“YES, mom, she’s my girlfriend.” putol nito sa sasabihin ko.
Namimilog ang matang kong nilingon si Damian na seryoso, walang makikitang bahid ng biro ang mukha.
Humiwalay sa ‘kin ang ginang. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng maayos. Napakaganda niya, maputi at makinis. Kahit na may edad ay hindi ‘yon hadlang para mawala ang angking niyang kagandahan. Wala itong kahit na anong nakalagay sa mukha, natural na kulay rosas ang labi.
Nakasimpleng damit lang ito, pangbahay mismo pero sosyalan pa rin. Naka mabalahibong itim na tsinelas ito kaya mas lalong lumitaw ang kaputian ng ginang.
“OMG!” Nanlalaki ang magagandang mata ng ginang dahil sa sagot ng anak, “Finally! Ihhhh!”
I was taken a back nang nagtatatalon ang ginang at tumitili pa ito.
“Mom,” kalmadong suway ni Damian sa ina.
Tumigil ang ginang sa pagtalon pero kumendeng-kendeng naman na ito.
Napa-roll eyes naman si Damian sa inakto ng ina. Ako naman ay nagugulat pero hindi na weirdan dahil ang cute lang ng ginang sa ginagawa.
“I prepared some foods, hija, come.” anito at hinatak na ako papunta kung saan.
Nilingon ko si Damian para makahingi ng tulong pero nakita ko lang siyang napapailing at naglakad papunta sa ibang direksyon.
Hala? Paano kapag magtanong ang ginang ng kung ano ‘tong ginang about sa relasyon namin? Sa pagiging girlfriend ko kuno–
“Don’t worry, hija, alam kong hindi ka girlfriend ng panganay ko. Hihi.” Aniya habang hatak-hatak ako.
“P-Po?”
Ngumiti siya, “Kilala ko ang anak ko, hindi nagjojowa ‘yon,” aniya.
Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil doon, hindi ko lang pinahalata. Napatango na lang ako.
“Pero, first time na may dalin siyang babae rito kaya alam kong espesyal ka. Hihihi!” dugtong niya at muling kumendeng.
Hindi ko alam pero sa sinabi ng ginang ay parang may kung ano sa loob ko ang tumambling. Ayaw ko mag-assume pero hindi ko naman mapigilan.
Dinala ako sa malaking dining room na mas malaki pa sa bahay ng mga magulang ko. May mahabang table roon na good for 12 seaters. Sa mesa ay may mga nakahandang typical breakfast inaayos ‘yon ng mga kasambahay.
Ang ginang na rin mismo ang nag-usog ng upuuan ko, “S-Salamat po, ma’am.”
Ngumuso ang ginang pagkaupo niya sa kabisera, “Guro mo ba ako?”
Nakailang kurap ako, “Po?”
“Tita Emily ang itawag mo sa’kin….. Gianna..” Saad niya at binasa ang pangalan ko sa name plate na nasa kaliwang dibdib ko.
“O-Opo..”
Muli ay ngumiti siya, “Kwentuhan mo ako, ha? Wala akong kausap kasi lagi rito puro tsismis lang ng kasambahay naririnig ko, eh!”
Siya na rin mismo ang nagsalin ng fried rice sa plato ko, maging ang mga ulam kagaya ng itlog, bacon, hotdog at ham ay nilagyan na rin ako.
Pagkatapos ay siya naman ngayon ang naglagay sa plato niya, “How old are you na ba, Gia?”
Kahit nahihiya ay kinuha ko na ang kubyertos, “N-Nineteen po, ma’am– I mean T-Tita,”
Susubo na sana ako perop napansin kong hindi ginagalaw ng ginang ang utensils niya kaya muli ko siyang tinignan at nagulat na nakatitig na ito sa ‘kin.
“Ang ganda-ganda mo,” ngumuso siya, “Kwento ka about sa buhay mo,” aniya.
Kaya habang kumakain kami ay wala akong nagawa kung ‘di ay ikwento ang buhay ko. Hindi ko naman kinu-kwento para maawa sa ‘kin ang ginang. Open naman ako sa sitwasyon ko at hindi ko kinakahiya iyon.
“May work ka mamaya after class?”
“Opo, hanggang gabi po.” sagot ko.
“Working student din ako noon, ang alam ko four or five hours ang binibigay ng fast food restuarant sa mga crew nilang student pa.”
Tumango ako, “Opo, pero po ako po hiniling ko na six or eight hours po duty ko not unless po may school works pa po ako after class,”
“Paano assignments mo?” kuryosong tanong ng ginang.
“Sa breaktime ko po, habang kumakain ginagawa ko na rin po mga takdang aralin ko.” sagot ko.
“Nakakabilib ka naman, hija.” Ngumiti ang ginang.
Nahihiya naman akong ngumiti, “Need po kasi, ako lang din naman po makakatulong sa sarili ko at gusto ko rin maging proud ang parents ko sa ginagawa ko po.”
Magsasalita pa sana ang ginang ng biglang may nagsalita, “Are you done eating?”
Pareho namin nilingon si Damian na nakasandal sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip.
“Kain ka na muna dito, ‘Nak,” aya ng ginang sa anak.
Umayos ng pagkakatayo si Damian, “I can’t, mom, I need to bring Gia back to school.”
“Nagku-kwentuhan pa kami, ‘Nak,” ngumuso naman ang ginang sabay kapit sa braso ko.
Muli kong binalingan si Damian na seryoso at walang kahit anong reaksyon bukod sa bagot. Nakatitig siya sa inang nagpapa-cute.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang buntong hininga ng ginang at ang pagkalas ng pagkakakapiy niya sa braso ko.
“Kainis! Ang sungit talaga!” Anang ng ginang.
Lumapit si Damian sa ginang at hinalikan ito sa noo.
“I’ll bring her here again this weekend, mom.” Aniya.
Namilog ang mata ko sa sinabi niya habang ng ginang naman ay tuwang-tuwang nagpapalakpak.
“Okay!”
Tumayo naman na ako at nagpaala na.
“Salamat po sa breakfast- ugh!”
Bigla akong yinakap ng ginang na ikinagulat ko muli. Si Damian naman ay walang karea-reaksyon.
“Balik ka ah? Papaalala ko sa anak ko na isama ka uli sa weekend.” Nakangusong ani ng ginang.
“Tignan ko po, baka may trabaho po ako no’n.”
Pinakawalan din ako ng ginang, sinundan ko naman si Damian palabas ng mansion nila.
Sa kotse ay tahimik lang ako habang binabagtas ang daan pabalik sa school. Tinitignan ko rin ang cellphone ko at baka nagtext na si Ela pero wala rin akong na-receive.
“I-free mo ang saturday mo,” bigla ay saad niya habang nakatutok pa rin ang atensyon sa kalsada.
“W-Wala akong trabaho no’n,” mahinang saad ko.
“Hmm.. Okay, I’ll fetch you on saturday.” Aniya
Tumango naman ako at muli ay nabalutan kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa school.
Walang gaanong estudyante ng pagala-gala nang iparada niya ang sasakyan sa parking lot.
“Uhh… thank you.” Nahihiyang sabi ko.
Nilingon niya ako at tumango wala siyang sinabi kaya senyales na ‘yon para bumaba ako sa kotse niya.
Walang lingon naman akong lumayo doon at pinuntahan si Ela. Nagchat kasi siya sa ‘kin na nasa room na siya para sa next subject namin.
Ang ngiting-ngiti na mukha ni Ela ang sumalubong sa’kin. Wala pa ang iba namin na ka-blockmates kaya wala pang masyadong estudyante sa loob.
“May chika ako!” Patiling aniya.
Natawa naman ako at umupo sa tabi niya kung saan ang pwesto ko.
“Alam mo ba naabutan kong nakikipag-momol si Wesley? Tapos nandoon ako mismo sa tabi lang nila, pinapanood sila no’ng girl maglaplap!” Napangiwi siya sinabi niya iyon, “Pero, ‘te, nakita ko kung paano humalik ang Wisley! Alam ko na kung paano gagawin!”
“Hindi ka niya nakita?” Takang tanong ko.
Bigla ay humagikgik siya, “He caught me, ofcourse! Tapos ‘yong girl nagtititili ng makita niya rin ako.”
“Ano nangyari?”
Pumalungbaba siya, “Syempre nagtalo na naman kami.” Ngumiti siya, “Ikaw naman, saan kayo nagpunta ni Damian? Care to share?”
Napakamot ako ng sentido, “Dinala niya ako sa family house nila-”
“OMG! TALAGA?!” Hiyaw niya kaya nagsipaglingunan ang mga classmate namin.
Napa-quiet sign naman ako sa kanya dahil baka marinig ng mga classmate namin at kung ano pa ang isipin.
“Bakit ka niya doon dinala? Pinakilala ka ba niya sa parents niya?” Mahina na niyang tanong.
“Sa Mama niya–”
“Kyaaaaaahhh!” Bigla ay tumili siya at nagpapalakpak, “Talaga? Ano sabi nila?”
“Mama niya lang nakita ko, o siguro nandoon din ang Dad niya kasi umakyat siya no’ng hinatak na ako ng Mommy niya papuntang kusina.”
“Ano pakilala niya sa’yo?” kuryoso mang tanong ay kita pa rin ang ngiti sa labi niya.
Ikinuwento ko ang mga nangyari kanina doon sa mansion nila and as expected nagtititili si Ela na nakakuha ng atensyon sa mga ka-blockmates namin.
“OMG! Feeling ko boto sa’yo Mama niya, ‘Tih!” nagpapapalakpak pa siya, “Ininvite ka pa sa sabadoooooo!”
I just shrug. Ayoko naman mag-assume agad na gano’n nga ang tingin sa ‘kin ng ginang.
Napailing na lang ako at akma kong kakapain ang bag ko para sana ilabas ang notes ko ng mapansin na wala ito sa likod ng upuan ko.
Napaharap ako sa sandalan ng upuan ko at nakitang wala nga ito doon!
“‘Yong bag ko?” tanong ko kay Ela.
“Ha?” Taka niya at nakitingin sa bag ko, “Ewan ko? Saan mo ba nilagay ‘te?”
“Hindi ko alam–” natigilan ako ng maalala kong iniwan ko pala ‘yon sa kotse ni Damian bago bumaba no’ng nasa bahay na nila kami.
Napatakip ako ng bibig at napatitig kay Ela, “Naiwan ko sa kotse niya.” Sabi ko habang nakatakip pa rin ng kamay ang bibig.
“Oh s**t–”
Naagaw ang atensyon namin ng mga estudyanteng maiingay sa hallway at ang mga classmates namin na nagsipaglabasan sa room namin.
“I’m looking for Gianna Dizon, is she here?” Rinig ko ang pamilyar na boritong boses ng lalaki.
“OMG! Yes, yes! She’s inside!” Sagot naman ng classmate kong kinikilig.
Ilang sandali lang ay dumungaw ang ulo ni Damian sa pinto at agad na nagtama ang mata namin dalawa kaya agad siyang pumasok. Natulala pa ako kung paano ito magpalad papalapit sa ‘kin.
Doon ko lang din napansin na hawak niya nag bag kong mabigat pero kung titignan siya ay parang plastik lang ang hawak niya rito.
“You left your bag in my car.” Aniya at marahan niyang inilapag ‘yon sa lap ko.
Napamaang pa ako saglit pero kalaunan ay nagpasalamat din ako, “T-Thanks.” Nahihiya kong sabi.
“Hmm..” aniya at namulsa sa harap ko kaya napaangat ako ng paningin sa kanya.
Nakatitig siya sa ‘kin, “Bakit?” Tanong ko.
Nagulat na lang ako ng yumukod siya at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. Napamaang ako hanggang sa walang salita-salitang umalis siya sa harap ko at lumabas ng room namin.
Kagaya ko ay laglag din ang pangang nakatitig sa’kin ang mga nakakita sa ginawa ng Damian sa ‘kin.