KELAI'S POV Pagkatapos naming manood ng sunset ni Ryan ay dumeretso na kami sa airport. May mga kainan din kasi sa labas at doon na lang namin naisip na kumain bago ako mag-check in sa airport. May dalawang oras pa naman ako bago ako pumasok ng airport. "Okay ka lang Babe?" tanong sa akin ni Ryan habang pumipili kami ng resto na kakainan. "Oo naman," mabilis kong sagot. Napili naming kumain sa Burger King. Medyo mahaba ang pila at si Ryan na ang pumila para sa amin. Ako naman ay naghanap ng bakanteng table. Pagkaupo ko ay pinagmasdan ko lang si Ryan. Busy siya sa cellphone niya kaya hindi niya napapansin ang pagtitig ko sa kaniya. Habang nakatingin sa kaniya ay kusang naglaro sa isipan ko kung paano kami umabot sa ganito. Kung paano niya pinasakit ang ulo ko kakaisip sa kaniya. Kung p

