“HOW’S YOUR weekend, girl?” Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa pwesto ko dito sa room ng dumating si Ela. Alam niya rin kasi na pupunta ako sa bahay ni Damian. Natigil ako sa binabasa at nilingon siya na nakaabang sa king iku-kwento. “Okay lang naman-” sabi ko pero agad niya akong pinutol. “Ayun lang? Okay?” “Patapusin mo kaya ako?” Natatawa kong sabi. “Okay. Sorry naman.” At kin’wento ko naman sa kanya ang nangyare noong sabado. Kung gaano rin kabait ang family ni Damian. “‘Yong kapatid niya binigyan ako ng mga sapatos na brand new, ayaw ko sanang tanggapin kaso nag-insist sila.” Sabi ko. “OMG! Tapos?” “Tapos hinatid nila akong magkakapatid sa bahay ko, ayaw ko sana kasi nakakahiya ‘yong lugar namin, hindi naman ‘yon subdivision at tsaka matao pa pero nagulat ako kasi parang n

