Chapter 2

1328 Words
Viktoria’s POV Nairaos ko ang araw na ito… Kasalukuyan akong asa banyo at blanko pa ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapaniwala na sasabihin niya isang araw ay kasal na ako. I breathe in deeply at hindi na napigilan ang luha na nagtitipon sa mata ko. Dahan-dahan akong napa-upo sa tiles ng banyo at yinakap ang sarili. Anong ginagawa ko… Mali ito… Maling mali talaga. Kinuha ko ang phone ko at nakitang wallpaper ko pa rin ang ex ko hanggang ngayon. Mula kaninang umaga ay hindi sinasagot ng ex ko ang tawag ko at mga texts ko. Betrayal hurts so bad… “Viktoria…” Tawag ni Elijah mula sa pintuan. “Oh?” Sagot ko. “Tapos ka na?” Tanong niya at na-realize ko na halos isang oras na pala ako sa banyo at hindi pa rin ako nakakaligo. Suminghot pa ako dahil hindi na ako makahinga. Hindi ko alam sasagot ko. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko na nakaligo na si Elijah at wala na akong pakialam kung makita niya ngayon na mugto ang mata ko. “Nakaligo ka na pala…” I stated, softly. Ngumiti ako nang kaunti. “Sasabihin ko pa lang sana na mauna ka na.” “You need help with your dress?” Tanong niya, nag-iingat. Ginagawa ko ang lahat basta maiwasan ang eye contact. Tinignan ko ang dress ko at nakitang medyo mahirap nga siyang hubarin. Isuot nga ay may tulong ako, eh. “Pa-unzip nalang sa likod.” Tumalikod ako kaagad sa kaniya. Nangilabot naman ako nang maramdaman ang malamig niyang kamay sa batok ko pero wala pang sampung segundo ay naibaba na niya ang zipper ng dress ko. “Salamat,” Sambit ko bago pumasok ulit sa banyo. I took my deepest breath at naisipan na maligo na. Mabilis lang ako nakaligo at doon ko lang na-realize na wala pala ako nadalang damit ko sa loob. I have no choice but to wrap myself with my towel and go out of the bathroom. Through my peripheral vision ay nakita ko na nakatingin si Elijah sa akin habang nakaupo sa kama. Mabilis kong kinuha ang damit ko at pumasok na ulit sa banyo. Nang tuluyan na makabihis ay parang ayaw ko nanaman lumabas ng banyo. Tinignan ko ang sarili ko at halos manginig ako nang makita ang wedding ring sa may sink. Dahan-dahan ay isinuot ko ito… I’m married… Lumabas na ako ulit ng banyo. Hindi na nag abala kung basa pa ang buhok ko, ay humiga na ‘ko kaagad patalikod kay Elijah. “Viktoria…” Tawag ni Elijah. “Hm?” “Usap tayo.” Kinabahan naman ako roon pero… sabagay. Kailangan din namin talaga pag-usapan ito. Umupo na rin ako kagaya niya at hinarap na siya. Halos manigas naman ako nang kaagad magkasalubong ang mga mata namin. “Viktoria-“ ”Tovi.” Sabi ko kaagad. “Kahit Tovi na ang tawag mo sa akin… okay lang. Mahaba masyado Viktoria.” “Uh-huh… Tovi… I don’t know if you need to hear this or this is the one you need to hear at the moment…” Kinuha niya bigla ang kamay ko na kung saan nakasuot ang wedding ring namin. “Hindi mo kailangan matakot sa akin…” Nanikip bigla ang dibdib ko roon. Iniisip ba niya na kinakatakutan ko siya maging asawa? I looked at him again and saw that he’s only looking at my ring habang hinahaplos ito. He took a deep breath before speaking again. “I’m your husband, Tovi… What I said in my vow back in church, tutuparin ko ‘yon. Pinakasalan kita sa harap ng Diyos. Sinabi ko sa Diyos na aalagaan ko ang prinsesa niya.” He mentioned that but never mentioned anything about love which is understandable. Hindi ko rin naman mahal si Elijah. “Kaya sana… wag ka matakot sa akin…” Nakita ko na kinabahan si Elijah. ”Ej… I’m sorry…” My voice broke at nakita ko na nataranta siya. “Nothing’s wrong with you, I promise… It’s just that… I’m the one who’s in the wrong. It is selfish na kung saan na g-guilty ako sa bawat lipas ng oras. I assure you, Ej, hindi ako natatakot sa’yo. Sadiyang… ako ang problema.” “Paano mo nasabi na ikaw ang problema?” He asked in a whisper. Imbes na sabihin ay umiling na lamang ako. “Basta. Don’t think na natatakot ako. It’s a me problem.” I chuckled painfully. “Wow… mag-asawa na tayo.” Hindi makapaniwalang sabi ko pa rin. “After years of saying no, huh?” Singit ni Ej kaya sinungitan ko tuloy siya ng tingin at dahil doon ay natawa siya nang kaunti. Nahihiya pa rin ako though. I sighed. “Let’s talk more about… us… in the morning. Napagod ako today. Ang… daming nangyari.” Sambit ko naman at tumango siya. He turned off the lamp and darkness immediately filled the room. Naka honeymoon leave kaming dalawa for like a week. I woke up earlier than usual and saw he’s still asleep. Kinusot ko ang mata ko at halos masakit dahil sa kaiiyak ko kagabi. Bumangon na ako dahan-dahan para hindi magising si Elijah. Hindi ko pa memoryado bahay niya… Actually penthouse. Wala rin mga katulong kaya sobrang tahimik ng bahay kahit 8am na. Nagtimpla lang ako ng kape ko at naghahanap ako ng tinapay. “Putcha naman. Asan yung palaman?” Tanong ko sa sarili. “Third cabinet.” “Tangina mo!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Sa tahimik niya hindi ko namalayan na tumayo na rin pala siya! “Sorry! Uhm… good morning? Coffee?” Agap ko. “Hm?” He smirked. “Kagigising ko lang namura na ako.” I groaned at that and he chuckled. He got his mug at nagtimpla na rin ng kape. Naupo ako sa dining table at nang siya’y natapos na mag timpla ng kape ay naupo na rin. Ang tahimik namin… Tuloy-tuloy ko naman iniinom kape ko kasi iced naman siya. I prefer my coffee, iced. Nag palaman lang ako sa peanut butter at siya na rin ay nakigaya ng almusal. “You want to fix your things? Mabilisan lang siningit kahapon habang kasal mga gamit mo.” Simula niya sa usap. Tumango ako. “Sure… wala akong… cabinet though.” “I have a walk-in closet. ‘Yung napaglagyan ng mga gamit mo kahapon, cabinet mo rin…” “The one next sa vanity ko?” Clarify ko. Tumango naman siya. Katapos kumain ng almusal ay rumekta kami ng linis. Natawa ako nang kaunti dahil parang na-kick out mga damit ni Elijah sa walk-in-closet niya. Mas malaki nasakop ng space nang sa akin kaysa sa mga damit niya. Napagsiksikan tuloy pero ayos lang daw. “Wow.” Sambit niya katapos namin mag linis. Pawis na pawis kaming dalawa kahit naka on lang naman ang air condition niya. We took about 3 hours? “Sorry…” Tingin ko sa side ng walk-in-closet niya at natawa nang kaunti. I saw him smirk. “Ganto na pala pag may asawa.” Comment naman niya at napa-taas ako bigla ng kilay doon. “Nag sisisi ka ata, Mister?!” “Wala naman ako sinasabi misis ko.” Natawa siya at lumabas saglit ng kwarto. Adik. Bumalik naman siya kaagad at nakitang nakatingin sa phone. “Ano gusto mo lunch? Order na lang tayo para ‘di na magluto.” Sambit niya. “Mcdo…” Sambit ko at tumango naman siya kaagad. Sinabi ko na rin order ko. Susunod na inayos ko naman ay vanity ko habang siya ay nagpapalit ng bed sheet namin. Napatingin lang ako sa kaniya at napagtanto na totoo na talaga ito. Asawa ko siya. Asawa niya ako. Kahit limang taon lang para sa iba ay mahaba na para sa amin. Limang taon kami matutulog at gigising nang magkatabi. And when the moment it happened… there’s no going back from it. I think.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD