bc

Maid for the Mafia Boss

book_age16+
10.9K
FOLLOW
59.3K
READ
family
self-improved
mafia
drama
bxg
serious
city
betrayal
friendship
secrets
like
intro-logo
Blurb

TAGLISH(Tagalog and English) Language

After years of finding a decent job that meets Nassandra Pat Del Luna's standard, which is; isang trabaho na hindi siya makikita ng madaming tao, she is unsuccessful. Taking care of a 4 year old boy is not easy. She is becoming frustrated and financially broke. So wala siyang choice kung hindi ang tanggapin ang offer sa kanya na trabaho, na obviously ay labag sa loob niya. To be the Maid for the Mafia Boss.

Kieranz Andrew Marques is an owner of a notorious and successful mafia. He is known as a cold and heartless man, by the other people. But the truth is he's such a sweetheart, on the inside. He never show consciously to anyone this side of his. He never wanted to acknowledge the presence of Nassandra, which is good for her because he is just her boss but he had to take action on such circumstances.

But then, each other have a secret, especially Nassandra whose identity is a mystery. Will this secret keep the relationship built between these two? Or will this be the one who will end their happy ever after...?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tahimik akong naglakad sa gilid ng kalsada. Sa dalawang taon kong nasa lansangan ay nasanay na ako sa buhay kong ito. Dala ko ngayon ang isang bag na galing sa ukay ukay na puno ng damit. Nakakakain ako dahil minsan ay hinihiling ko sa ibang tao na pagtrabahuhin ako sa kanila nang sandaling oras lang para magkaroon ako ng kaunting pera. Iniiwasan ko naman yung ibang sideline na madaming makakakitang tao. Mabuti nang maingat at baka may makakilala pa sa akin. Napabuntong hininga ako. Naghahanap ako ng pwedeng mapagtulugan ngayon. Pagabi na din kasi at kailangan ko nang maglatag ng karton. Napunta ako sa mga building-building at naisipan kong magpahinga muna sa may pader ng isang bahay. Binaba ko yung bag ko sa lupa at nagsquat nang nakasandal sa pader. Hindi ako nagii-stay sa iisang lugar. Lagi akong naglalakad at hinihintay kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. At syempre sa paglalakad, dapat may tiyaga, para makaipon ng kita. Plano ko kapag nagkaroon ako ng sapat na pera ay bibili ako ng murang bahay malayo sa siyudad. Mamumuhay nang mag-isa. " Papa?" Napatingin ako sa gilid nang makarinig ako ng tinig ng isang bata. Huh? Nakita ko na sa gilid ng isang 4 steps na hagdanan ay may batang lalaking nandon na nakaupo sa isang tela? Nakataas ang tingin nito sa isang lalaking lumapit sa kanya. " I'm not your papa pero ako na magpapalit nung lampin mo" teka lang. Ano sabi? Ang gulo ni kuya. Parang nagtaka yung bata pero natawa nalang nang hinubaran nung lalaki yung bata at parang nakikiliti. Hala! Dito pa talaga sa lansangan. " Teka lang. Paano ba ito? Naku naman, dapat kasi si Josie yung nagpapalit nito eh" halata namang nahihirapan siya sa pagpalit nung lampin nung bata. " Ahihihihihi" tumatawa lang yung bata at walang kamuwang muwang na nasa kalsada siya. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. " U-uhmm" lumingon sa akin si kuyang nagpapalit pati na din yung bata. Natahimik lang ako at di alam ang sasabihin. Napansin naman iyon ni kuya " Kaya mo bang magpalit ng lampin?" Tumango ako at napangiti siya. Umusod siya para bigyan ako ng space para palitan yung lampin nung bata na nakatingin lang sa akin nang nakangiti. " Bakit po siya nandito sa gilid ng kalsada?" Tanong ko sa lalaki. Nagkibit balikat siya. " Hindi din namin alam. Basta nakita nalang namin siya isang araw na nandyaan sa pinaka spot na pinaguupuan niya ngayon. Inaalagaan naming magkakapit bahay iyan dito. Gusto nga nung iba na ampunin siya pero ayaw sumama nung bata" kumunot ang noo ko at napatitig lang sa mukha nung bata. " Alam niyo po ang pangalan niya?" Muli ay tumaas ang tingin ko sa lalaki. " Sa tingin namin ay Brylle. Yun kasing telang inuupuan niya, iyon ang pangalan na nakalagay" tumango ako dito at inayos si Brylle dahil tapos naman na ako sa pagpapalit. " Mama!" Masiglang sabi nito. Nginitian ko siya at hinagod ang buhok niya. " Is Brylle your name?" Medyo gumilid ang ulo niya sa pagtataka pero tumango din sa huli. Napapikit pikit ako. Mukhang matalino itong batang 'to ah. " How old are you?" Hindi inexpect na masasagot niya iyon dahil mukhang napakabata pa niya pero bigla niyang tinaas ang kamay niya at nagtaas ng dalawang daliri. 2 years old!? Tapos iniwan lang dito magisa!? " Ine" bumalik ang tingin ko kay Kuya. " Una na ako, may gagawin pa kasi ako eh. Eto oh. Paborito niyang kainin" tinanggap ko ang isang chocolate? Pinanood ko nalang umalis yung lalaki at naiwan ako kasama si Brylle. " Mama, Papa?" Nagulat ako sa pagsasalita niya. " I'm not your real mama Brylle" lumungkot ang itsura niya at sumandal sa dibdib ko. " Ma" huling sabi nito bago pumikit. Sinigurado ko namang humihinga siya at hindi nahimatay dahil sa hirap ng buhay. Bumalik ako sa pwesto ko kanina sa pader at niyakap ang bata. " Mukhang tayo lang dalawa ang magkakasama ah" napangiti ako sa inosente nitong mukha habang natutulog. Tumingin ako sa langit at humingi ng gabay sa nasa itaas at sa pamilya ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
130.5K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.0K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.8K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.5K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook