Chapter 5
“Do you love me, Megan?”
Hindi agad nakasagot si Megan sa tanong ni Marky.
Para siyang nananaginip. Ah hindi… never in her wildest dreams na magko-confess ang kababata niya ng ganito. Nakapako ang tingin niya kay Marky, sa mga matang kanina lang ay pamilyar, maamo, pero ngayon ay may kakaibang diin na tila hindi niya na kilala kung sino. Ibang iba ang Marky na kaharap niya ngayon.
“Marky… nasasaktan mo na ’ko,” mahinang sabi niya. Pilit na binabawi ang pulsuhan mula sa pagkakahawak nito.
“Hindi mo pa sinasagot,” sambit ng binata. “Simple lang naman, Megan. Oo o hindi.”
Napaatras si Megan. Paano niya sasagutin si Marky sa tanong nito?
“Megan… matagal na kitang gusto. Simula ng mga bata pa tayo.”
Biglang nagbalik sa isip niya ang lahat ng alaala nila, ‘yung simpleng tawanan, yung asaran, yung pagiging komportable nila sa isa't. Paano naging ganito? Kailan nagbago? O siya lang ba ang hindi nakapansin? Ganito ba siya kamanhid?
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Dahil kung totoo ito… baka magbago na ang lahat at hindi na maibabalik sa dati. They are best of friends. It's what they are supposed to be — best friends.
Natahimik si Megan. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag nang hindi siya makakasakit.
Sa gilid ng paningin niya ay naroon pa rin si Adrian. Hindi gumagalaw pero hindi rin umaalis. Tahimik na saksi sa eksenang hindi niya dapat nasasaksihan o baka, eksaktong siya ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Planado ba ito ni Marky?
“You can't answer,” muling sambit ni Marky, mas mahina na ngayon. “Kasi may iba na, is that it?”
“Maybe that answers your question,” sabat ni Adrian.
Ayaw sanang pansinin ni Marky ang lalaking panira sa confession niya kay Megan pero hindi niya napigilan ang sarili na mapalingon kahit sandali lang kay Adrian.
Napapikit si Marky sandali, saka napailing na parang may tuluyang nabasag sa loob niya. “Yeah, got it, Meg.” Malinaw naman na tinanggihan siya ng kababata.
Bago pa makapagsalita si Megan, tinalikuran na siya nito. Mabigat ang bawat hakbang, kasing bigat ng damdamin niya na hindi sagutin ang tanong nito sa gusto sanang marinig ni Marky.
“You don't have to answer him,” biglang sabi ni Adrian na nasa tabi ng hagdan, pababa ng rooftop.
Akala ni Megan ay naiwan na siyang mag-isa, hindi pala. Napalingon siya sa kinaroroonan nito. Naroon pa rin si Adrian, nakasandal, pero ngayon ay diretso na ang tingin sa kanya. Kanina pa pala piping saksi si Adrian sa eksena nila ni Marky kanina.
“The heart isn’t something you rush. It finds its way on its own,” dagdag pa nito at hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita, bumaba na ito ng rooftop. Wala na rin naman siyang sasabihin kay Adrian. Nauumid pa ang kanyang dila at naglalakbay pa sa kawalan ang kanyang isip.
At tuluyan nang naiwan si Megan sa rooftop na mag isa. Iniisip pa rin kung anong nangyari. Nakakabigla. Nakakagulat. Hindi niya inaasahan ang confession na ‘yon. Pero isa lang ang malinaw, nasasaktan siya para kay Marky.
It must be heartbreaking for Marky, being rejected like that, especially in front of another man. She feels sorry for her best friend.
Natahimik si Megan. Ilang minuto pa siyang nanatili sa rooftop, nagmumuni-muni. Nakalapat ang noo sa wife fence habang pinagmamasdan ang ground ng university.
Hanggang sa natanaw niya sa parking lot ang kotse ni Marky. Napaigtad siya at dali daling bumaba para puntahan ang nakaparadang sasakyan.
Halos mahulog siya sa hagdan para sa pagtatarang na marating agad ang parking lot. Hingal na hingal siya sa pagtakbo nang marating ang kotse ni Marky.
Bumukas ang pinto ng driver's seat at gaya ng inaasahan niya, lumabas si Marky, umikot para pagbuksan siya sa passenger's seat. Hingal kabayo si Megan, napa- tungkod pa ng mga palad sa magkabila niyang tuhod.
Gaya ng inaasahan ni Megan, naghihintay si Marky. Kahit ano pang mangyari, maghihintay at maghihintay si Marky para sa kanya.
“Pasok na, uwi na tayo,” simpleng sabi ni Marky, ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Nahihiya man si Megan, pero anong magagawa niya, pareho silang iisang bahay na inuuwian. Gustuhin man niyang umuwi mag-isa, hindi niya alam kung paano. Ni hindi nga siya marunong tumawid. She has always had a poor sense of direction.
Nang nakapasok na sila sa kotse, handa na sanang buhayin ni Marky ang makina nang hinawakan niya ang kamay nito.
“Mark… sorry —”
“Don't be, Meg. I don't need your pity,” madiin na sabi ni Marky. Marahil masakit talaga sa kalooban nito ang nangyari kanina, sa harap pa mismo ni Adrian.
“Hindi naman sa naawa ako. Sana lang hindi mo ‘ko binigla. Sana man lang, naghinay-hinay ka. Tignan mo ngayon, ang awkward na. Dapat masaya tayong uuwi ngayon—”
“Exactly, Meg,” sabat ni Marky. “Imagine the courage I had to muster just to confess… I risked our childhood friendship, ‘yung memories natin, everything we had…”
“Nabigla lang talaga ako. Hindi ko naman kasi inaasahan—”
“It's ok, Meg. Malinaw na, wala ka talagang pakialam sa feelings ko.”
Natahimik si Megan, napagtanto niyang tama si Marky.
“Pasensya na, Mark… paano ba ako makakabawi. Alam mo naman na hindi ako sanay na may misunderstanding tayo—”
Biglang tumigil si Megan sa pagsasalita at napansin ni Marky na may sinusundan ng tingin si Megan sa labas kaya ito napahinto. Pagtingin niya sa sinusulyapan nito… walang iba kundi si Adrian. Batid ni Marky na isang malaking distraction si Adrian kay Megan. Ito ang kinasasama niya ng loob, o baka mas tamang sabihin ay pinagseselosan niya.
Nang magtama ang tingin ni Megan at Adrian, dito na sumidhi ang selos na nararamdaman ni Marky. Hanggang sa biglang hinawakan ni Marky ang panga ni Megan at hinila ito palapit. Bago pa makareklamo si Megan ay siniil niya ito ng halik.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .