Simula
"CALA,PROCEED to my office now." after hearing that she immediately proceed to her boss' office which beside her office.
Cala is working under Jimenez Empire as a secretary of the CEO. Nang mag-apply s'ya ay hindi n'ya inaasahang matatanggap s'ya bilang sekretarya ng CEO ng kumpanya,Senior High School graduate lang kase s'ya. Hindi na s'ya nakayang pagaaralin ng magulang n'ya dahil sa hirap.
Magsasaka ang ikinabubuhay ng ama n'ya samantalang lavandera naman ang nanay n'ya. Maliit lang ang kinikita ng tatay n'ya sa sakahan at ganon din ang nanay n'ya.
Kaya sa edad na labing-walo ay nagdesisyon s'yang huminto ng pag-aaral at maghanap ng trabaho.
S'ya ang panganay sa apat na magkakapatid kaya gustuhin n'ya mang kumuha ng kursong medisina ay wala s'yang nagawa kundi ang tulungan ang magulang n'ya sa pagpapaaral sa tatlo n'yang kapatid.
Nasa ika-apat na taon na ng high school ang pangalawa n'yang kapatid at nasa elementarya naman ang dalawang bunso.
"Yes,Sir do you need something?" saad n'ya nang makapasok s'ya sa opisina ng boss n'ya.
Kita n'ya ang pag-alon ng adams apple ng boss n'ya na para bang lumunok ito ng isang buong kanin.
"Ahh a-ano..." nauutal na saad nito.
"Sir?"
"Can you make me a coffee?" he asked.
"Sure Sir." saad n'ya saka tumalikod upang gawin ang ipinaguutos nito.