NAGTATAKA kong pinanood si Ela na palingon-lingon sa likod habang papasok dito sa room.
“Huy!” Puna ko dahil parang balisa ‘to.
“Takte, ‘te! I saw Wesley Morris my bebs!” Hindi ko alam kung nagpapanic siya o kinikilig dahil may impit na tili pa sa huli e.
“May ginawa ba sayo?” Nag-aalala kong tanong.
Umiling naman siya, “Wala! Pero nakatingin siya sakin ng masama but at the same time ay malagkit!”
Napailing na lang ako sa sinabi n’ya. Hindi ko alam kung seryoso ba s’ya o ano eh. Sa isang buwan namin magkaibigan alam ko na ang ugali n’ya lalo na kapag may gwapo siyang nakikita.
“Kinakabahan talaga ako, promise! Alam mo naman ‘yung kwento ko sa‘yo about sa kanila, hindi ba?” kabado n’ya pang tanong at sumisilip-silip pa sa bintana.
Tumango ako, “Oo.”
Napahilamos s’ya, “Paano kapag tayo pag-tripan ng mga ‘yon?”
Napabuntong hininga naman ako, “Napakababa naman ng rason nila kung bakit nila tayo gagantihan, hindi ba? Tsaka ano naman kung stockholders mga magulang nila? Hindi dapat nila inaabuso ang kapangyarihan na meroon sila dito sa school para lang saktan tayong nakakababa sa kanila.” Napailing ako.
Napapikit naman si Elaine at napatango, “You’re right, you’re right…” aniya pero halatang hindi pa rin s’ya kalmado.
Dumating na ang professor namin kaya nakinig na lang kami. Dahil din sunod-sunod ang tatlong klase namin ay kumalma na si Elaine kahit papaano.
“Anong baon mo?” Nakangiting tanong n’ya habang naglalakad na kami papuntang canteen para sa lunch namin.
Tatlo ang klase namin kapag umaga, ang susunod naming class ay isa na lang at mamayang 2 pm pa iyon mag-uumpisa.
“Meatloaf.” Ngumisi ako. Dinamihan ko ‘yon para mabigyan ko siya.
Ganito kami every lunch, maghahati kami sa kanya-kanyang ulam. Ako kasi para makatipid ay nagbabaon na lang ako habang siya ay dito na mismo sa school canteen bumibili ng lunch n’ya at hinahatian n’ya rin naman ako.
Agad akong nakakita ng bakanteng 4-seater na table at agad akong pumwesto doon.
“Bili lang ako. May chili garlic ka diyan?” Tanong niya.
Natawa ako, “Always naman, eh.” Sagot ko.
Sa totoo n’yan ay hindi s’ya mahilig sa maanghang. Kapag kumakain kami ng siomai ay hindi niya nilalagyan ng maanghang ang toyo na may kalamansi. One time ay gumawa ako at nagbaon para sa siomai na dala ko. Na curious siya dahil lang sa amoy, ang sarap daw kaya pinatikim ko sa kanya ang siomai na sinawsaw lang sa chili garlic and to my surprise ay nagustuhan n’ya.
Nilabas ko naman na ang baon ko mula sa backpack ko, maging ang tumbler ko na may lamang tubig.
“Oh! Look who is here, ang babaeng nanira ng make-out session ko!”
Nag-angat ako ng tingin sa harap ko at nakita ko ‘yong mga lalaking humarang sa’min, iyong Wesley ang nagsasalita. May kaakbayan ‘tong babae na ngumunguya ng bubble gum at mataray na nakatingin sa’kin, iba ‘tong babae sa kahapon na nakita ko. Sa totoo n’yan ay lahat silang anim ay may mga kasamang babae.
Napadako agad ang mata ko sa lalaki na mataman na nakatingin sa’kin kahapon. May nakalingkis din sa kanyang babae habang nakaakbay siya dito.
“You’re alone? Where’s the loud girl you were with yesterday, ha?” Maangas na tanong nito.
Pansin ko naman ang mga estudyanteng nakatingin sa’min na kinikilig.
Pinagmasdan ko sila, hindi naman sila nakakatakot. Mga gwapo at halatang anak mayaman. Kaya wala akong maramdamang takot pero… kaba pa doon sa lalaking kanina pa akong tinitignan.
“Umorder ng pagkain namin.” Sagot ko.
“What’s your name?” Borito, malamig at malalim na boses na tanong bigla ng lalaking anak ng may-ari ng school na ‘to.
Nagugulantang na napalingon sa kanya ang mga kaibigan, gayon din ako.
Tinaasan n’ya ako ng kilay at parang nawawalan na s’ya ng pasensya.
Mariin akong napalunok bago sumagot, “G-Gianna Dizon…”
Doon ay ngumiti s’ya na ikinagulat din ng mga kaibigan n’ya, maging iyong mga babae na kasama nila.
“What a beautiful name…” Aniya bago n’ya alisin ang brasong nakaakbay sa babae at ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.
His friends watched him in shocked when he walks towards me and extended his arm to offer me his hand for shake hands, “...I’m Damian Chase Lombardo,”
Maging ako ay natigilan at napanganga dahil sa pagpapakilala n’ya. Mariin akong napalunok bago ko s’ya kinamayan, ang lambot ng kamay n’ya! Halatang hindi gumagawa ng gawaing bahay at mga mahihirap na trabaho.
Narinig kong magsinghapan at magbulungan ang mga tao na nasa paligid nang masaksihan ang pagkakamayan namin.
Mas lalo pa atang nagulat ang lahat ng ngumiti ito sa ‘kin! Ang mga kaibigan niya ay laglag ang panga, ang mga babae namang kasama nila ay parang naghugis puso ang mga mata.
May narinig din akong mga impit na tili mula sa mga babaeng estudyante sa paligid at mas lalong lumakas ang mga bulungan.
Hindi ko naman masisisi ang mga babae dahil napaka-gwapo naman talaga nitong Damian. Walang salita ang babagay sa kanyang itsura, hindi gwapo o pogi- higit pa roon.
Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko at nang pagbaling ko ay si Ela pala na laglag din ang panga at kumukurap-kurap pa.
“Nandito na pala ang maingay…” Anang ni Wesley.
Doon naputol ang pakikipag kamay at pagtititigan naming dalawa. Parang napapasong binawi ko ang aking kamay sa kanya. Naramdaman ko kasi na parang may mga boltaheng kuryente nang magdikita ang mga kamay namin.
“Anong sabi mo. ha?!” Sagot naman ng kaibigan ko.
Namilog ang mga mata ko at bumaling ako kay Ela na masama ang tingin doon sa Wesley. Kagaya ng reaksyon sa ‘kin kanina, nagsinghapan ang mga estudyanteng nasa paligid namin.
Ang kwento sa ‘kin ni Ela ay mga seniors na ang mga ‘to, anak mayayaman kaya kinakaya-kaya lang nila ang mga estudyanteng nag-aaral dito kahit pa na mayaman din sila pero dihamak na mas mayaman ‘tong anim na lalaking nandito.
Kaya ganito na lang siguro ang reaksyon siguro ng mga estudyante sa pagsagot ni Ela dito sa Wesley.
Hindi naman makapaniwalang tumingin ang lima, si Damian kasi ay blangko lang ang ekspresyon habang pinapanood ang dalawa.
“You are loud noisy bitct- A-Aww!”
Napatigalgal kaming lahat nang mabilisang sumampa si Ela sa mesa para lang abutin ang pisngi ni Wesley upang makurot ‘to.
“Tangina! Ang pogi!” Gigil na aniya.
Daglian naman akong naoatayo para lang pigilan s’ya sa ginagawa.
“E-Ela…” Pigil ko.
Humiwalay siya at masamang nakatingin kay Wesley, “Ang pogi mo sana kaso ang pangit ng ugali mo! Pangit!” Bulyaw n’ya bago damputin ang tray na may laman na mga pagkain.
Nang madaanan ‘yong counter ay sumigaw ‘to, “ATE PAHIRAM MUNA!” aniya at mabilis na naglakad kahit pa na mabigat ang tray na hawak.
Nagpapaumanhing napatingin ako ko kela Damian bago dinampot ang gamit ko at sundan si Ela.
—
Sa gymnasium kami ngayon kakain ng pananghalian. Pasalampak na umupo si Ela sa upuan dito sa pinakataas na row, marahan naman niyang binaba ang tray sa pinaggigitnaan naming upuan.
Nagkatitigan kaming dalawa at nagulat na lang ako nang ngumiti ‘to at nagtititili. Mabuti na lang at wala masyadong mga estudyante dito.
“Ang lambot at kinis ng pisngi niya, day!” aniya at pinakatitigan ang kamay na pinangkurot, “Half inis at half kilig ako kanina habang kinurot ko s’ya…”
Napapailing na lang ako. Sa isang buwan kong kakilala ‘tong si Ela ay alam ko na ang ugali niya pagdating sa mga gwapong lalaki. Maganda si Ela at talagang nagkakagusto sa kanya ang mga lalaking nagiging classmate namin sa mga subject. Maputi at makinis ang balat, may pagka-wavy ang mahaba nitong buhok. Maganda rin ang pagkakakorete ng kilay n’ya, ang pilikmata ay mahaba, maliit na matangos ang ilong at manipis ang kulay pink n’yang labi. May pagka chinita si Ela kaya kapag ngumingiti siya ay nawawala na halos ang mata n’ya at sa tuwing ngingiti din s’ya ay lumalabas ang maliit n’yang dimples sa magkabilaang gilid sa baba ng kanyang labi.
“Baka gantihan ka no’n.” Nag-aalala kong sabi
Napanguso naman s’ya, “Bakla s’ya kung gano’n, tsaka siya kaya sabihan ko ng b***h? Pasalamat siya at crush ko siya! Hmp!”
Kumain na lang kami habang nag-uusap tungkol sa mga subjects namin. Nang matapos ay bumalik kami sa canteen para isaoli ang tray at mga pinggan na dinala n’ya.
Matapos ang klase ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Natanaw na rin kasi namin ang sundo n’ya sa labas ng gate.
Habang ako naman ay naglakad na papunta sa sakayan ng tricycle. Uuwi muna ako sa bahay bago ako pumasok sa trabaho ko.
Malapit na sana ako sa terminal ng tricycle ng biglang may humintong itim na sports car sa gilid ko.
“Hop-in…” Anang na nasa loob.
Nagtataka akong napatingin sa bukas na bintana ng kotse. Medyo yumuko pa ako para masilip kung sino ‘yon. At napakurap ako ng ilang beses ng mapag sino ang nagmamaneho nitong magarang kotse. It’s Damian Chase!
Kumabog ng malakas ang puso ko. Ano ginagawa niya rito?
“Hop in…” Ulit niya.
Mariin akong napalunok bago hawakan nang nanginginig kong kamay ang pinto ng kotse n’ya. Agad naman akong sinalubong ng mabango at lalaking-lalaking amoy ng kanyang kotse.
Bumaling ang kanyang mapupungay at magandang mata sa’kin. Mariin akong napalunok dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.
“Where do you live? Ihahatid na kita.” Aniya, ang boses ay malamig, malalim at boritong-borito
“H-Ha?” Maang ko naman.
HIndi siya sumagot, tinitigan n’ya lang ako gamit ang nabuburyo n’yang mata na parang sinasabi na sabihin ko na lang.
Napabuga na lang ako ng hininga bago ko sinabi sa kanya kung saaan ang address ko. Sa bungad lang ang sinabi ko dahil masyadong matao ang lugar namin at medyo masikip ang daan, mahihirapan lang siyang kumambyo roon.
“How… How do you manage to study in our school? No offense…” Aniya.
Hindi naman tunog nang-iinsulto ang tono ng boses niya. Hindi rin tunog na curious, pawang flat lang at parang nabo-bored.
Napakagat naman ako ng labi bago ko bitawan ‘yon, “Iskolar ako sa school…” Marahan kong sagot.
Tumango s’ya at hindi na muling nagsalita kaya hindi na lang din ako nagsalita din. Matapos ng 20 minutes na byahe ay nakarating na kami sa papasok sa aming lugar. Pinarada niya sa waiting shed kanyang sasakyan.
Kinalas ko ang seat belt bago siya balingan, napaatras pa ko ng maabutan na nakatingin na pala siya sa 'kin.
Malamlam ang kanyang mata at walang mababakas na emosyon sa gwapong mukha nito.
"T-Thank you…" Mahinang usal ko, na-intimidate sa aura na buong pagkatao niya.
Pairap kung alisin niya ang paningin sa'kin at walang sinagot, parang bagot pa ngang tumingin sa harapan. Napanguso ako.
Marahan akong bumaba at hindi pa nga ata lumalapat ang pinto dahil sa pagsara ko ay agad siyang humarurot paalis.
Napanganga habang kumukurap-kurap na pinagmasdan ko ang kotse niya na mabilis na nawala sa paningin ko.
Kakamot-kamot na lang ako ng ulo at pumasok na sa lugar namin. Napadaan ako sa karendirya ni Aling Bhe nang makita ako ay agad na naging maaliwalas ang mukha na kanina lang ay busangot dahil malamang sa anak niya na pasaway.
"Magandang araw po." Bati ko sa ginang.
Nakita ko sa isang sulok ang anak niyang binatilyo na agad akong nilingon ng marinig ang boses ko. Si J.R, ang thirteen years old na bunsong anak ni Aling Bhe. Pasaway 'to at minsan ay tamad pumasok kahit pa ay matalino 'to at pinag-aaral sa isang private school. Matagal na rin 'tong may gusto sa'kin na araw-araw niyang kino-confesse.
"Hi, Ate baby!" Nagliwanag ang gwapo nitong mukha at agad na binulsa ang cellphone na on-game pa ata.
Baby ang tawag niya sa'kin dahil ayon daw bagay sa'kin lalo na kapag naging kami na raw.
Namewang ako, "Hindi ka na naman ba papasok?"
Minsan ay ako ang nagpapasunod sa kanya. Kaya minsan ay ako ang panakot ni Aling Bhe sa kanya para mapasunod siya sa gustong ipagawa ng ali sa kanya.
At kalaunan ay kumilos na rin ang binata. Ako naman ay nagpaalam na rin ako na pupunta na sa bahay para na rin makapag-ayos na rin para sa magiging shift ko.
Matapos kong maglinis ng bahay ay kumain na ako at nag prepare na rin ako sa pagpasok ko naman sa trabaho.
Pagkarating doon ay puno na agad ng mga tao. Kahit weekdays kasi basta tanghali hanggang gabi ay marami na ang taong kumakain dito. Bukod kasi sa mataong lugar ito nakatayo ay malaki din ‘to.
“Ang aga mo, ah?” Salubong sa’kin ni Ma’am Marie, isa sa mababait na managers namin.
1 hour pa kasi bago ang duty ko pero inagahan ko na para mamaya ay pwede akong mag-out ng mas maaga.
“Papa-change duty hour po ako,” sabi ko.
Agad naman binago ni Ma’am yung oras ng pasok ko. Ako naman ay nagpalit na sa locker room at pagkatapos ay nagpunta na ako sa POS at nag-log in doon. Sa cashier ako naka-pwesto.
Sumunod na mga oras ay naging busy na ako sa pag-take ng orders at pag-aayos ng mga order din. Nakakangalay man ang nakatayo ay hindi ako pwedeng magrelamo na lang dahil ako na lang ang nagpapaaral sa sarili ko, wala na akong aasahan kung ‘di ay ako lamang.
Hindi bale at apat na taon na lang naman at makakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at matataguyod ko ang sarili ko.