mula sa kagabi dahil nga nag general cleaning lang kami. After exactly an hour ay nakahiga na kami pareho sa kama. “Okay lang ba mag-usap na tayo?” I asked, softly. ”Mhm… Want to ask something?” “I want to… make it at least less awkward for us. Maybe get to know each other for a bit kasi… limang taon tayo magsasama rin ang hirap naman kung ganito tayo araw-araw.” “Less awkward for you how do you want that?” I turned to face him at nakitang nakahiga siya sa parehong balikat niya. “How about we become… friends? Casual good mornings, good nights-“” “Excuse me, Friends? Wow. Demoted ako bigla?” Parang na offend pa siya kaya natawa ako. ”Last minute ang alam ko asawa mo ‘ko, ah?” “Huy!” Tawa ko naman. “Ang drama mo pala?!” “Tss.” “Okay! Mr. Viergo as my asawa.” “Mrs. Viergo?” Tawag niya sa akin. “Asawa talaga kita.” Umirap ako ng pabiro at nakitang nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa akin. “I want good mornings, and good nights from the both of us ‘pag galit ako sa’yo doon ka lang walang makukuha sa akin.” Natawa naman siya. “Sungit.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Next?” Tanong niya. “We will update each other at least… lalo na kapag hindi tayo magkasama.” “Easy. Next?” “Kahit hindi mo ako mahal ayaw ko na magloko ka sa akin…” I stated in a whisper manner. “Kasi ako hindi ko naman magagawang magloko sa’yo…” “Tovi…” Tawag niyang malumanay. I hitched my breath when he scooted closer to me and held both of my cheeks. “What did I tell you back at the church? From this moment forward you are my wife. Mine to cherish. Mine to care. Mine to love. I don’t want infidelity, too. I promise you that you have all of me.” “I promise too, Ej.” Malumanay kong sabi at napapikit nalang ang mga mata ko nang halikan ni Elijah ang sentido ko. “Goodnight, sweetheart.” Bulong niya. “Goodnight, Elijah…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD