Chapter 7 Tila huminto ang mundo ni Megan sa mismong sandaling nagdikit ang mga labi nila ni Marky. Nanlaki ang mga mata niya, ni hindi siya makakilos. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito sa kanyang dibdib, pinaghalong gulat, kaba, at hindi maipaliwanag na init na unti-unting dumadaloy sa bawat himaymay niya. So, ito pala ang first kiss. Ganito pala ka-magical. Iyon agad ang pumasok sa isip ni Megan. Hindi ganito ang hiraya niya. Hindi ganito ang pinangarap niyang 'unang halik'. Walang dahan-dahang paglapit, walang paalam, walang pagkakataong magdesisyon. Ninakaw iyon sa kanya ni Marky nang biglaan, marahas, at puno ng emosyon na hindi niya kayang labanan. At kahit gusto niyang itulak si Marky… hindi niya magawa. Napakapit siya sa braso nito, sa batok, hindi magkamayaw ang kamay

