NAKAPALAGAYAN ko agad ng loob ang mga kapatid ni Damian. Magaganda na at mababait pa. Pala ngiti din at maganda ang bukas ng aura nila. Nagtataka ako bakit si Damian ay parang laging nakasimangot? Baka dahil lalaki siya at panganay pa kaya gano’n na lang talaga ang ekspresyon niya. “Anong size ng paa mo?” maya-maya ay tanong sa ‘kin ni Violet. “Ha?” Tanong ko pabalik. Ngumiti si Violet at hinawakan ang pulsuhan ko, “Tara!” Aniya at hinatak ako patayo mula sa kama niya, sumunod din si Aria. Hinatak ako ni Violet sa isang pinto na sa tingin ko ay ang walk-in closet niya, sliding door ang style ng pinto na iyon. At tama nga ang hula ko, tumambad sa ‘kin ang maayos at malinis na pagkaka-organize ng mga damit, karamihan ay mga nakatupi pero mas marami ang mga naka-hanger at puro iyon mga

