Napabuntong-hininga si Romina habang hinahaplos ang kanyang mga pisngi. Ilang linggo na siyang nananatili sa mansyon, at sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nagiging malinaw sa kanya ang bagong realidad ng kanyang buhay. Nang mga unang araw, naguguluhan siya, nag-aalangan. Hindi niya alam kung paano niya dapat tratuhin si Alessandro, kung paano siya magpapakatotoo sa sitwasyong hindi naman niya ginusto. Ngunit ngayon, sa katahimikan ng loob ng bahay, habang wala siyang ibang magawa kundi ang pag-isipan ang lahat ng nangyari, isang bagay ang unti-unting nagiging malinaw sa kanya—hindi siya miserable. Oo, hindi niya ginusto ang kasal na ito. Hindi niya ginusto ang pagkawala ng kanyang paningin. Hindi niya ginusto na mailayo sa buhay na dati niyang ginagalawan. Ngunit sa kabila ng lahat

