Tahimik ang buong mansyon nang bumalik si Liza mula sa labas, may dalang maliit na paper bag mula sa pharmacy. Dire-diretso ito sa kusina kung saan naghihintay si Manang Ising, tahimik at tila may iniisip na mabigat. Walang salitang nagpaabot ng bag si Liza, saka tumango si Manang Ising bilang pasasalamat. Nagkatinginan sila—parehong may kutob, parehong may pangamba. "Tayo na," mahina ngunit tiyak ang tinig ni Manang Ising. Umakyat silang dalawa sa ikalawang palapag, patungo sa silid ng kanilang Senorita na si Romina. Sa pagbukas ng pinto, nakita nila ang dalaga na nakaupo sa gilid ng kama, kaharap ang tray ng almusal. Tila kakatapos lamang nitong kumain, may bahid pa ng pagkain sa gilid ng tasa ng tsaa. "Liza? Ikaw ba ba yan? Dala mo na ba yung gamot?" tanong ni Romina, kita sa mukha a

