Chapter 14

1531 Words
Clyde POV Hindi muna ako nagpakita kay Daphne dahil kasama ko ang mga ugok. Bonding namin, sabay tinutulungan nila ako para mapabilis ang mga business transactions ko. Besides I can’t attend to it next week. After wedding, balak ko na kasing honeymoon namin ni Mrs. Fjord hanggang sa papunta na ako ng England. I’m so excited! I can’t wait to give my surname to my Daphne! For real. I know masyadong mabilis ang lahat. Pero who cares? As long as we love each other and that’s important. Hindi pa pala alam ni lolo about sa pagpapakasal ko. Balak kong sabihin kapag may Apo na siya sa tuhod para mas matuwa siya. Kaya naman excited na akong gumawa ng isang basketball team! Yeah! Nagpapadala naman ako ng flowers kahit papano every morning. Pinapabili ko kay Butler Edward at pinapaiwan sa lamesa ni Mrs. Fjord. Pinapabantayan ko na rin siya kay Butler Edward to ensure that she is safe. Naks! I’m just caring to what’s mine. And I love doing it anyway! Woah! Mabuti na lang nandyan si Butler Edward para asikasuhin ang mga documents na kailangan sa kasal ko. Hindi pa alam ni Daphne na ikakasal na kami next week. Balak kong isurprise siya. Gusto kong pakasalan na siya agad kaya sa Judge muna kami ikakasal. Baka matagalan kasi ako sa England at umabot pa ng 2 months kaya siguraduhin ko munang matali siya sa akin para hindi siya makuha ng iba. And besides we are at the right age to get marry anyway, even no consent from parents are ok na rin at this age. Balak kong pakasalan na lang sa simbahan si Daphne pagbalik ko galing England. Balak kong ipangalan ang branch ng real estate dito sa Tuguegarao kay Daphne kapag kasal na kami, and share some of my assets. What’s mine is hers anyway. Nandito kami ngayon sa bahay ko, dito sa may Library. Mabuti na lang malawak ang library ng bahay ko. Ipinasadya ko talaga. Lahat kaming lima ay busy. Lahat tutok sa kaniya-kaniyang laptop. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain para mas mabilis. Mahilig kami sa pizza kaya galing greenwhich ang kinakain namin while working. Ganito talaga kami kapag may kailangan ng advance work. Lahat susugod para pagtuunan nang pansin kung anong kailangan at pwedeng maitulong. We were busy when suddenly my phone ring. Ring! Ring! F*cker answer your call! , Zyrth” Chineck ko kung sinong tumatawag. Si Mrs. Fjord pala. Yeah! Mrs. Fjord ang sinave kong pangalan ni Daphne sa contacts ko para mas ganahan pa ako. Clyde: Hi babe! How are you? Daphne: H-hi love! Ayos lang. Kumusta ka na? Clyde: I’m fine babe. Sorry I was corrupt with work. How are you there? Miss me? (sabay smirk at ngiti, hindi naman nakikita nang kausap) Daphne: Yeah! I miss you. (namumula ang pisngi dahil sa hiya) Clyde: Oh! I’m sorry babe! I miss you so much!!! Muaaaah! Hmmuuuaaaahhh!! Pasensya na babe marami kasi akong hinahabol. See you soon ok? I love you. Daphne: Okay love. I understand. Please take care! I love you too. Clyde: Where is my kiss?? Daphne: Nakakahiya, sa personal na lang pwede? Pagbalik mo? Clyde: No! I want here babe! Para ganahan naman ako sa work ko. Pretty Please! (sabay pa-cute ng boses) Daphne: Fine! Muaaaah! Clyde: Isa pa please! (sabay lawak ng ngiti) Daphne: Okay! Muaaaah! Muaaah! Muaaah! Oh ayan ha sobra-sobra pa sa isa. Sabay tawa. Clyde: (Chuckle). Thanks babe! I have to go okay? I love you! bye! Tot. tot. Pagbaling ko ng tingin, yung apat na baliw nakanganga. F*ck! What? Tanong ko. Really? Is that how it turned out to be in-love? Ewww! Crazy!, Denver” Dude! Once you will experience someday, you’ll know the answer. So, shut up!, Clyde” Okay enough! Let’s continue our work., Zyrth” seryoso ang isang to’ pagdating sa trabaho. Pero madalas palikero sa labas lalo na kapag nasa Epitome’s bar kami. Si Phython naman nakangisi lang. Alright! Sabi ko na lang sabay tutok sa laptop ko. Busy ako with checking emails and contacting other board members for approval ng mga proposals. Hay! Perks of being a businessman. Daphne's POV Saturday ngayon. Ewan ko ba ang bigat ng pakiramdam ko. Si Clyde kasi simula nung ngpropose siya naging busy na. Namimiss ko na talaga siya. Dahil maaga pa kaya uuwi na lang ako kay inang sa baryo. Mga dalawang oras din ang biyahe papuntang bayan namin mula sa Tuguegarao. Nagcommute ako gamit ang Van na pampasahero. Natulog na lang ako para makapagpahinga naman. Sakto paggising ko nandito na kami sa bayan namin. Bumaba na ako at sumakay ng tricycle papuntang baryo namin. Mahigit 15 minutes din ang takbo ng tricycle from bayan to baryo. Inang! Ayan mo? (Nay! Nasaan ka?) Tawag ko kay inang pagkababa ko, at nasa balcony ng bahay. Sarado kasi ang front door kaya tinatawag ko siya. Tubong ilocano kami kaya iloco ang gamit namin dito sa baryo na dialect. Anak? Nienie? Ikaw ba yan? Tanong niya at dinig kong tinatanggal ang pagkalock ng pintuan sa loob. Nienie ang tawag ni Inang sa akin sa bahay. Wen Inang! (Opo Nay) Sagot ko. Inang in tagalog is Nanay. Nagyakapan kaming dalawa at pinatuloy ako sa loob. Halatang tuwang-tuwa siya sa pagdating ko. Namiss kita anak! Kumain ka na ba? Tanong niya. Namiss din kita Inang. Anong ulam natin? Tamang-tama gutom na rin po ako, sabi ko. Heto nagluto ako ng pinakbet tamang-tama di ba paborito mo to? Sabi niya. Hay sa wakas! Thank you Inang. Mapapasabak yata ako sa kainan ngayon ah. Daphne” Oo naman anak! Kumain ka ng marami. Teka, mag-isa ka lang ba? Yung nobyo mo, hindi mo kasama?, takang tanong niya. Naku inang, busy po ngayon si Clyde sa work niya. Kaya opo mag-isa lang po ako. Gusto naman po niyang pumunta ulit dito kaso busy daw po talaga siya Inang simula pa nung Myerkules, sabi ko na lang. Ganun ba. Oh siya! Halika na anak kumain na tayo. Inang” Grabe ‘nang! The best talaga ang pakbet mo. Namiss ko talaga to’, Daphne” Ikaw ba naman kasing bata ka at ngayon ka lang umuwi. Hala! Kumain ka ng madami halatang nangangayayat ka. Ikaw ba ay kumakain ng maayos sa Tugue? Aba tong batang to, oo. Inang ang tawag dito sexy! Sagot ko na lang. Ikaw na bata ka talaga. Sabi pa niya sabay pailing-iling. Nagkwentuhan na lang kami. Kumain din kami ng saging na hinog galing sa bundok namin. Kaya ang sarap nang buhay dito sa baryo, lahat nang kakainin mo fresh talaga galing sa taniman namin sa bundok. Medyo malayo nga lang at ang problema ay ang pagbubuhat. Wala pa kasing daanan nang sasakyan papuntang bundok namin kaya lakad-lakad muna. Kapag maraming ani ng gulay, mais o kaya palay, gumagamit kami ng kalabaw para hilahin ang kariton na siyang magdala ng mga ani pababa dito sa baryo. May mga pasalubong din ako kay Inang na mga damit na binili ko sa Mall, pati prutas na apple, grapes, at orange, dahil wala naman ang mga ito sa baryo. Tuwang-tuwa naman siya pero hindi daw niya mauubos kainin dahil mag-isa lang daw siya. Linggo na, gumayak kami ng maaga ni Inang para aattend muna kami ng misa sa Church at pagkatapos nun ay mamalengke muna kami sa bayan good for one week na groceries ni inang bago ako babalik sa Tuguegarao mamayang hapon. Pagdating naman ng Church namin nakita ko ang mga kabataan, and we greeted each other, beso-beso kasama sila pastor at pastora bago magsimula ang misa. Nagbigay din ako ng commitment ko sa Church. Yearly kasi, pwede kang magbigay ng commitment sa church kahit magkanong amount basta bukal sa puso mo. And I enjoyed doing it kaya nag-she-share talaga ako. Iba pa yung offering kada linggo. Wala kang panghinayangan talaga dahil para naman ito sa paglilingkod sa Diyos. Doble-doble naman ang blessings na ibabalik Niya kaya nakakatuwa talaga. After mass, we went straight to the market. Sinamahan ko muna si inang pabalik ng baryo to make sure na kompleto na ang mga kailangan niya. Nag-iwan na rin ako ng pang-allowance niya para mabili naman niya kung anong gusto niya. Then bumalik na ako sa Tuguegarao. Ikamusta mo ako kay Clyde anak ha! Sabihin mo mamasyal naman sya ulit dito, sabi pa ni inang. Opo inang! Makakarating po. Ingat po kayo lagi dito. Hwag niyong kalimutang maglock ng bintana at pintuan bago kayo matulog sa gabi, sabi ko pa. We hugged each other na parang hindi na naman magkikita ng matagal bago ako umalis. Gustong-gusto ko nang isama si inang dito sa Tuguegarao pero hindi naman daw siya komportable dahil mainit kasi ang klima dito. Kaya hinahayaan ko na lang. Susuportahan ko kung anong gusto niya. Pagdating ng boarding house ko dito sa Tugue. Nagtext ako kay Clyde at sinabing nakarating na ako. Hindi ko alam kung gaano siya kabusy dahil hindi naman siya nagrereply. Nagplantsa muna ako ng office attire na sinusuot ko sa office, tapos kumain na ako bago magshower at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD