Sa ibaba ng mansion, sa may sala kung saan ay malawak ang espasyo at nakabukas ang mga bintana, nagbigay ng liwanag ang sikat ng araw na unti-unting pumapasok sa loob. Nasa gitna ng silid si Capt. Lewis Santos, nakaupo sa isang mamahaling upuan habang sinusulyapan ang bawat detalye ng lugar. Tila iniisip niya kung anong klaseng buhay na ang mayroon si Romina ngayon. Nang marinig niya ang marahang yabag pababa sa hagdanan, agad siyang napatayo. Mula sa itaas, pababa si Romina—inaalalayan ng isang babae na animo'y caregiver, marahang hawak ang braso niya habang sinisiguradong ligtas ang bawat hakbang nito. Hindi maiwasan ni Lewis na mapangiti. Kahit na alam niyang may matinding sinapit si Romina, lalo na't alam niyang nawalan ito ng paningin, tila wala naman masyadong nagbago rito. Ganoon p

