KELAI’S POV
“Wow Kelai! Naka-lipstick ka ngayon. Nice!” nakangiting bati sa akin ni Maya pagkasakay ko ng cab. Kumindat pa siya sa akin at halatang natutuwa siya sa itsura ko ngayon.
Ginantihan ko naman si Maya ng ngiti at tahimik na umupo sa usual na pwesto ko. I’m not talkative person and they know it kaya hindi na sila nagtataka kapag hindi ako sumagot sa kanila. Kaya nga siguro masyado rin akong na-attached sa ex ko noon dahil sa kaniya lang ako halos nakikipag-usap noon.
And yeah, I’m wearing lipstick today. Wala lang, feel ko lang mag-lipstick ngayong araw. Maganda kasi ang gising ko at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Siguro ay dahil napatunayan ko na talaga sa sarili ko na naka-moved on na ako. Ang sarap pala talaga sa feeling kapag nagawa mo nang umalis sa isang bangungot.
“Hoy Ryan! Anong nangyari sa ‘yo? Bigla ka na lang hindi sumama?” masungit na tanong ni Maya.
I looked at the guy who just went inside the cab. Deretso siyang umupo sa tabi ko habang nakangiting nakatingin kay Maya.
“I’m sorry. Nagkaroon kasi ng emergency,” nahihiya niyang sagot kay Maya.
I just looked away at itinuon ang atensyon sa labas ng cab. Natatameme ako sa ngiti niya kaya kailangang umiwas agad. Baka mahuli pa niya akong nakatingin sa kaniya, baka kung ano pang isipin niya. Hanggang maaari ay ayokong magkaroon ng conversation sa kaniya dahil naiilang ako sa kaniya. Wala naman siyang masamang ginagawa pero hindi ako mapakali kapag malapit lang siya sa akin.
I closed my eyes but suddenly, his smile flashed in my mind. My heart started to beat fast again. Do I need to go to a cardiology? Or maybe to a Psychiatrist?
O my god Kelai! What is really happening to you?
“Kelai?”
Napapitlag ako nang bigla akong kulbitin ng katabi ko. Agad kong tinanggal ang earphone ko at nagtatakang tumingin sa kaniya.
“Itatanong ko lang sana kung okay ka lang. Parang ang lalim kasi ng paghinga mo,” seryoso niyang sabi sa akin.
“O-okay lang ako,” nauutal kong sagot sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya at umiwas na ulit ng tingin. First conversation namin pero nag-stammer ako agad. Kasasabi ko lang na ayoko munang magkaroon ng conversation with him. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagtatanong out of nowhere.
Umaatake na naman ata ang pagka-wirdo at pagkabaliw ko. Pero hindi ko maiwasan ang mag-isip. Napansin ni Ryan ang malalim na paghinga ko and he sounded concern. Ibig sabihin ay napapansin niya pala ako? Nakikita niya ako? I mean, may mata naman siya kaya nakikita niya talaga ako.
Ay ewan! Nababaliw na nga yata ako.
Pagkahinto ng cab sa tapat ng resto ay isa-isa na kaming bumaba. Napatigil pa ako sa may pinto ng resto dahil bigla akong hinarangan ni Allan. Nakaakbay siya kay Ryan kaya pareho silang nasa harapan ko ngayon.
“Naks naman Kelai. Nagdadalaga ka na. Naka-lipstick ka na,” tuwang tuwang sabi sa akin ni Allan.
Si Allan ang pinaka-alaskador sa aming lahat. At ang lagi niyang inaasar ay ako. Tahimik lang daw kasi ako at hindi napipikon kaya tuwang tuwa siya na inaasar ako. Wala namang problema sa akin iyon dahil hindi naman ako nasasaktan sa bawat pang-aasar niya.
“Alam mo ba Ryan, hindi nagpapaganda ‘yang si Kelai, ngayon lang,” baling ni Allan kay Ryan.
Pakiramdam ko ay namula ako dahil doon. Nahihiya man ay naglakas loob akong tingnan si Ryan para makita ang reaksyon niya. Nakatingin din pala siya sa akin at nakangiti pa. Those smile again and those stares. Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko at namumuo na ang pawis sa noo ko. Pinipigilan ko rin ang makalikha ng kahit na anong ingay kaya pati paghinga ko ay pinipigilan ko na.
“Talaga ba?” ngingiti-ngiting tanong ni Ryan habang nakatingin pa rin sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong namula. Tiningnan ko na lang ng masama si Allan pero ang loko ay tumawa lang ng malakas.
“Namumula ka Kelai,” asar na sabi pa ni Allan.
“Tigilan mo nga ako Allan, ang aga-aga,” inis na sabi ko sa kaniya. Alam na alam na niya ang reaksyon kong ganito kaya mas lalong lumakas pa ang tawa niya.
Nilagpasan ko na lang ‘yung dalawa at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman talaga ako napipikon sa pang-aasar ni Allan, nahihiya lang ako dahil kasama niya si Ryan at hindi ko alam kung anong ire-react ko.
“Pero mas maganda si Kelai kapag walang lipstick or make-up. Simple but beautiful.”
Agad akong napahinto dahil sa sinabi ni Ryan. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko dahil parang bigla akong nanghina. Hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, daig pa nito ang kabayong kasali sa isang karera. Pakiramdam ko rin ay uminit bigla ang pakiramdam ko at biglang pinagpawisan ang mga kamay ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang hanggang sa maramdaman kong nilagpasan na ako ni Ryan at deretso na siyang pumasok sa may kitchen ng restaurant. Kasunod niya si Allan na tinapik pa ng mahina ang balikat ko.
Pero mas maganda si Kelai kapag walang lipstick or make-up. Simple but beautiful.
Isinubsob ko ang mukha ko sa table ko at marahang ginulo ang buhok ko. Sampung minuto na lang at matatapos na ang duty ko ngayon araw. At sa buong siyam na oras kong duty, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng utak ko ang sinabi ni Ryan kaninang umaga. Para itong isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ko.
I need to get rid of this dahil baka mabaliw na ako nang tuluyan. Pero paano? Paano ko makakalimutan ang sinabi ng lalaking iyon? This guy is really getting into my nerves. Masyado na niyang nabubulabog ang katahimikan ko kahit wala naman siyang ginagawang masama. And that’s the problem. Wala siyang ginagawa, hindi kami close, hindi kami nag-uusap and literally, hindi kami magkaibigan so bakit ganito ako umakto sa presensya niya? Seriously?
I am really acting weird simula nang dumating si Ryan. Pero hindi dapat magpatuloy ito. I need to get myself back. Siguro ay kailangan ko lang mag-focus ulit sa trabaho ko. Kailangan ko lang alisin sa isip ko si Ryan. Kailangan ko lang alisin ang curiosity ko towards that guy. Wala lang naman ito e. Na-curious lang talaga ako sa kaniya kaya ako nagkakaganito.
I was awaken from my deep thoughts when my phone suddenly beeps. I received one message from an unknown number.
Hi! Kumusta?
Okay? Sino naman kaya ito? Obviously, isa siyang kabayan dahil tagalog ang message niya. Usually kapag may nagme-message sa akin na unknown number ay binabalewala ko lang ito. But this? I’m just staring at it thinking if I will reply or not.
Ito na naman tayo sa curiosity Kelai. I was about to delete the message but I have second thought. What if isa pala ito sa mga katrabaho ko? Baka hihingi ng pabor sa akin kaya nag-message. Parang ang sama ko naman kung iisnabin ko na lang.
Rereplayan ko na ba? O great! Nababaliw na nga ako. Maski simpleng message ay pinag-iisipan ko pa kung rereplayan ko o hindi.
“Kelai, tara na.”
Napatingin ako kay Maya at marahang tumango. Alas tres na pala ng hapon. I arranged my things and headed to the service cab.
“O Kelai, bakit wala ka ng lipstick?” bungad sa akin ni Allan na nakatayo sa labas ng cab.
Nginitian ko lang siya at tahimik na pumasok sa cab. Tinanggal ko nga ang lipstick ko kaninang umaga pagkaakyat ko ng opisina. At ipinangako ko na hindi na ako magli-lipstick pa dahil inaasar lang ako ni Allan. It’s not also my thing though. Nag-try lang talaga ako kaninang umaga.
Huling sumakay ng cab si Ryan at deretso siyang umupo sa tabi ko. Bakit ba gustong-gusto ng lalaking ito na umupo sa tabi ko.
Malamang Kelai, siya lang ang huling sumasakay sa cab at wala nang ibang vacant seat kun’di ‘yang sa tabi mo. Huwag kang masyadong assumera Kelai, hindi ka niya gustong katabi, wala lang talaga siyang choice.
Lihim na lang akong napabuntong hininga dahil sa mga sinabi ng utak ko. Ang hirap din pala talagang maging introvert. Wala kang ibang nakakaaway kun’di ang sarili mong utak.