KELAI'S POV
"Good morning Kelai!" Iyan ang bumungad sa akin pagkasakay ko ng service cab. Nginitian ko si Maya and mouthed "Good morning".
Umupo ako sa usual na upuan ko dito sa service cab. I plugged in my earphone and turned on my music. I didn't bother to look inside the cab. Hindi na ako nag-abalang isa-isahin kung sino ang mga nakasakay. I didn't dare to look if the new Head Chef is here or not.
Hindi na naman kasi niya ako pinatulog kagabi. Well, hindi naman niya kasalanan iyon pero siya pa rin ang dahilan kung bakit puyat ako. Medyo nakokonsensya kasi ako dahil ako lang ang hindi nagpakilala at bumati sa kaniya kahapon. Lahat ng mga katrabaho namin ay winelcome siya kahapon. Napaisip tuloy ako kung naging rude ba ako sa kaniya. Pero ganoon naman kasi talaga ako. I'm a silent type of person, loner, introvert or whatever you may call it. And what bothers me is why I feel so guilty for not introducing myself with this guy? When did I start to care about my attitude towards others?
And here I am again. I am acting weird lately and it's not good, I think.
Naputol ang pag-iisip ko nang tumigil ang service cab sa next bus stop. Sa pagkakaalala ko kasi ay ako na ang huling pinipick up ng service namin. Sa pagkataka ko ay hindi ko napigilang tumingin sa taong pasakay ng cab. I cleared my throat and looked away. Wala na kasing bakanteng upuan kundi ang sa tabi ko. Two-seated kasi ang service cab namin, it's look likes a mini bus. At sa lahat ng pagkakataon ay walang nagtatangkang tumabi sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Pero ngayon ay makakatabi ko ang bagong sakay ng service cab dahil wala na siyang choice.
Sa lahat ng pwedeng makatabi ay bakit ang bagong Head Chef pa. My heart started to beat fast again especially when I smell his perfume. It's very manly and well, very attractive. It feels like its hypnotizing my nostrils. I even close my eyes while mesmerizing his scent. Hindi ako mahilig sa mga pabango ng mga lalaki pero nang maamoy ko ang pabango niya ay parang naaadik ako. Kahit araw-araw ko yatang maamoy ang pabango niya ay hindi ako magsasawa.
Nasagip ako sa pagkalunod sa amoy ng katabi ko nang biglang nagpreno ang driver ng service cab namin. Mabuti na lang at nakakapit ako kaagad kaya hindi ako nauntog sa upuang nasa unahan ko.
"What happened Ali?" Halos pagalit na tanong ni Maya sa driver namin na isang Pakistani.
"Shuhada, that car, the driver not good." Sagot naman ni Ali. Naiintindihan namin ang kaniyang English dahil matagal na rin namin siyang nakakasama. Hindi siya ganoon ka-fluent sa pagsasalita ng English pero nakakaya niyang makipag-usap sa amin.
Hindi na nagsalita pa si Maya at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa. Napailing na lang ako at ipinikit ang mga mata ko. Magkukunwari na lang akong tulog upang hindi ako pansinin o kausapin ng katabi ko. Pero sabagay, bakit naman niya ako kakausapin? Baka nga hindi niya napansin na may katabi pala siya. Mas mabuti pa sigurong totohanin ko na lang ang pagtutulug-tulugan ko.
Five minutes passed, gising na gising pa rin ang diwa ko. Tumingin na lang akonsa bintana para tingnan kung malapit na ba kami. Malayo pa rin kami sa resto.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa katabi ko. May earphone rin siya at mapayapang natutulog. Great! Ang sarap ng tulog niya habang ako, dalawang gabi nang hindi makatulog dahil sa kaniya.
I look closely to his physical features. He has this pointed nose, short eyelashes and pinkish thin lips. Maayos din ang buhok niya and I think bagong gupit din siya. I smell once again his perfume. Nakakaadik talaga ang bango niya. Hindi ito ganoon katapang kaya hindi ito masakit sa ilong. At kung sakali mang makaamoy ako ng ganoong pabango sa ibang tao, paniguradong siya ang maaalala ko.
Biglang nagmulat ng mata ang katabi ko kata agad akong nag-iwas ng tingin. At doon ko lang narealize ang ginawa ko. Lihim kong kinurot ang sarili ko. Hindi pwedeng ganito ang iakto ko sa katabi ko. Hindi maganda ito.
"Kelai, sasama ka ba?" Biglang tanong sa akin ni Maya.
Pinagkakaabalahan pala nila ang pa-swimming ng company. Summer na kasi kaya nagpaplano sila na pumunta sa isang isla dito sa Abu Dhabi. Wala akong planong sumama sa swimming na 'yon. Mas gugustuhin ko pang matulog na lang sa bahay.
"Pag-iisipan ko pa." Maikli kong sagot kay Maya. Knowing her, paniguradong pipilitin niya akong sumama kapag humindi ako.
"Ikaw Ryan?" Baling ni Maya sa katabi ko.
Saglit akong napatingin sa katabi ko na gising na pala. Napaisip tuloy ako kung gising ba siya kanina habang pinagmamasdan ko siya. Nagtanggal siya ng earphone at bahagyang ngumiti kay Maya.
"Ayos lang bang sumama ako?" Nahihiya niyang balik tanong.
"Of course. Mas maganda nga na sumama ka sa amin para mas makilala mo kami at makilala ka namin." Nakangiting sabi ni Maya.
Alam ko na ang mga ngitiang iyon ni Maya. Napailing na lang ako. Hindi na ako magtataka kung isang araw, mabalitaan ko na lang na sila nang dalawa.
"Okay. Sige, sasama ako."
Napaisip akong bigla. Sumama na rin kaya ako? Baka kailangan ko ring mag-unwind at makapagrelax. I mean, masyado na akong nagmumukmok sa bahay. Baka kailangan ko ring lumabas minsan.
Mahina kong tinampal ang noo ko. Ano ba itong pinag-iisip ko? Nababaliw na ba ako?
Marahan akong napatingin sa katabi ko at sinalubong ang tingin niyang puno ng pagtataka. Nakita lang naman kasi niya ang pagtampal ko sa noo ko. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at agad na umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay biglang uminit sa loob ng cab kahit nakabukas naman ang aircon. Sobrang bilis din ng t***k ng puso ko to the point na kinailangan ko pang huminga ng malalim para kumalma. Minsan talaga, hindi ko maitago ang kabaliwan ko at nakakainis dahil siya pa ang nakakita nito. Ano na lang iisipan niya? Na isang baliw si Kelai Maghirang.
Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. Kaya siguro hindi ako pinipili dahil sa kabaliwan ko. At ngayon, humuhugot naman ako.
Baliw ka na nga talaga Kelai!