Galit na galit si Silvia nang matanggap ang balita mula sa kanyang private investigator. Nakatitig siya sa kumpirmadong ulat mula rito na naglalaman ng mga litrato ng magulang ni Romina habang sakay ng isang bus pa-probinsya. May resibo pa ng perang ibinigay ni Alessandro sa mga ito, na ayon sa investigator ay malaki ang halagang natanggap. "This can't be.." bulong ni Silvia sa sarili habang pinipiga ang papel sa kanyang palad. "There's no way they're turning down my deal because of the money they got from my son. Mga mukhang pera ang nga 'yon, I know they're come back," sinubukan niya pang kumbinsihin ang sarili na magagamit niya ang mga 'to, "they'll keep coming back. Sigurado ako na kapag naubos na ang perang ibininigay ni Alessandro ay babalik din sila." Nagpalakad-lakad siya, kaila

