CHAPTER 1
KELAI'S POV
4:30 am nang maalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Padabog ko itong kinuha at agad na pinatay ang alarm. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. I checked my messages on my messenger.
Pagkatapos kong mabasa ang mga messages ko at mareplayan ang mga dapat replayan ay itinabi ko na ang cellphone ko at pumikit muli. I'm still sleepy dahil late na naman akong natulog kagabi. Araw-araw na lang ganito ang routine ko. Gigising ng maaga, maliligo, papasok sa trabaho, after ng duty, uuwi, magpapahinga at matutulog.
It's hard being an OFW. Nagpapakapagod ako sa trabaho para sa ikakabuti ng bansang pinagtatrabahuhan ko at nagsisilbi sa mga hindi ko naman kalahi. Pero wala naman kasi akong choice. Itong trabahong ito ang kayang sumuporta sa pamilya ko na nasa Pilipinas.
I am Kelai Maghirang, an OFW in Abu Dhabi, United Arab Emirates for almost three years. I am currently working as an inventory clerk in one of the famous restaurants here in Abu Dhabi.
Tumingin ulit ako sa orasan ng cellphone ko. Mayroon pa akong kalahating oras para maligo at magbihis. 5:15 ng umaga kasi ang pick-up time ng service dito sa accommodation ko. 45 minutes naman ang biyahe mula dito papunta sa restaurant.
Mabilis lang naman akong makakapaghanda sa pagpasok dahil hindi ako nag-aayos. Hindi ako nagmemake-up or lipstick kaya sapat na sa akin ang kalahating oras ng paghahanda.
5:13 nang magpasya akong bumaba na at pumunta sa bus stop. Malapit lang naman kasi ang building ng tinutuluyan ko sa bus stop. Nasa unang palapag lang din ang kwarto ko kaya mabilis lang akong nakakababa.
Pagkarating ko sa bus stop ay sakto ring dumating na ang service cab na maghahatid sa akin sa resto.Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng cab ay isang maingay na mga katrabaho ko ang bumungad sa akin. Iba-ibang nationalities ang mga katrabaho ko. Most of them are Filipinos, some are Indians and Nepali. Sobrang ingay nila kaya nilagay ko na lang ang earphones ko sa tainga ko. Binuksan ko ang music ko at pinatugtog ang paborito kong kanta na halos araw-araw ay naririnig ko.
"Bago na raw ang Head Chef natin." Narinig kong sabi ni Carla. Pilipina rin siya at apat na taon na dito sa Abu Dhabi.
Kahit naka-earphone ako ay naririnig ko pa rin ang mga usapan sa loob ng cab. Hindi ko kasi tinotodo ang volume ng music ko para aware pa rin ako sa paligid ko. At halos lahat sila ay ang bagong Head Chef ang pinag-uusapan. Pilipino rin ang bago naming Head Chef na pang-ilan na rin ata ngayong taong ito. Wala kasing nagtatagal na Head Chef sa amin for some unknown reasons. Pero sabagay, wala naman kasi talagang nagtatagal. Walang permante sa mundo ika nga.
Balak ko pa naman sanang matulog dahil mahaba haba pa naman ang biyahe pero sobrang ingay sa loob ng cab. Wala silang ibang topic kundi ang baong Head Chef namin na hindi ko pa man nakikita o nakikilala. Lahat sila ay curious sa itsura nito at sa kakayahan nitong magluto.
And because of what I heard, I can already imagine what he might looks like and what kind of person he is. I don't know why suddenly this new guy catch my attention. It's like I don't care but my curiousity keeps on telling me that I need to know who's this guy. Weird.
"Bukas pa naman daw papasok 'yong bagong Head Chef."
Great! I have 24 hours to think about this newbie. I should kill this curiousity of mine or else this curiousity will kill me. Maybe I should see this guy and that's it. Lilipas din ito.
KINABUKASAN
"Kelai, bakit parang puyat ka? Nagtatakang tanong ni Maya pagkasakay ko ng service cab.
Ngiti lang ang isinagot ko dahil antok na antok pa rin ako. This curiousity really kills me. Hindi ako nito pinatulog kaya heto, dinaig ko pa ang mga nagtatrabaho ng night shift. Kaya kailangan ko na talagang makita at makilala ang bagong Head Chef para mawala na ang kuryosidad sa sistema ko. Kahit na antok na antok ay maaa pa rin akong bumangon at naghanda sa pagpasok. Hindi ako excited na makilala kung sino man siya. Kailangan ko lang siyang makita at makilala para mawala na ang kuryosidad ko. 'Yon lang.
Pagkarating sa resto ay agad akong bumaba ng cab at katulad ng sinabi ko kanina, hindi ako excited. Pero nadismaya ako dahil wala pang tao sa resto maliban sa amin na kararating lang. At doon ko lang narealize na hindi pala namin kasabay sa cab ang bagong Head Chef.
"Akala ko ba papasok na ang bago nating Head Chef?" Narinig kong tanong ng katrabaho ko.
That question really caught my attention, waiting for someone to answer. Pero wala man lang akong narinig na sumagot ng tanong na iyon. Pinagmasdan ko ang paligid ko at lahat ng tao ay busy na sa kani-kanilang ginagawa.
Pumunta na lang ako sa opisina ko which is nasa taas lang ng restaurant. Pabagsak akong umupo sa swivel chair at tumitig lang sa monitor ng PC ko. Hindi ko pa man nakikita ang bagong Head Chef ay masyado na niya akong pinahihirapan. Should I punish him for ruining my day?
Suddenly, a loud ring from my telephone interrupted my deep thinking.
"Inventory department, good morning!" I greeted as a I answer the call.
"Proceed to the lobby, we have a short meeting."
My heart suddenly beats fast. May short meeting daw so meaning ipapakilala na ang bagong Head Chef. Bibihira lang kasi silang magpatawag ng ganitong meeting.
My hands started shaking and I feel my sweat on my forehead. Nagkakaganito ako kapag masyado na akong natetense. Ipapakilala lang naman ang bagong Head Chef. Dinaig ko pa ang iinterview-hin ng mismong may-ari ng restaurant.
Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili bago magpasyang bumaba. Lahat ng mga empleyado ay nasa baba na. Nakabilog sila at nasa gitna ang manager namin. Nakatalikod sila sa pwesto ko dahil doon sila nakaharap sa kabila. Beside our manager is the another guy, maybe the new Head Chef.
"Ano bang mayroon?" I heard my ex asking one of our workmates. I know he's at my back and since nasa likod ako ng manager, I decided to go in front of them. For sure my ex noticed that but the hell I care.
"Okay guys, good morning!" Panimulang sabi ng manager.
Hindi na ako nag-abalang tumingin sa mga taong nasa harap ko. I just look down while my manager is speaking.
I was looking forward to see this new guy and when I have the opportunity, it's like my eyes are saying to don't look. I am really weird. Maybe I should go to a psychiatrist?
"I want to introduce to you our new Head Chef, Mr. Ryan delos Reyes."
Okay! That's it. I need to see this guy named Ryan. Kapag ginawa ko ito, paniguradong mawawala na ang kuryosidad ko. I bravely look at the new guy. And the moment I laid my eyes on him, it's too late to realized that it will change my life, forever.