Kabanata 1

1783 Words
" Mamaaaa" napatigil ako sa paghahalo nung niluluto ko dahil narinig ko ang pagiyak ni Brylle. Mula sa kusina ay tumingin ako sa kinauupuan niya. Mukha namang walang problema. Nakakunot akong lumapit sa kanya. " What is it baby?" Lumuhod ako para makapantay ko yung mukha niya. " Nothing." Nakangiti nitong sabi. Nung una ay naguluhan ako pero napangiti din sa huli. Hinalikan ko yung ilong niya tsaka tumayo. Humawak ako sa pisngi niya bago bumalik sa kusina. The cute little boy wants attention... Napatawa ako sa naisip ko. Kung iniisip niyo na anak ko siya, well I treat him as one and he treat me as his mother. But the truth is I just found him on the street while I'm also in the street. Nakalagay lang siya sa basket nung makita ko siya at alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang maiwang mag-isa. 2 years old lang siya nung time na iyon at walang kaalam alam kung anong nangyayari sa paligid niya. I'm glad dahil nagdecide akong alagaan siya. Siya na ang kasa-kasama ko palagi at hindi ako nakakafeel na lonely ako. Now, everything I do is for him. I want to give him a best life, kahit na wala akong mapagkukuhanan ng pera ngayon. Speaking of... Nakatitig ako sa niluluto ko nang maalala ko na wala pa pala akong nakikitang trabaho. " Huhuhu! Saan ako hahanap ng trabaho?!" Tanong ko sa kawalan. Matagal na akong naghahagilap ng mga trabaho na pwede sa akin. Pero hanggang ngayon ay puro part time lang ako at alam ko na hindi iyon sapat para sa aming dalawa ni Brylle. Tinakpan ko muna yung niluluto ko at nagscroll sa mga social media sites. Ang newsfeed ko kasi ay puro job hiring. Ang buong history ng phone ko ay tungkol lang sa trabaho. Hindi ko na kailangang isearch dahil kusa ko na siyang nakikita. Kadalasan ng mga trabaho ay kailangan tapos ng college. At yun yung mga trabaho na gusto ko talagang makuha. Ang pasok lang kasi sa resume ko ay mga: Janitor Driver Waitress Maid At iba pang ganoong klaseng trabaho. Hindi naman sa ayaw ko sa mga ganoong trabaho dahil maarte ako, gusto ko lang magkaroon ng pagkakakitaan na mabubuhay kaming dalawa. To be honest, masyadong mataas ang pride ko para sumabak sa ganoong mga job. Tinignan ko ang niluluto ko at mukhang luto na kaya pinatay ko na ang apoy. " Oh Nassandra, may pagkain na ba?" Napatingin ako sa isang middle aged woman na pumasok sa kusina. Siya ang may ari ng bahay na pinagtutuluyan namin ngayon. Siya si Tiya Anne. Strikto siya pero mabait naman. Nang makita niya kami ni Brylle na nasa gilid ng kalsada malapit sa bahay niya ay hindi niya kami natiis. Nung una ay binibigyan niya lang kami ng mga pagkain. Pero nagkakausap kaming dalawa at nang tumagal ay inalok niya akong manirahan sa bahay niya kasama si Brylle. Nagiisa daw lang siyang nakatira sa bahay at walang kasama. Syempre pumayag kaagad ako. Hindi kami nagkaroon ng maayos na tirahan ni Brylle nang madaming taon at di kami tatanggi sa isang komportableng bahay. Ang kapalit ng pagtuloy namin sa bahay niya ay ang paglilinis ko at pagluluto. Hindi kasi siya nagkakaroon ng oras para sa mga ganon dahil busy siya sa work as a social worker officer. Okay lang naman sa akin na naglilinis dito dahil hindi naman ito ganoong kalaki at hindi mabilis dumumi. Iniisip ko din naman ang kapakanan ni Brylle. " Ay sakto Tiya, kakapatay ko lang ng apoy. Mainit pa." Sabi ko dito at nagsimula nang maghain ng mgaplato. " Masarap ba iyan?" Napangiti ako sa tanong niya. " Oo naman tiya, ako pa ba!" Bahagya siyang ngumiti pabalik. " O siya, bilisan mo na at kailanga kong bumalik sa trabaho." Sinunod ko ang sinabi niya at nag matapos maghain ay binuhat ko sa Brylle at dinala sa isang high chair na nasa lamesa. Kinurot ko ang pisngi nito at narinig ko ang cute na tawa nito. Nakita ko din na napangiti si tiya. Sabay sabay kaming kumain. " May nahanap ka na bang trabaho Pat?" Umiling ako kay Tiya at natahimik. " Bakit kasi ayaw mong tanggapin yung ibang trabaho?" Medyo inis na sabi nito. Ilang beses na kasi naming napaguusapan yung ganoong bagay at sa office niya ay madaming nagh-hire mga trabaho na ayaw ko. Kapag kasi ganoong mga trabaho ang kukunin ko ay makikita ako ng madaming tao. Hindi ako ganoong magaling sa socialization at minsan ay isa akong introvert. " Huwag mo nalang palang sagutin." Napayuko ako at tahimik na napatuloy sa pagkain. May dumamping maliit na kamay sa braso ko kaya napatingin ako kay Brylle. Nakangiti lang siya sa akin at sinuklian ko din siya ng ngiti. Hinawakan niya ang kamay ni tiya at napatingin sa kanya ito. Nawala ang nakakunot na noo niya nang makita ang itsura ng 'anak' ko. " We are not fighting Brylle" sabi ko at nakangiti itong tumango tsaka bumalik sa pagkain. Proud na proud ako sa kanya kasi since 3 years old palang marunong na siyang kumain magisa at nakakapagsalita na nang maayos. Ang problema lang ay hindi siya gaanong nagsasalita at puro actions lang. Pero okay lang iyon, I still love him kahit hindi ko siya kapamilya. *tok tok* Napalingon kami ni Tiya sa pinto nang may kumatok. Nagkatinginan kami bago ako tumayo mula sa upuan at lumapit dito para buksan. Bumungad sa akin ang isang matandang lalaki at nagulat siya nang makitang ako yung nagbukas ng pinto. Tinignan niya ulit yung adress nung bahay ni Tiya at sa tingin ko nagtaka siya. " Ah, sorry. Sa tingin ko mali ako ng bahay na pinuntahan" nginitian ko siya. " Si Tiya Anne po ba ang hanap niyo?" Tanong ko dito. Tumango naman siya. " Oo, kaso lang mukhang hindi na siya dito nakatira." " Ay hindi po. Nasa loob po siya." " Sino yan Nassandra?" Narinig kong tanong ni Tiya at sumilip siya sa pinto. Nagkatinginan sina Tiya at yung matandang lalaki. " William?" Ngumiti yung lalaki. " Anne " " Magkakilala po ba kayo? Pasok po kayo." Sabi ko dito at inaya papasok ng bahay. Nakasuot siya ng black na suit at pormal na pormal ang itsura niya. Binaba niya ang suitcas niya sa may malapit sa pintuan. " Ako nga po pala si Nassandra." Pinunas ko ang kamay ko sa damit ko bago maglahad ng kamay. Tinanggap niya ito at nagshake hands kami. " William" ngumiti siya sa akin at pinaupo ko siya sa isang upuan sa may kainan. " William, kain." Masayang sabi ni Tiya. Anong mayroon sa kanila??? Binuhat ko si Brylle at pinababa dun sa high chair. Tumakbo siya papunta dun kay William at kinuha yung kamay nito. Nagulat siya nang magmano si Brylle bago bumalik sa akin nang nakangiti. Ngumiti ako pabalik at binuhat paakyat sa high chair. Gulat na tumingin si William kay Tiya. " May a-apo ka?" Alinlangan nitong tanong. Natawa naman si Tiya. " Hindi ko sila kadugo. Pinatuloy ko sila sa bahay ko kasi nakakaawa yung bata." Ngumiti si William. " Ang bait mo talaga Anne." Nakita ko namang namula si Tiya. Wait, what? " Hindi ko matiis nang nakikita sa labas ng pinto ko na nilalamig ang bata kaya pinatuloy ko sila. Hindi naman ako ganoong kabait. Nga pala bakit ka napunta dito?" Nagpatuloy akong kumain habang nakikinig sa paguusap sila. " Gusto lang kitang bisitahin, kamustahin." Hinawakan ni William yung kamay ni Tiya at nagkunwari nalang akong hindi ko iyon nakita. " Ayos lang naman ako William." " Mabuti naman." Npatingin sa akin si tita at parang nakaisip siya ng itatanong. " Ah, William. Siya nga pala si Nassandra. Naghahanap siya ng trabaho ngayon pero hindi natatanggap. Hindi kasi siya nakapagtapos ng college." Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor tsaka humarap sa lalaki. " Tama po yung sinabi ni Tiya" tumango ako sa kanya. " Sa pagkakaalam ko ay madaming trabaho para sa mga hindi nakapagtapos ng pagaaral." " Ay nako William, ayaw niyan ng mga ganoong trabaho. Maarte." Tinignan ko si Tiya bago magsalita kay William. " Hindi naman po sa ganon. Kailangan ko na po talaga ng maraming pera. Kapag po nakaipon ako ay aalis na agad kami sa bahay ni Tiya." Bumalik ako sa pagkain. " Sabi ko sayo Nassandra, ayos lang na dito na muna kayo." Nanahimik nalang ako dahil ayaw kong makipagareglo kay Tiya. Ngumiti nalang ako kay Brylle nang tumingin siya sa akin. " Mayroon akong alam na trabaho na mataas ang sahod." Napatingin kami kay William. " Talaga William?" Tanong ni Tiya. " Sa pinagt-tabahuhan ko ay nagh-hire sila ng maid. Mataas ang sahod don." Kumunot ang noo ko. " Magkano po?" " Ang sahod ko doon ay 30,000 pesos kada buwan" nagulat kami sa sinabi niya. " Ano ba ang trabaho mo doon William?" Tanong ni Tiya. " Driver ako ng kaibigan nung pinakamay-ari nung company." " Driver ka lang tapos ganoon kataas ang sweldo mo?" Gulat na sabi ni tita. Maski ako ay nagulat. Bumunting hininga siya. " Isa kasi sa pinakamayan sa buong mundo ang kumpanya na iyon. Tsaka napakastrikto ng mga amo. Nakakatakot talaga sila dahil napakaseryoso. Lalo na ang pinakalider." " O iyon naman pala eh. Nassandra, bakit hindi ka magapply doon." Napaisip ako sa sinabi ni Tiya. Ayaw kong nakikita ng madaming tao at lalong lalo na na ayaw ko sa ibang bahay ng tao magtrabaho. Ngumiti ako. " Pagiisipan ko po muna." Tumingin ako kay Brylle na nakangiti lang sa akin. Pinunasan ko ang bibig niya dahil may sarsa ito nung pagkain. " Bakit naman Nassandra, pagkakataon mo na itong magkatrabaho. Mataas pa ang sweldo." Bumuntong hininga ako. Hinawakan ni William ang kamay ni Tiya. " Ayos lang Anne. Hayaan mo lang siyang magdesisyon. Nassandra, kung magaapply ka, lapit ka lang sa akin. Ako na gagawa ng paraan para mapasok ka doon." ngumiti ako kay William. " Salamat po, sabihan ko po kayo kapag nakapagdesisyon na ako." nakita ko na umiling si tita as a sign of disapproval. Nakita kong tapos na kumain si Brylle kaya binuhat ko ito at dinala sa sala para makapaglaro siya. " Mama, play with me." cute na sabi nito. " Okay baby, just let me finish cleaning." tumango siya. " Opooo." bumalik ako sa lamesa at naguusap sila Tiya at William. Tapos na silang kumain kaya nagsimula na akong magligpit. " Nassandra, kailangan ko nang bumalik sa opisina. Ikaw na bahala sa bahay. Hindi ako dito kakain mamaya, may pupuntahan kami ni William." nagtinginan sila at sabay na tumayo. " Sige po." nagpaalam din ako kay William tsaka sila sabay na lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD