Mainit na aroma ng bawang at sibuyas ang sumalubong kay Alessandro habang hinahalo niya ang sarsa sa kawali. Nasa modernong condo unit siya, malinis, malamig at tahimik—malayo sa gulo ng mansion at lalong higit sa kumplikasyon ng nararamdaman niya. Pinili niyang lutuin ang paboritong pasta ni Candy ngayong gabi. Hindi niya alam kung para saan—paghingi ng tawad, selebrasyon, o simpleng panandaliang pagkalimot. Habang hinihintay ang pag-init ng oven, napaupo siya sa bar stool at tumitig sa kawali. Sa katahimikan ng silid, muling bumalik sa isipan niya ang mukha ni Romina. Lalo na kagabi nang huli silang nag-usap. Galit. Lungkot. Takot. Nandoon lahat sa mga mata nito. At higit sa lahat, nandoon ang sinabi nito na hindi nito kailanman binigkas: "Napaka-swerte ko, Alessandro dahil nakilala kit

