Chapter One
NAGMAMADALI kong inubos ang kape at tinapay na almusal ko. It’s my first day as an Accountant student at mahuhuli na ako sa unang magiging klase ko.
Dahil excited ay hindi agad ako nakatulog kagabi kaya ang resulta ay late na akong nagising.
Nagmamadali kong isinuot ang sapatos ko at pagkatapos ay mabilis na lumabas sa bahay pero, agad akong bumalik ng makalimutan kong magpaalam sa larawan nina Mama, Papa, Lolo at Lola.
“Papasok na po ako! Please, guide me po.” At pagkatapos no’n ay agad ko ng ini-lock ang bahay at patakbong pumunta ng sakayan.
Dream school ko ang Horizon University kung saan ako papasok ngayon. Mahal ang tuition fee doon at hindi ko afford pero dahil may scholarship program sila ay nagtake ako ng exam sa kanila at sa awa ng dios ay naipasa ko ‘yon at nakuha ko pa ang mataas na iskor kaya nakakuha ako ng full scholarship hanggang sa makatapos ako. Ang kailangan lang ay ma-imentaine ko ang target grade nila per subject at ang pinaka final grade na kailangan.
Mayat-maya ko kung tignan ang relo ko sa palapulsuhan dahil 30 minutes na lang bago mag-alas nuebe ay umpisa na ng una kong klase. Kailangan ko pang pumunta ng Admin para makuha ang registration form ko kung saan nakalagay din ang mga magiging schedule ng class ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng hunminto na ang Dyep sa harap ng university. Marami ng estudyante, mga naglalakad o mga naka-kotseng papasok.
Nagmamadali akong pumasok, halos itakbo ko na ang papunta sa Admin. Dahil alam ko na ang papunta doon ay hindi ako nahirapan.
“G-Good morning po..” bati ko ng makapasok sa loob.
“Good morning to you, too.” Nakangiting bati ng Admin staff na nasa table, “What can I do for you?” she asked.
“I’m here po to get my registration form po..” sagot ko.
She nodded and looked at her computer monitor, “What’s your full name?”
“Gianna Dizon po..”
“And what’s your Identification number?”
Tinignan ko ang I.D ko kung nasaan ang kailangan niya, “ACCNT-040812-L1485.”
Nagtype siya sa keyboard niya at maya-maya ay umingay na ang printer niya tanda na pini-print niya ang form ko.
“Here you go..” Iniabot niya sa ‘kin ang form ko kasama ang isang card na parang pang ATM, “And here’s the card, ito ang gamit dito for payments. We don’t accept cash here. Pwede mong lagyan ng pera ‘yan.” Aniya.
Nagpasalamat ako bago lumabas. Tinignan ko na ang una kong schedule, “Adisson Building..” basa ko.
Nasa Adisson Building ang unag dalawang subject na papasukan ko pero magkaibang room.
Dahil malaki ang school ay nahihirapan akong hanapin ang building na ‘yon. Nagtanong-tanong ako sa mga estudyante kaya agad ko ‘yon nakita.
3-story building ‘yon at nasa pangalawang palapag ang unang room na papasukan ko.
Marami na ang estudyante sa room. Agad ako nakahanap ng mauupuan sa bandang likod.
“Hi!” Bati sa ‘kin ng babaeng katabi ko.
I smiled back, “Hello!”
“What’s your name?” She asked.
“Gianna, Gia na lang..” pakilala ko.
She extended her hand to me, “Elaine pero you can call me Ela..”
My first day and my first friend dito sa university. Kagaya ko ay irregular ang class niya at halos lahat ng subjects namin ay magka-klase kami.
Naging smooth naman ang naging unang buwan ko bilang college student. Napagsasabay ko ng maayos ang college sa umaga at ang pagiging service crew sa hapon hanggang gabi.
“Ang daming gwapo rito..” anang ni Ela isang araw ng breaktime namin.
Inililibot niya ang paningin dito sa loob ng cafeteria. Nginunguso niya kung sino ang namamataan niyang gwapo.
Busog ang mga mata ng tao rito dahil karamihan ng artista at mga models ay dito nag-aaral. Kagaya ni Ela, hindi matigil kakalingon kapag may nakikitang gwapo.
“Alam mo ba, Gia, may sikat na sikat na gwapo rito.” Aniya nang balingan na ang kinakain at ako, “Sila kasi may-ari nitong university at sobrang yaman pa raw!”
“Oh?”
“Hmm. Ayon pa sa narinig ko, sobrang gwapo raw pero bully. Because he’s family owns this school, no one complains about his misconduct here in university. Takot mga tao sa kanya rito.” Aniya sabay kagat sa hamburger niya.
“Bakit naman gano’n? Para naman siyang isip bata. College na pero nang-aaway pa siya ng estudyante?”
“Ayon nga, eh. Mga trolls silang magkakaibigan at maraming mga babaeng may gusto sa kanila kaya kapag sinusubukan magsumbong ng inaway nila, kinukuha nilang witnesses ‘yong mga girls..”
Napailing na lang ako. Bakit kaya may gano’ng tao? Nasa kanila naman na lahat pero bakit pa kailangan nilang mang-trip ng tao na gusto lang naman ay makapag-aral?
Mabuti nalang talaga’t malaki ang school na ‘to. May isang porsyento o wala pa siguro na tyansang makita ko ‘yong lalaki na ‘yon.
“Pero gusto ko pa rin siya makita— hindi face to face, ah? Baka ako pagtripan no’n, eh.” Nakangiting aniya.
Muli akong napailing. Basta talaga gwapo ay walang pinapalagpas ‘to si Ela.
Pagkatapos namin magbreaktime ay dumeretso na kami sa susunod na class namin. Lecture lang ang ginawa kaya nakinig at sinulat ko ang notes.
“We will having a long quiz next week.” Anang ng propesora namin.
Lahat ay nagsipag-ungulan sa hindi pagsang-ayon sa aming prof. I guess, may quizzes din sila sa ibang mga subject next week.
“Class dismiss!” anang ng prof bago umalis bitbit ang mga gamit.
“Bakit naman gano’n? Papatayin ba nila tayo?” reklamo ni Eli.
Natawa ako, “Hindi naman siguro, tsaka, hindi pa naman exam kaya ayos lang ‘yan..” saad ko sa kanya.
Lumabas na kami ni Ela sa classroom. Dahil maaga pa naman para sa duty ko sa aking trabaho ay nagpunta muna kaming dalawa sa library, minsan ay para magbasa pero madalas ay para doon na namin gawin ang assignments namin. Sa ganito rin kami nagkasundo ni Ela, siya kasi ay ayaw niya na may ganitong ginagawa sa bahay mas gusto niya na nagpapahinga na siya, habang ako ay dahil sa trabaho ko. Gabi na rin kasi kung makauwi kaya wala na akong oras para tapusin ang mga takdang aralin namin.
“Alam mo ba gusto ko na rin magtrabaho?” maya-maya ay mahinang saad ni Ela, nasa library na kami.
“Bakit naman?” tanong ko habang nagsusulat pa rin.
“Gusto kong may kinikita kahit papaano at makatulong kela Mama kaso ayaw nila lalo na ng ate ko. They want me to just study.” nakangusong aniya.
“Okay lang ‘yan. Mahirap kasi na nagta-trabaho ka habang nag-aaral, kagaya ko. Actually, mabuti ay okay ang management ng fastfood restaurant na pinagta-trabahuan ko kasi priorities nila ang mga working students kaya binigyan nila ako ng schedules na pasok sa school hours ko..” sabi ko sa kanya.
Ibinaba niya ang ballpen na hawak at pinakatitigan ako, “Bilib nga ako sa ‘yo. Nakakaya mo. Sobrang kapagod ‘yan..”
Napatango ako, “Hmm. It’s tiring but I can’t just stop on working, you know my situations.” Malungkot akong ngumiti.
“Pero, kung may opening sa inyo, ah?”
Mahina akong natawa, “I’ll inform you if there’s any vacant position on my workplace.”
Tumayo ako bitbit ang librong hawak at pumunta sa book shelves kung saan ko kinuha ang libro tska ako pumunta sa dulong shelve para sa libro na kakailanganin ko sa Caculus.
Nang nandoon na ako at hinahanap na ang libro ay agad akong natigilan ng may marinig akong mahinang kaluskos at mahinang boses ng isang babae. I listen to the sounds again and my eyes went wide when I heard it clearly. The girl was actually moaning silently. I followed where the sounds came from.
And there’s a boy and a girl eating each other faces. The guy was kissing the girl’s neck that’s why she’s moaning. I’m no innocent, I know what are they doing. They are making out!
Hindi ba sila nahihiya?
Tumikhim ako pero dahil mahina ay medyo nilaksan ko, “Ehem!”
Doon sila tumigil dalawa. ‘Yong lalaki ay parang na badtrip pa habang ‘yong babae ay nahiya.
“Alam niyo bang library ‘to?” tanong ko.
Naiiritang napatingin sa ‘kin ang lalaki, “Yes.”
“Then, why you're doing that here?” tanong ko pabalik.
“It’s none of your business..” busangot na talaga ang mukha nito.
Doon ko napagmasdan ang itsura niya. Gwapo at ang height niya ang agad kong nakita. May awra siya ng pagiging arogante. Tinignan ko ang babae na gusot ang suot na uniporme, pilit niya ‘yong inaayos.
“My parents is one of the stock holders of this university so I can do what I ever I want to do here..” anito na may kayabangan.
“Okay..” sagot ko.
Mas lalong nangunot ang noo niya, “What? Okay lang ang sasabihin mo?”
Nagtataka ko siyang tinignan, “What I suppose to say?”
Laglag ang panga nito pero napailing siya, “You should be shocked..”
Napatango ako, “Nagulat ako pero hindi halata..” napangiti ako sa kanya at binalingan ang babae, “Hindi masyadong maayos botones mo..” ayon lang at umalis na ako.
Mahirap na kung aawayin ko ‘yong lalaki. Isa siya sa mga stock holders magulang niya at baka awayin pa ako no’n at matanggalan ng scholarship.
“Bakit ang tagal mo?” tanong ni Ela nang makabalik ako.
“May nakita akong nag-me-make-out doon sa sulok..” sabi ko habang hinahanap ang pahina ng topic sa librong nakuha.
“Pinanood mo pa kaya ka natagalan?” tanong niya.
“Baliw! Hindi!” sagot ko, “Kinompronta ko sila tapos ‘yong lalaki pinagmalaki na ang mga magulang niya ay isa sa mga stock holders nitong school..”
Nanliit ang mata niya sa ‘kin, “Gwapo ba?”
Nagtataka naman ako sa tanong niya pero napatango pa rin.
Nagugulat akong napatingi sa kanya ng bigla siyang tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Pupuntahan ko lang ‘yong lalaki.” aniya at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa sulok ng library. Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.
-----
“Makikita ko kaya ‘yon uli?” malungkot at may panghihinayang na tanong ni Ela.
Pareho na kami naglalakad papuntang gate ng university, kakalabas lang namin ng library.
Kaya siya malungkot ay paano ba naman at likod na lang no’ng lalaki ang nakita niya pero kahit daw likod na lang no’ng lalaki ay ang gwapo pa rin daw.
Napangiti ako at bahagya kong tinapik ang balikat niya, “Makikita mo rin siya.” pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
Naka-simangot siya nang lingunin ako, “Sa laki ng school na ‘to sa tingin mo makikita ko siya?”
“Think positive..” tumango-tango pa ako, “Ayan minsan ginagawa ko, minsan hindi tumatama ang gusto kong mangyari pero mas madalas na nangyayari ang gusto ko.. So think positive, kahit malaki ang school ay makikita mo pa rin siya.”
Nawala ang simangot niya. Tumango-tango siya, “Tama! Tama!”
Kaya habang naglalakad kami ay palinga-linga siya at ang mga nakatalikod ang kanyang tinitignan.
Napangiti ako ng sa hindi kalayuan ay nakita ko ang pamilyar na lalaki. Agad kong kinalabit si Ela.
“Your wish was granted..” anang ko at ininguso ang lalaking hinahanap niya.
Naglalakad ‘to papunta sa gawi namin kasama ang apat pang lalaki. Nilingon ko si Ela at halos matawa ako nang mapansin kung paano siya matigilan habang nakatititig doon sa lalaki.
Nilingon ko uli ‘yong lalaki pero naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking nasa sentro. He was looking at me while frowning, siya lang ang nakatingin sa ‘min.
Hindi ko alam pero agad akong napaiwas. May kakaiba sa titig niya na hindi ko pangalanan.
Lalagpasan na sana namin sila pero mukhang na tandaan ako no’ng lalaki kaya hinarap niya kami— ako.
“Wait a minute, you’re the girl who interrupts my session, right?” aniya.
Nilingon siya no’ng mga kasama niya except sa isa na mataman pa rin sa ‘kin nakatingin.
“What?” tanong nila sabay-sabay.
“I’m making out with a random girl in the library, then suddenly, she interrupts us..” may bahid na inis niyang sabi sa mga kasama.
“Hindi maganda ‘yong ginagawa niyo —”
“Sino ka ba?” mayabang natanong nito, hindi ako nakasagot.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, “You’re beautiful but cheap. Look at your shoes and bag?” he mockingly say.
Napapahiyang napatingin ako sa sapatos ko na tag-300 lang sa palengke. Napahigpit naman ako sa strap ng bag ko na tag-150 lang.
“Ang yabang mo naman!” galit na anang ni Ela, “King ina mo! Bakit? Ano sa tingin mo ‘tong school, motel para gumawa ng milagro?”
“Ela...” pigil ko.
Siya naman ngayon ang binalingan no’ng lalaki, “Who the f*ck are you?” tinignan niya ang I.D namin, “freshmen, huh?”
Namewang si Ela, “I’m Elaine Jayd Ruiz.. Who the f*ck are you?” tanong niya pabalik.
Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mga mukha nila, para silang hindi nakapaniwala at na-offend?
Kunwaring natawa ang lalaki, “You seriously asking if who the f*ck hell am I, ha?”
“Yes?”
Napatingin ako sa paligid at marami na ngang mga estudyante ang nanonood sa ‘min. Lahat ay nang-uusisa habang nagbubulungan.
“Ha!” anang nito, tinuro niya ang sarili, “I’m Wesley Morris..”
Nilingon ko si Eli na nakataas ang kilay at tumatango-tango pa, may kontong ngiti sa labi na ako lang ang nakapansin. Mukhag alam ko na kung bakit niya ‘yon tinanong.
“And we’re the sons’s of stock holders of this universitiy and this guy,” he pointed to the guy who were staring at me, “…is the son of University’s owner.” pagkatapos niya ‘yon sabihin ay ngumisi siya.
Hinawakan bigla ni Ela ang forearm ko kaya nilingon ko siya. She was awkwardly smile at them.
“A-Ahh.. H-hehe.. A-Alis na pala na kami ni Gia.. Bye!” agad akong hinatak ni Ela na nagmumura na.
Nilingon ko pa uli sila na papatalikod na pero ang isa, ‘yong lalaking anak ng may-ari ng school ay nakatitig pa rin sa ‘kin with intense stare. Agad akong napaiwas.
“Jusko!” anang ni Ela ng nasa sakanyan na kami ng Dyep, “ Sila ‘yong mga bully! “Yong lalaking nasa gitna ‘yong pinaka bully— sana hindi nila tayo natandaan!” namomorblema niyang turan pero maya-maya ay natigilan siya at napangiti, “Wesley pala, ha? Akin ka na—Buwahahaha!” nabaliw na po.
Nagpaalam na kami sa isat-isa, ako ay sumakay na sa jeep habang si Ela ay sinundo na ng Papa niya, may kotse sila. Habang nasa byahe ay naalala ko ‘yong lalaki. Gwapo siya, hindi ko ipagkakaila ‘yon pero wala sa itsura niya ang nangbu-bully ng kapwa niya.
Agad ko iwinaksi sa isipan ko ‘yong lalaki nang makarating na sa trabaho at itinutok mo na lang ang atensyon ko.