KELAI’S POV
Isang katok sa may pinto ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Pero mas nakakarindi at mas nakaka-intriga ang katok sa pintuan ng tinutuluyan ko kaya pinilit kong bumangon. Mimikat mikat akong naglakad patungo sa may pinto.
Pagbukas ko ng pintuan ay literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ryan na nakangiti sa akin.
“Ryan, anong ginagawa mo dito?” naguguluhan kong tanong.
Naglakad papasok si Ryan sa tinutuluyan ko. May bitbit siyang mga isang plastic ng pagkain at dalawang cup ng kape.
“Tinulugan mo ako kagabi sa sobrang kalasingan mo kaya paniguradong may hang-over ka,” seryosong sagot niya sa akin.
Napaisip naman ako sa nangyari kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay ang sumuka ako sa CR then after no’n ay wala na. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa bed ko at kung paano ko nalinis ang pinag-inuman naming dalawa. Iyon ay kung ako nga ba ang naglinis.
“I’m sorry,” hinging paumanhin ko.
Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Ryan dahil ang lakas kong mag-aya sa kaniya ng inuman tapos tutulugan ko lang pala siya. Hindi ko tuloy alam kung ano pang dapat sabihin sa kaniya para maibsan itong hiyang nararamdaman ko.
“Okay lang. Expected ko na rin naman iyon,” nakangiting sabi niya sa akin.
Iniabot niya sa akin ang isang cup na may lamang kape. Agad ko namang tinanggap iyon at saka umupo sa may dining. Umupo na rin siya at binuklat ang pagkaing dala niya.
“Pero hindi ka na dapat nag-abala pang puntahan ako ngayon. I mean, off mo so dapat nagpapahinga ka sa inyo,” nahihiya kong sabi sa kaniya.
“Marunong akong lasingin ka so dapat marunong din akong alisin ang hang-over mo,” seryosong sabi pa niya.
Natigil ako sa aktong paghigop ng kape dahil sa narinig. Nakailang kurap pa ako habang pina-process ang sinabi ni Ryan. Mas lalo na akong natameme at lalong hindi ko na alam kung anong sasabihin. Hindi ko rin alam kung talaga bang gentleman siya o ginagawa niya lang ito dahil babago pa lang kami sa chill relationship na sinasabi niya.
“Kumain ka na para mawala ang sakit ng ulo mo, inumin mo pati ‘yang kape mo,” utos niya sa akin.
Napatango na lang ako dahil hindi ko na talaga magawang makapagsalita. Sinimulan ko nang kumain at ganoon din siya. Ang aga niya rin sigurong gumising para mabilhan ako ng almusal.
“Okay ba?” tanong pa niya sa akin.
“Ang alin?” nalilito ko namang sagot.
“Iyang luto ko,” nakangiti niyang sagot.
Literal na nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw ang nagluto nito?”
“Yes, hindi ba masarap?”
“Masarap, ano ka ba? Hindi ko lang in-expect kasi akala ko binili mo lang ito,” agad kong sagot.
Totoong masarap ang pagkain kaya nga akala ko ay binili niya pa ito. Iyon pala ay siya pa ang nagluto kaya mas lalo kong na-appreciate ang effort niya.
“Mabuti naman at nagustuhan mo,” nakangiting sabi naman niya.
“Thank you Ryan. Nag-abala ka pa talaga,” nahihiyang sabi ko naman.
“So pwede ka nang sumama sa akin para i-enjoy ang off natin?” tanong naman niya.
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ibinaba ko ang kapeng hawak ko at sumandal ako sa inuupuan ko. “So iyon pala ‘yon?”
“Bakit? Magde-date lang naman tayo,” deretsong sabi naman niya.
Napabuga ako ng hangin. Casual na casual lang sa kaniya ang mga ganitong salitaan. Ganito ba talaga kapag wala sa seryosohang relasyon?
“Huwag ka nang magulat. Ganito talaga ako ka-straight forward,” dugtong na sabi pa niya.
Napatango na lang ako. “Paano ba mag-date?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
Napatigil naman sa pagkain si Ryan at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Wait. Don’t tell me hindi ka pa nakikipag-date?”
Dahan-dahan naman akong umiling. “Hindi ko rin alam,” natatawang sabi ko na lang.
“Never ba kayong kumain sa labas ni Francis?” curious na tanong niya sa akin.
Napaisip naman ako. “Kumakain naman kapag tinatamad na akong magluto,” sagot ko naman.
“Lived in nga pala kayo dati ‘no? Paano niyo sine-celebrate ang monthsary at anniversary niyo?”
Bahagya akong napangiti. “Well, wala kaming monthsary at anniversary.”
Narinig ko ang tunog ng kutsara sa pinggan ni Ryan kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero nakakuyom ang mga kamao niya.
“Paanong wala kayo no’n?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Magtutuloy-tuloy na yata ang pagkukwento ko sa kaniya ngayong araw. “Dahil nalaman ko na sinadya niyang pasagutin ako sa katulad na date ng monthsary nila ng totoong girlfriend niya. Kaya nang malaman ko ‘yon, sinabi ko sa kaniya na kakalimutan ko ang date na sinagot ko siya. Ginawa niya yata iyon para hindi siya malito sa monthsary niya sa akin at sa monthsary ng girlfriend niya,” casual na pagkukwento ko.
“Grabe, kailan mo nalaman iyon?” tanong pa niya.
“Bago pa man kami mag-first monthsary,” maikling sagot ko.
Uminom ng tubig si Ryan at bahagyang napailing. “Grabe ka rin. Nakapag-stay ka sa kaniya kahit noong una pa lang ay nalaman mong niloloko ka niya,” hindi makapaniwalang komento ni Ryan.
“T*nga e,” tatawa-tawa kong sabi.
Kung mahal na mahal ko pa rin si Francis, paniguradong umiiyak na ako ngayon habang kinukwento ko ang mga kag*guhan niya. Pero natutuwa ako dahil nagagawa ko na lang tawanan ang lahat ng kat*angahan ko noon.
“So never ka rin niyang niyaya na makipag-date? Kahit kapag valentines or pasko?”
Muli akong umiling. “No. Ni hindi ko nga maalala kung binigyan niya ba ako ng bulaklak o chocolates e.”
Napahawak sa noo niya si Ryan. “Grabe. Hindi ko kinakaya ang way ng pagtrato sa ‘yo ni Francis. Ako kasi kahit dalawa ang babae ko, hindi ako nagkukulang sa kanila pagdating sa mga ganiyang bagay.”
Bahagya akong napatawa. “Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit minahal ko ang lalaking iyon.”
“Iba ka nga pala talagang magmahal ‘no,” hindi makapaniwalang sabi naman niya.
“Ang unfair lang dahil hindi ko nakuha ang pagmamahal na deserve ko. Pero at least, nakalaya na ako sa kaniya. I’m free from pain,” nakangiting sabi ko naman.
“Don’t worry. Ipaparamdam ko sa ‘yo ang mga bagay na ipinagkait sa ‘yo ni Francis. Leave it to me,” nakangiting sabi naman niya sa akin.
Napatawa naman ako at humigop muna ng kape bago magsalita. “Well, nagawa mo na ang isa, ang ipagluto ako.”
“Ano? Hindi ka rin niya ipinagluluto?” gulat na tanong pa niya sa akin.
“Oo, ako lagi ang nagluluto kasi pagod daw siya kapag out na namin. Alam mo naman sa operation siya, e ako naman daw sa opisina lang,” sagot ko naman.
“Lame excuse. Mas mahirap kaya sa opisina kasi utak mo ang pagod. Mas nakaka-drain ng energy iyon.”
Napatitig ako kay Ryan. Sa ilang taon ko kasing nagtatrabaho dito ay ngayon lang ako nakakilala ng taong naiintindihan ang hirap ng trabaho sa opisina. Halos lahat kasi ng katrabaho ko na nasa operation ay naiinggit sa akin dahil sarap buhay daw ako sa loob ng opisina ko. Ang hindi nila alam ay pagod na pagod ako lagi dahil sa tadtad ng reports at deadlines.
“Nakapagtrabaho ka na ba sa opisina?” curious na tanong ko.
“Hindi pa. Bakit?” balik tanong naman niya.
“Wala naman. Kasi parang alam na alam mo ang trabaho sa mga opisina,” sagot ko naman.
Ngumiti sa akin si Ryan. “Nakikita ko kasi sa ‘yo iyon kada uwian. Halata sa mga mata mo ang pagod.”
Awtomatikong tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Paano mo naman iyon nakikita?”
Tumingin ng deretso sa akin si Ryan at saka bahagyang ngumiti. “Malamang kasi pinagmamasdan kita.”
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil bukod sa sinabi niya ay ang gwapo pa niya nang ngumiti siya. Natameme na naman tuloy ako at hindi ko na naman alam kung anong isasagot sa kaniya.
Jusmiyo! Paano ba ang chill relationship na ito kung ganito ang mga sinasabi niya sa akin?