PIPIKIT-PIKIT pa ako habang kinakabisa ang binabasang linya para mamaya sa filipino subject namin, kami ni Ela ang partner dito at may grade ‘to kaya kailangan talaga naming maging maayos.
Ngayon ay medyo inaantok pa ako, weekend kahapon at ang schedule ng duty ko sa trabaho ay umabot ng alas-dos ng madaling araw kaya madaling araw na ako naka-uwi at maagang nagising para pumasok dito sa school.
“Ikaw lang ata ang nakita kong puyat na maganda pa rin, ako kasi kapag walang tulog para talaga akong nasapak sa mata, eh!” Ananag ni Ela.
Natawa ako at napadilat at naabutang nakabusangot siya. Wala kaming klase ngayong first subject namin kaya dito kami nakatambay sa benches sa field nitong school.
“Tapos hinahangin pa ‘yong buhok mo! Para kang nasa drama, girl!”
Sa Magdadalawang buwan kong naging kaibigan ‘tong si Ela masasabi kong para na kaming matagal ng magkaibigan. Hindi ka ma-O-OP sa ugali n’ya. She’s friendly to everyone pero sa’kin ramdam kong tinuturing na niya akong maatalik na kaibigan. Mabait din s’ya kaya hindi kataka-kataka na marami s’yang naa-attract na lalaki dito.
Napapailing na lang ako bagamat nakangiti. Walang araw talagang hindi ako napapatawa nitong babaeng ‘to.
Napatingin ako sa malayo at natigilan. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Damian na may kahalikang babae. Agad akong napaiwas ng tingin at pinamulahanan.
Simula no’ng maihatid n’ya ako, hindi na rin sila nanggugulo sa’min. Nakikita namin sila pero hindi na nila kami binabalingan na ikinalungkot ni Ela. Wala na raw kasi silang bardagulan moments ng crush niya.
Hindi naman din akong umaasa na makakasalamuha ko pa ‘tong si Damian dahil una ay napakalayo nang estado namin sa buhay, mayaman s’ya at ako ay iskolar lang dito sa school na ‘to at ang pangalawa ay hindi naman fairytale ang buhay ko para makakilala ng mayaman na lalaking mabait at tatanggapin kung sino ako.
Muli ay napatingin ako sa pwesto n’ya at natigilan nang makitang nakatingin na ‘to sa’kin habang kahalikan ang babaeng kasama. Namilog ang mata ko! At para naman akong tanga na nakatingin din sa kan’ya pabalik, hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kan’ya. Nakita ko pa ang maliit na pagngisi n’ya bago siya humiwalay sa babae. May sinabi ‘to at ang babae naman ay mabilis na nagtatatakbo paalis.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang pinapanood ang marahan na paglalakad n’ya patungo sa direksyon namin ni Ela habang magkahinang pa rin ang mga mata naming dalawa.
“Si Damian, oh!” Si Ela na nakikita ko sa gilid ng aking mata na palinga-linga, “Hindi niya kasama si Wesly ko?”
Hanggang sa umakyat na si Damian papunta sa’min dito sa itaas. Si Ela naman ay parang bulating binuhusan ng asin kung magligalig sa kinauupuan.
Nilingon ko muli si Damien na nakatingin pa rin sa’kin habang papalapit hanggang sa umupo siya sa katabing upuan ko.
“H-Hi!” Pigil ang kilig na bati ni Ela.
“Hmm…” Tinanguan naman ni Damian ang kaibigan ko habang natingin pa rin sa’kin.
“You don’t have class?” Mataman n’yang tanong.
At ako naman ay parang natulala lang sa mukha n’yang kulang ang salitang gwapo, pogi o magandang lalaki dahil napakaperpektong pagkakagawa ng mukha niya magmula sa mata, ilong at mga labi, ganoon rin ang maganda at makakapal n’yang kilay at pilikmata.
“H-Ha?” Natanong ko na lang.
Si Ela ang sumagot, “Wala pero mamaya may Filipino pa kami. Hehe.” Aniya, “Nasaan si Wesly ko?” Walang gatol na tanong ni Ela.
Marahang binalingan ni Damian si Ela, “He’s busy with his girl…” Pagkikibit balikat na sagot nito at muli n’ya akong binalingan.
“Anong oras next class mo?” Tanong niya muli.
Tinignan ko naman ang wrist watch ko, “May one and a half pa bago ang next class.”
Tumango s’ya at tumayo, “Let’s go.” tinalikuran n’ya ako at nagsimula nang maglakad.
Napatanga naman kami ni Ela sa iniasta n’ya. Nang siguro ay hindi n’ya ramdam na sumunod ako ay bagot s’yang lumingon sa ‘kin.
“I said let’s go, Gia.” Nauubos na pasensya na aniya.
Napasinghap ako dahil sa pagtawag n’ya sa’kin. Sh*t!
Napakamot ako ng sentido, “P-Paano si Ela?”
Taas ang isang kilay na tinignan niya si Ela, “You can find Wesly in tourism department, third floor and last room. Guluhin mo siya doon.” aniya at tumalikod na uli.
Narinig ko naman ang impit na tili n’ya at ang pagkukumahog nitong kunin ang mga gamit.
“Sige na, Gia, sumama ka na muna kay Damian. Bye!” Anito at mabilis na bumaba kamuntik pa nga matalisod kakamadali.
Wala naman na akong nagawa kung ‘di ay kunin na ang mga gamit ko at bumaba na rin. Si Damian naman ay nakapamulsang naghihintay sa ‘kin sa baba habang nakatingin ito.
Nang makababa ay nauna itong maglakad kaya sumunod ako. Walang gaanong estudyante pero kahit kakaonti lang ay hindi pa rin nakatakas sa kanilang mga paningin si Damian. They admired him. Gwapo naman kasi talaga ang lalaki at bulag na lang kung hindi makikita ito.
Mabuti na lang at malayo ako sa kan’ya kaya hindi sa ‘kin nakatutok ang paningin nila.
Pero ayon ang akala ko dahil tumigil siya at nilingon ako. Nangunot ang noo niya dahil sa layo ng distansya ko sa kanya.
Pasimple akong tumingin sa paligid at ang mga estudyante naman ay nagtataka rin.
Naramdaman kong lumapit siya nsa ‘kin at nagulat ako nang hawakan niya ako sa wrist ko at tsaka marahang hinaltak pasunod sa kan’ya.
Gulat akong nakatingin sa kamay niyang marahang nakahawak sa ‘kin. Malambot ‘to at halatang walang ginagawang mabibigat na gawain sa kanila.
“S-Saan tayo pupunta?” tanong ko at nag-angat ng paningin sa kanya.
Hindi s’ya sumagot basta ay hinaltak na lang niya ako papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.
Pagkarating doon ay pinagbuksan niya ako ako ng pinto. Hindi naman na ako nagreklamo pa at pumasok na lang sa loob ng kotse niya.
Sa byahe ay tahimik siya kaya hindi na rin akong sumubok na magsalita pa. Hinayaan ko na lang ang sariling tumanaw sa mga nadadaanan namin.
Dahil maaga pa ay walang gaanong traffic kaya mabilis kami nakarating sa magarang subdivision na nakikita ko lang sa mga balita. Subdivision ng mayayaman ‘to ang ‘La Bella’
Binaba ni Damian ang salamin para batiin ang mga guards na naroon sa gate.
“Good morning, Manong Mato,” Nakangiting bati nito sa guard.
“Ikaw pala iyan, Ser Damian! Magandang araw din sa iyo, napadalaw ka?” Yumuko si Manong at sinilip ang loob ng kotse kaya nakita ako.
Hindi ko alam kung babatiin ko o hindi pero sa huli ay ngumiti na lang ako kay Manong na nginitiaan din ako pabalik.
“Mom throwing tantrums again, bibisitahin ko lang.” Ngiti niya kay manong guard.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa ngiti niya parang bihira n’ya lang ipakita ‘yon at sa mga piling tao pa.
Nagpaalam na si Damian kay Manong bago siya nagpatuloy papasok sa loob. Naka dalawang liko lang kami bago kami nahinto sa isang malaking tarangkahan na kulay dark brown. May dalawang guards doon na agad na pinagbuksan ng gate ang kotse ni Damian.
Bahay nila ‘to.
Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak at laki ng buong lote. Maganda rin ang pagkaka-disenyo ng mga halaman at dahon pero mas lalo akong namangha ng matanaw na ang mansion. Naghahalo sa moderno at makalumang disenyo ang labas pero hindi nagmumukhang napag-iwanan ng panahon bagkus ay mas nagmukha pa itong maganda tignan.
Itinigil niya ang kotse sa entrada. May lumapit sa magkabilaan pinto at binuksan nila ‘yon.
“Good day, ma’am.” Bati ng mukhang limang taon lang na tanda sa ‘kin na lalaki.
Lumabas naman ako at nahihiyang ngumiti rito, “G-Good day din po…”
Magsasalita na sana uli ang kuya kaso nagsalita si Damian sa likod ko.
“Let’s go inside,” Anito at marahan niyang inilagay sa likod ko ang kamay para igiya papasok sa loob.
Kung sa labas ay namangha na ako, mas lalo na nang makapasok na kami sa loob. Lahat ng madapuan ng paningin ko ay kumikinang at nagsusumigaw sa mahal dahil sa itsura.
Mula sa mamahaling muwebles, malaking chandelier at iba pang gamit ay nagsusumigaw ng EXPENSIVE. Siguro ang vase nilang malaki dito ay kaya na akong buhayin ng 1 to 2 years.
Naglilibot ang paningin ko habang iginigiya pa ako papunta sa kanilang tanggapan. Yung una kasi ay foyer pa lang nila pero grabe na ang mga nakalagay na kagamitan.
Siguro ay living room nila ito pero parang ‘yong tinitiran ko na dahil sa laki- mas malaki pa nga!
Sa bungad pa lang ay nakikita ko na ang isang magandang ginang na nanggagantsilyo habang may pinapanood na kung ano sa laptop na kaharap.
“Mom,” Tawag ni Damian sa ginang.
Agad naman napalingon sa pwesto namin ang ginang. Nanlalaki ang mata nito at agarang tumayo. Ganoon siguro nito ka-miss si Damian kaya ganito na lang ang reaksyon niya-
“Ugh!”
Nagulat ako dahil imbes si Damian ang lapitan ay ako ang nilapitan at biglang yinakap ng ginang.
Namimilog ang matang kong napatingin kay Damian na kagaya ko ay gulat din sa iniasta ng kanyang nanay.
Humiwalay sa ‘kin ang ginang pero nakahawak siya sa magkabila kong balikat. Nakangiti itong pinagmasdan ang mukha ko.
“You’re so pretty!” Tili ng ginang, “Are you my son’s girlfriend?” Malawak ang ngiti tanong niya.
Mabilis akong napailing, “H-Hindi-”
“Yes, mom, she’s my girlfriend.” Putol ni Damian sa sasabihin ko at hinapit niya ako padikit sa kanya.