Chapter 4

1393 Words
Chapter 4 Bakit? Hindi alam ni Megan kung paano ipapaliwanag ang kakaibang nararamdaman dahil lang sa simpleng pagtama ng tingin nila ni Adrian. Hindi naman sila close. Lalong hindi sila magkakilala dahil kahapon lang sila nagkita. Pero bakit may kakaibang tensyon sa pagitan nila. O baka feeling lang niya? Dahil ba ito sa hindi magandang first meet nila kahapon sa mall? O ayaw lang niyang aminin pero na crush at first sight siya kay Adrian? Hindi naman kasi makakaila kung gaano ito ka-gwapo at isa pa, si Adrian ang nakabreak ng record niyang 99%. “Hey, Meg?” tawag ni Marky na bahagyang nakakunot ang noo. “Are you ok?” Napaigtad si Megan at mabilis na umiwas ng tingin. “Ha? Oo… oo naman.” “Remember, huwag kang papa-distract.” Buti na lang at malapit ng mag-green ang ilaw ng stoplight. Aandar na sana ang sasakyan nang biglang may kumatok sa bintana sa side ni Marky. “Markyyyy!” malakas na sigaw ni Dolly, nakangiti na parang may balak. Napailing si Megan, si Dolly na naman. At syempre, si Marky bilang mabait na tao, binaba niya ang bintana. “Yes po?” “Pasabay!” walang kaabog-abog na sabi ni Dolly. “Ang init-init, oh! Kawawa naman kami. Please?” “‘Kami’?” ulit ni Marky, sabay sulyap kay Adrian na tahimik lang na nakatayo sa likod. Binuksan naman niya ang pinto ng kotse sa pakiusap na rin ni Dolly. Mainit kasi talaga at hindi naman perwisyo ang magsakay ng dalawa. “Oo, kami,” sagot ni Dolly, sabay hila sa braso ni Adrian. “Halika na, Adrian!” “It’s ok, Miss. Malapit na ‘yung campus—” “Walang it’s ok, it’s ok! Sumakay ka na,” pilit ni Dolly sabay bukas ng backseat door. Napatingin si Megan sa side mirror. At sa sandaling iyon, nagtagpo ulit ang mga mata nila ni Adrian. Mas malapit na ngayon. Mas tanaw niya na kung gaano ito kagwapo. At parang ang bango-bango kahit na sa katirikan ng araw ay hindi man lang pinagpawisan. Makinis pa rin at mukhang fresh. “Come in, come in, ma’am and sir,” sabi ni Marky na masiyahin. Sumakay si Dolly sa likod, hila-hila si Adrian na halatang labag sa kalooban pero wala namang magawa kundi ang sumunod. “Sorry, Megan ha, sobrang init lang talaga. Alas siyete pa lang pero parang pang impyerno na ang init,” sabi ni Dolly. Napangiti si Megan, pero mabilis din iyong nawala nang mapansin niyang si Adrian ay sandaling tumingin sa kanya mula sa likod. “Okay lang,” sagot niya, pilit na mag tunog natural ang boses kahit na hindi siya mapakali sa presensya ni Adrian. “No problem.” Umandar na ulit ang sasakyan. Tahimik sa loob, maliban sa walang tigil na kwento ni Dolly. Ang daldal nito tila hindi nauubusan ng kwento. “Grabe, umaga pa lang, papasok ka pa lang sa school mukhang mandirigma ka na. Ang hirap talagang maging mahirap. Kaya sobrang swerte mo talaga, Megan.” “Ay hindi naman,” sagot ni Megan. “Ang humble mo talaga. Grabe, ikaw na.” Napangiti ng pilit si Megan. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi siya ganu'n ka-swerte gaya ng inaakala ng lahat. “Uy, biglang tumahimik. May dumaan na angel,” sabi ni Dolly nang napuno ng katahimikan sa loob ng kotse. “Magkasabay pala kayo ni Adrian. Mag boyfriend ba kayo?” tanong ni Marky. “Uy grabe hindi naman,” agad na sagot ni Dolly na may paghampas pa kay Adrian na parang kinikilig. “Hindi pa.” Napatingin si Adrian kay Dolly, ‘yung tingin na seryoso lang na parang hindi nakikipagbiruan– poker face. “Charot lang. Seryoso niyo naman. Sobrang jackpot ko naman kung magka-boyfriend ako ng ganito ka-gwapo.” Humalakhak si Dolly. “So, you mean, nagkasalubong lang kayo sa daan kanina?” tanong ni Marky na nakatingin kay Adrian sa rearview mirror. “Diyan lang naman ako nakatira sa boarding house,” biglang singit ni Adrian, kalmado ang boses. “Kaya naglalakad lang ako.” Hindi na nakisali si Megan sa usapan. Tahimik lang siya. At natatanaw na rin ang malawak na parking lot ng campus. At bago pa sila bumaba ng kotse ay napatingin muli si Megan sa rearview mirror. At muli, nagtama na naman ang tingin nila ni Adrian. Napayuko na lang siya, hindi malaman ang gagawin. Hindi na ito nagkataon lang dahil maka-ilang beses na silang nagsusulyapan sa rearview mirror. Napansin iyon ni Marky. Nagsalubong ang kilay niya. Humigpit ang hawak niya sa manibela. “Mainit ba?” bigla niyang tanong, medyo malamig ang tono. Napatingin si Megan. “Ha? Hindi naman—” Tinaasan ni Marky ang lamig ng aircon. “Baka kasi naiinitan ka,” dagdag niya. “Bababa na tayo eh, ngayon mo pa naisipan lakasan ‘yung aircon,” sabi ni Megan. “Sorry po, Ma’am–” “Marky!” hiyaw ni Megan. Iyan na naman ang kababata, nagmumukha na naman siyang senyorita dahil sa pagtrato at tawag sa kanya ni Marky. “Tayo na. Baka ma-late tayo sa klase,” yaya ni marky matapos i-park ang kotse. Para matahimik na rin si Megan. Pagbaba nilang apat sa kotse, paulit-ulit na nagpasalamat si Dolly kina Megan at Marky. Hinila niya pa ang braso ni Megan para sabay silang maglakad papuntang classroom nila. Habang sila Marky at Adrian ay naiwan sa tapat ng kotse tila seryosong nag-uusap. Kapwa matalim ang mga tingin, parang may pinagtatalunang hindi basta-basta. Nakaka-curious. Hindi pa rin maalis sa isip ni Megan ang eksenang nasaksihan niya kaninang umaga. Buong klase ay gumugulo ito sa isipan niya. Lalo pa at napapagitnaan siya nina Marky at Adrian sa seating arrangement. At mas lalong hindi niya nagustuhan na kahit anong pilit niya kay Marky na sabihin kung anong pinag-usapan nila ni Adrian ay hindi ito sumasagot. Kaya pagkatapos ng klase, niyaya siya ni Marky sa rooftop at agad siyang pumayag. Walang tao sa paligid, sabik kasi ang lahat sa pag-uwi. Mahangin at tahimik sa rooftop, masarap mag-usap. “Gusto mo talagang malaman kung ano pinag-usapan namin?” Napatingin si Megan sa kanya. May kakaiba sa tono ni Marky. Masyadong seryoso, nakakakaba. “Tungkol saan ba, Marky?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi agad sumagot si Marky. Sa halip ay bahagya itong lumingon sa gilid. Pagtingin ni Megan sa direksyon ng tinitignan ni Marky… Naroon si Adrian na ilang metro lang ang layo, nakasandal sa pader, tahimik pero nakamasid sa kanila. Ibinalik ni Megan ang tingin kay Marky waring nagtatanong. Gulong-gulo siya. Anong meron? “Agoy naman, Marky! Sabihin mo na kasi, puro paligoy-ligoy!” “I warned him,” agad na sagot ni Marky. Napakunot ang noo ni Megan. “Ano’ng, warning… Marky, prank mo na naman ba ’to—” Natigilan si Megan, napagtanto niyang hindi nagbibiro si Marky. “I told him to back off.” Nanlaki ang mga mata ni Megan. Bago pa siya makapagsalita, hinawakan ni Marky ang pulsuhan niya ng mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan. At ang sumunod na sinabi nito ay lalong nagpahinto sa buong sistema niya. “Sinabi kong binabakuran kita. Kaya keep his distance.” “Marky… bitawan mo ’ko,” kinakabahang sabi ni Megan. Pero hindi siya pinakawalan nito. Sa sandaling iyon, hindi na niya kilala ang lalaking nasa harap niya. Is he confessing to her? “Prank lang ‘to ‘di ba? Goodness, Marky. You can prank me all you want, pero huwag naman gaya nito na pinaglalaruan mo ang feelings ko!’ “Kung hindi ka pa rin naniniwala…” bulong ni Marky, saka yumuko, unti-unting inilalapit ang mukha kay Megan. Napatigil si Megan. Ramdam niya ang tingin ni Adrian sa gilid, alam niyang nakamasid pa rin ito. “Marky, wait—” Pero huli na. Sa sobrang gulat at tensyon ay kumilos si Megan nang hindi nag-iisip. Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Marky. Unti-unting ibinaba ni Megan ang nanginginig niyang kamay, hindi makapaniwala sa ginawa niya. “Please, Marky… Huwag kang mag-biro ng ganito—” Lalong hinigpitan ni Marky ang kapit niya sa pulsuhan ni Megan at hindi pa nakuntento ay sinukbit ang bisig niya sa bewang nito upang hindi makawala sa kanyang pagkakabihag. “Do you love me, Megan?” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD