KELAI'S POV
Nagkakasiyahan na ang mga katrabaho ko dito sa Al Futaisi Island. Napagdesisyunan ko nang sumama sa swimming na ito pero mali pala ang desisyon kong ito. Kasama kasi dito ang ex ko at ang bagong Head Chef ay hindi namin kasama. Last minute ay nagback-out ito dahil may emergency daw. Kung alam ko lang na hindi siya sasama ay hindi na rin sana ako sumama kaso late ko na nalaman. Siya kasi talaga ang dahilan kung bakit ako sumama sa swimming na ito pero wala naman siya.
Wala naman akong balak makipagkaibigan or makipagclose sa kaniya. Wala rin naman akong gusto sa kaniya. Gusto ko lang siyang obserbahan dahil pakiramdam ko ay napakamisteryoso niya.
At dahil nga sa pagka-loner ko ay mas pinili ko na lang na pumunta sa sulok ng pool kung saan walang tao. Hindi kasi talaga ako sanay na makihalubilo sa kanila lalo na sa mga ibang lahi. Baka kasi kapag nakipag-usap sa kanila ay dumugo na lang ang ilong ko kakasalita ng English.
I'm currently playing with the water when I saw my ex approaching me. Aalis na dapat ako ngunit nahawakan niya agad ang kamay ko.
"Kelai, please." Nagmamakaawa niyang sabi sa akin.
My ex tried to win me back since last week. He keeps on texting me. Pinagdadala pa niya ako ng pagkain but the thing is I'm done. Masyado nang masakit ang ginawa niya sa akin to the point na sa sobrang sakit, kusa nang tumigil ang puso ko na mahalin siya. Kung may nararamdaman man ako para sa kaniya, 'yon ay galit na lang.
"Kahit ngayon lang Kelai, ipapaliwanag ko sa'yo lahat then after nito, kung hindi mo pa rin ako matatanggap, titigilan na kita. Ako na mismo ang lalayo sa'yo." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at deretsong tumingin sa kaniya.
Ang tagal kong hinintay ang paliwanag mo Francis. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo akong mag-isip ng mag-isip kung bakit mo ako iniwan. Inisip ko kung may mali ba akong nagawa o may pagkukulang ba ako. Hanggang sa ang mga usapang naririnig ko ang nakasagot ng lahat ng tanong ko. You left me because your ex, no, let me correct it, your real girlfriend is already here in UAE. So naisip ko, oh okay, hindi ako nagkamali o nagkulang, hindi mo lang talaga ako mahal.
"Ikaw ang mahal ko Kelai, kinailangan ko lang ng time. May nakapagsabi kasi sa akin na malalaman ko lang daw kung sino talaga ang mahal ko kapag pareho kayong malayo sa akin. At nang maghiwalay tayo, doon ko narealize na ikaw talaga ang mahal ko."
Dapat masaya na ako ngayon dahil sa mga narinig ko. Dapat yayakapin ko na siya at sasabihing mahal ko rin siya. Maaayos na ang relasyon namin at babalik kami sa dati kung saan masaya kami. Pero hindi. Hindi na ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ko na makita ang sarili ko na magiging masaya pa ako sa kaniya. Everything for us now becomes blurry.
I loved him for about one and a half year. Ganoon ako katagal nagpabulag sa pagmamahal niya. Bago lang ako dito sa UAE nang makilala ko siya. Magkatrabaho kami kaya agad na nagkapalagayan ng loob. But that time, he has a girlfriend in the Philippines. Iiwas na sana ako sa kaniya noon dahil nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Pero sinabi niya sa akin na hihiwalayan na niya ang girlfriend niya. Matagal na raw kasing malabo ang relasyon nila, official break-up lang daw ang kulang.
I trusted his words and later on, sinagot ko siya and we became happy, I guess. Pero hindi rin nagtagal ay nalaman ko na sila pa rin pala ng babae sa Pilipinas at ang mas masakit, sinakto niya akong pasagutin sa date rin mismo ng monthsary nila. Sobra akong nasaktan ng mga panahon na 'yon kaya lumayo ako sa kaniya. But the thing is he keep on pursuing me. Hindi siya tumigil ng pagsuyo sa akin dahil mahal daw niya ako.
For the second time, I trusted him again. Nagkabalikan kami at bumalik sa dati. Pero naulit lang nang naulit hanggang sa tumagal kami ng isa't kalahating taon. At sa loob ng mahabang panahon na 'yon, ilang beses ko ring nalaman na may communication pa rin sila kahit na ilang beses niya ding sinabi na hiwalay na talaga sila at ang masaklap, ilang beses ko rin siyang pinagkatiwalaan.
Maraming beses niya akong sinaktan pero hindi ko siya magawang iwan dahil mahal na mahal ko siya at umaasa akong baka balang araw, ako na ang piliin niya. Baka kapag nagstay ako sa tabi niya, marealize niya na ako talaga ang mahal niya.
But that was never happened. He went on vacation on Philippines for one month and when he came back, everything changed. He became cold to me. Parang bigla na lang na hindi niya ako kilala, ni hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata. That time, ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Baka tapos na 'yong sa amin. Baka nagsawa na siya. Baka okay na sila nang babae sa Pinas, or worst, baka nandito na rin 'yong babae sa UAE. I kept on asking him why and what happened but he didn't give me answers. So I guess it's done, really done.
After a week, doon ko nalaman ang lahat. One of our workmates admitted that his girlfriend was already here in UAE, in Dubai specifically. Nang mga oras na iyon, gumuho ang mundo ko at wala akong ibang maramdaman kundi sakit at galit. Awang-awa ako sa sarili ko noon. Para akong isang damit na pagkatapos gamitin at pagsawaan ay itatapon na lang. Kaya pala ganoon na lamang ang pambabalewala niya sa akin.
That little piece of information answers all my questions so I decided to ignore him completely. I didn't confront him. I just remain silent inspite of all those issues I've heard.
I'm out of his life already. Ayoko nang ipagsiksikan pa ang sarili ko sa kaniya. He made his choice already and that's not me. I just need to accept that since I'm tired of loving him. I'm tired of doing everything just to make him choose me. I'm tired of proving myself. Ganoon lang siguro talaga, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kapag hindi ikaw ang pinili, hindi ikaw ang pinili. Or maybe, hindi rin siguro talaga ako kapili-pili.
"Kelai, please say something." Pakiusap ni Francis.
Dati, ako ang nagmamakaawa sa kaniya na magsalita siya at sagutin ang lahat ng tanong ko. But now, it's the other way round.
"I love you Kelai. I love you!" Tears were running down on his cheeks but I feel nothing. Hindi ko na maramdaman 'yong dating bilis ng t***k ng puso ko kapag sinasabihan niya ako ng "I love you".
"Alam kong napakarami ko nang kasalanan sa'yo pero nagmamakaawa ako, bigyan mo pa ako ng isang chance. Last na ito. Hinding hindi ko na sasayangin ang chance Kelai. Please, come back to me." Buong pagsasalita niya ay nakatingin lang ako sa tubig sa pool.
Dumadating pala talaga sa point na kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kapag napagod nang lumaban ang puso, wala na, huli na ang lahat. Kahit na narealize niyang ako pala ang mahal niya, kahit totoong nagbago na siya, wala na. Tuluyan nang sumuko ang puso ko.
He hugged me tight while still crying but I didn't hug him back. I feel nothing. I really don't care if he's crying and begging for my love. Hindi na ako naaapektuhan ng lahat ng mga sinabi niya. Para akong nagka-amnesia at nakalimutan na kung paano ba mahalin ang isang tulad niya. I feel numb about this guy.
"Wala na ba talagang pag-asa Kelai?" Lumapit sa akin si Francis kaya bahagya ko siyang itinulak. I look directly in his eyes. I smiled at him, a genuine one and then I walked away.
I already gave him many chances to choose me over that girl. But what he did is to broke my heart repeatedly. I always choose to stay with him and I choose to love him inspite of all the pains he gave me. I always choose him over myself but he never choose me. Now, I learned to choose myself over him. And I will never let myself to fall again for him. I'm done with him.