“TAPOS ka na ba mag break?” Napabaling ako kay Nika, isang ka-work ko na mas ahead sa ‘kin. Naglog-in siya sa POS namin, pang graveyard shift siya, 9 P.M to 5 A.M ng umaga. Tinignan ko naman ang pang bisig kong relo, isang oras na lang at end na ng shift ko. Pina-extend ko kasi ng dalawang oras ang duty ko para kahit papaano ay medyo malaki ang sasahurin ko sa kinsenas. “Oo tsaka pauwi na rin naman ako,” Nginitian ko siya. “Siguro kung nag-aaral din ako hindi ko kakayanin mag trabaho pero ikaw…” nailing siya at ngumiti. “Kailangan, eh, alam mo naman walang susuporta.” Sagot ko. Bumalik ako sa ginagawa ko dahil dumami uli ang customers. I was focusing on taking orders when some people caught my attention. Ang grupo nina Damian ang pumapasok ngayon dito. Nakuha nila ang atensyon ng la

