Maagang nagising si Romina, tulad ng nakagawian niya simula nang siya ay ikasal kay Alessandro. Sumikat na ang araw, ngunit sa loob ng kanilang bahay, nanatili ang malamig na katahimikan. Lalo pa at hinaharap nya rin ang bawat umaga na madilim dahil sa pagkawala ng kaniyang paningin. Nasa harapan niya si Alessandro, suot ang kanyang pormal na kasuotan, handa nang umalis patungo sa opisina. Napansin nya na ilang beses rin na madalas ay kailangan nitong magpunta sa kumpanya at kailangan nyang maiwan dito sa mansion. "Romina," mahinahong wika ni Alessandro habang inaayos ang kanyang coat. "Kailangan kong pumunta sa opisina. May mahalagang meeting akong kailangang asikasuhin." Alam ni Romina na may mga tungkulin si Alessandro na hindi maaaring ipagpaliban, ngunit hindi pa rin niya maiwasa

