Umagang-umaga ngunit abala na sa kusina si Liza, kasalukuyang nagtitimpla ng gatas para kay Romina habang si Manang Ising ay nakaupo sa mahabang mesa, pinagmamasdan siya. Tahimik silang dalawa, pero halatang parehas silang may iniisip. "Manang..." Bungad ni Liza matapos ang ilang sandaling katahimikan. "May napapansin ka ba kay Senyorita? Parang... may iniiwasan. Hindi ba dapat masaya siya? Buntis siya, pero bakit parang may something? parang hindi siya excited or what? nagmamahalan naman sila ni Senorito, hindi ba?" Bahagyang tumango si Manang Ising, inilapag ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng mesa. "Oo naman, pero oo tingin ko, Liza eh nagkataon lang, first time niyang magbuntis, at nakakabigla talaga yon kung ano-anong emotion ang mararamdaman mo kapag nalaman mong nagdadalang-tao ka, at n

