Chapter 15

1742 Words
Daphne’s POV Monday ngayon at 6:12am. Kagigising ko lang. Magluluto muna ako ng breakfast nang may kumatok sa pintuan ko. Baka si ate Melissa. I open the door. Yeah right! Si ate nga, pero bakit may hawak siyang malaking box, sabay ngiti ng matamis. Hi ading! Good morning! Para daw sa’yo, sabi ni ate. Good morning din manang ko. Kanino daw galing sagot ko sabay ngiti pero nakakunot ang noo. Hindi ko alam eh, pero may nagpabigay sa baba. Naka-kotse, sabi pakibigay daw sayo. Tapos umalis na, kaya hindi ko na natanong kung kanino galing. Nag-aalangan pa siya. Pero ibinigay na din sa akin. Buksan mo ha, at icheck mo sa loob baka may note. Sabi pa ni ate. Sige ate, salamat po! Sagot ko. Sige ‘deng baba na ako ha, magluluto pa kasi ako. Sabi niya at umalis na. Ipinatong ko sa kama ko yung box. Nagdadalawang-isip ako kung buksan ko ba o hindi. Sige na nga! Curiosity kills the cat, ika nga, kaya buksan ko na lang. Pero nagugutom na ako eh. Mamaya na nga lang. Magprito muna ako ng itlog para may ipartner ako sa tinapay at kape. Madalas hindi ako kumakain ng rice. Kaya lagi akong bumili ng bread. Kapag edad 30 na kasi, mabilis nang tataba dahil hihina na ang ating metabolism, kaya hindi ako masyadong nag-ra-rice. May bread naman na alternative at sanay na ako. Kumain na ako at naligo na. 7:30 nang matapos akong maligo. Pagbalik ko sa kwarto, nakita ko ulit yung box. Nilapitan ko at nangangamba pa ako kung bubuksan ko o hindi. Pero I open it slowly. Wait! What? Ang ganda! Isang dress na white, at a pair of white shoes too. May set din na alahas, white pearls siya. Necklace, bracelet and earings. Pero para saan to? Binuhat ko yung box ng alahas, ayun may yellow na envelope. Binuksan ko at nakita kong may note. "Please wear this today!" Yun lang? Wala man lang nakalagay kung kanino galing. Para saan to? Isusuot ko ba o hindi? Sige na nga isusuot ko na, bka may biglaang event kaya ganito ang suot, sabi ko na lang sa isip ko. Wow! Ang ganda ng tela! Napakalambot ng dress! Fit na fit sa akin. Nagmukha akong tao. Bakit kasiya sa akin? At alam ang taste ko pagdating sa damit. Simple lang din siya gaya ng gusto ko. Sakto lang na knee level lang ang haba kaya komportable ka talaga. Sinuot ko na rin ang sets na alahas. Mukha siyang original. Mahahalata mo talaga kapag mamahalin ang alahas eh. Pati tong shoes, mukhang mamahalin. Dahil hindi ako mahilig sa branded at hindi ko din naman afford, hanggang Aldo lang ang kaya ko pagdating sa shoes kaya hindi ko alam kung gaano kamahal to. Basta mukha siyang mas mahal sa Aldo. I check myself in the mirror. And perfect! Naglagay na din ako ng manipis na make-up at lipstick gaya ng madalas kong ayos. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok at I made it curly sa baba niya. Ayan, pwede na rin. Mas nagmukha na akong karespe-respeto. Pagbaba ko, nakita ako ni ate Melissa. Wow! Ang ganda mo! Sabi niya, at napalakpak pa. Saan ang kasal? Takang tanong niya. Huh? Ate hindi ko rin po alam. Eto kasi yung pinadala sa akin kanina at my note na “please wear this today!” kaya isunuot ko na lang. Bagay ba ate? Tanong ko. Oo beh, para kang ikakasal sagot niya. Weh? Di nga? Sabi ko. Baka may event lang ate. Sakto binagayan ko naman ng white handy bag na maliit ang dress ko kaya ayos naman na. Sige po ate! Mauna na po ako! Sabi ko. Sige deng! Ingat ka! Sagot ni ate Melissa. Paglabas ko ng gate nabigla ako kasi may lalaking naka-itim na matangkad at nakahood na black jacket tapos naka-shades malapit sa may gate, may kausap sa phone niya. Busy ako sa paghahanap ng bakanteng tricycle kaya hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin yung taong naka-itim. Wag kang maingay miss kundi sasaksakin kita. Sabi niya ng pabulong at naramdaman kong may malamig na bagay na nakadikit sa aking baywang. Mukhang knife yata un. Ano to holdaper? Pero hindi naman ako mayaman. Magsasalita sana ako ng- shut up! Sabi niya. Ang lamig naman ng boses niya. Nanginginig na tuloy ako. Nawala na ang fresh na beauty ko. Close your eyes! Just follow my orders! Sabi pa niya. Halimaw ba to’ o bampira? Ang init init nakahood na jacket? Ang cold pa nang boses. Tumikhim muna ako at nagclose eyes. Naramdaman kong nilagyan niya ng piring ang mga mata ko. Parang nawala naman yung kaba ko nung gentle lang ang paglagay niya. Sakto lang hindi naman masakit. Narinig ko pang nagmura siya. F*ck it! Then narinig kong may pumaradang sasakyan. Inalaayan niya ako ng maingat papasok sa loob. Van pala to dahil parang maluwang ang space, at nararamdaman kong may mga kasama ako sa loob na nakatingin sa akin. At ang bango sa loob. Pinaghalo-halong pabango ng lalaki pero swabe naman. Masarap sa ilong. Tapos umandar na yung sasakyan. Hindi na lang ako umiimik. Just go with the flow lang ako. Sayang kasi ang ayos ko kung mag-drama at over reaction pa ako. Wala namang umiimik sa mga kasama ko sa loob. Nilagyan pa nga ako ng seatbelt eh, para siguro hindi ako gumalaw-galaw sa upuan ko. Sa tantiya ko, mga 15-20 minutes na siguro. Nakarating na yata kami. Tinanggal niya yung seatbelt ko at inalalayan ako ng maayos pababa. Ang tahimik pa rin, yabag lang ng shoes namin ang naririnig ko. Naglakad lang kami. Tapos welcome sir! Sabi nung guard. Pero hindi naman nagsalita yung lalaking kasama ko. Hindi man lang nagtaka yung guard kung bakit nakapiring ako. Walang hiya! Babatukan ko yun kapag nakatakas ako. Pumasok yata kami sa elavator, tapos huminto na. Naglakad na naman kami. Basta sumasama na lang ako. Hindi naman niya ako ina-aggrabyado kaya ayos lang. Be ready! Narinig kong bulong niya. Inalis na niya yung piring sa mata ko. Nanatili muna akong nakapikit to relax and adjust my eyes. Ready na ba talaga ako? Bakit parang kinakabahan ako na parang na-iihi? Takang tanong ko sa sarili ko. Sana pala umihi muna ako bago lumabas ng boarding house kanina. I slowly open my eyes, pinikit-pikit ko pa ang mata ko para mag-adjust sa liwanag. There, I saw them. Pito silang lalaki. Ung anim naka-black tuxedo, yung isa lang ang nakasuot nang white tuxedo. Inilibot ko ang paligid. Nasa hotel Roma pala kami. Dito sa isang function hall nila. May dalawa ding babae na nakaformal dress. Nandito kami sa isang pahabang table. Ibinalik ko ang paningin ko ulit sa kanila na nakakunot ang aking noo. Ayun si Mr. D pinagpapawisan ang noo niya. Halatang tensiyonado. Siya ang nakasuot ng white tuxedo kasama ang apat niyang mga kaibigan. Pati si Butler Edward nandito din. Takang-taka ako. He slowly walk towards me with eye contact. He held my hand at iginaya ako palapit sa isang medyo may kaedaran na na lalaki. Halatang strikto ang itsura, naka-black tuxedo din siya. Binulungan niya ako. I miss you so much! And we’re getting married today! Sabi pa niya. I miss you too and- Tinignan ko siya at napanga-nga ako with a question look nang nagprocess sa utak ko yung sinabi niya. Seryoso? Tanong ko. Yes my love. That’s why we’re here. And them, sabay turo sa mga friends niya pati na din yung dalawang babae. Whether you like it or not we’re getting married. Bulong niya ulit. You love me right? Tanong pa niya. Tumango na lang ako at napakamot sa batok ko. Tsk. Tsk. Sabi naman ni Phython. Siguraduhin mo lang dude na papayag siya. Sayang lang yung pangkidnap ko sa kaniya kung hindi! Sabi naman ni Zyrth. What? Siya pala yun. Kaya pala engliserong palaka ang kidnapper ko kanina. Napatawa na lang ako ng mahina. At naghagalpakan na rin ng tawa ang apat. Tinignan ko si Clyde, mukha siyang seryoso at pinagpapawisan. Pati yung kamay niya nagpapawis na rin. Shall we start? Tanong nung may edad na lalaki. Siya yata yung judge. Tinignan ko si Clyde at nginitian ko siya sabay tango. Nakita kong huminga siya at napangiti ng matamis. Parang nabuhayan ng loob. Pumunta kami sa harapan ng Judge. Then he started the ceremony. Pinagpirma niya kami ng Marriage contract, pati yung mga witnesses, tapos nagsuot na kami ng singsing. Ang ganda ulit ng ring. White gold na may malaking diamond. Hindi talaga ako marunong kumilatis ng alahas dahil hindi naman ako interesado. Kaya wala akong pakialam. Ang importante kasal na kami ni Clyde. I now announce you husband and wife! You may now kiss the bride! Sabi ni Judge kay Clyde. He kiss me deeply. 2 minutes yata ng may biglang nag-ehem! Si Denver pala. Dude! Ituloy niyo na lang sa bahay yan. Wag niyo na kaming innggitin sabi pa niya. Congratulations bro! Sabi naman ni Shaun, at isa, isa na silang nakipagkamay sa amin. Kumain muna tayo bro! Hindi pa tayo nag-agahan eh, yang isa kasi diyan masyadong excited makasal! Tsk. Pagpaparinig naman ni Zyrth. Napasipol na lang si Phython. We went to the restaurant and eat together with the judge and witnesses. Are you happy Mrs. Fjord?, tanong ni Clyde sa akin. Yes! Super Happy! Sagot ko naman. Pero nakabawi din ako agad. Tinampal ko ng mahina yung braso niya. Ang sama mo, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Tanong ko ng pagalit. F*ck! Ang cute mo! Sabay pisil sa pisngi ko. Sorry wife, I planed all these plus my businesses. Kailangan kong tapusin muna ang mga dapat tapusin para we can have our honeymoon. Para walang istorbo. Sabi pa niya sabay smirk at ngisi. Hoy! Tama na yan Fjord! Pakainin mo muna ang Mrs. mo. baka hiwalayan ka agad niyan kapag ginutom mo. Halina kayo dito, sabi naman ni Shaun while chuckling. Sus! Inggit ka lang g*g*! sagot naman ni Clyde pero tumatawa. Iginaya niya ako sa table at kumain na din kami. Paano ba yan Butler Edward, ayusin mo muna yung mga bilin ko ha. Ikaw muna ang bahala dito, pati na rin kay lolo at sa company. We will be back bago ako tumuloy ng England sabi pa niya. Bye F*ckers! Thank you Judge! Sabi pa ni Clyde, at nagkamayan pa sila bago kami umalis sa reception area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD