Maingat na hinagod ni Liza ang suklay sa mahaba at malasutlang buhok ni Romina. Tahimik lamang silang dalawa sa loob ng silid, maliban sa marahang tunog ng suklay na dumadaan sa bawat hibla ng buhok niya. Ilang linggo na mula nang dumating siya sa mansion ni Alessandro, at sa panahong ito, unti-unti na siyang nasanay sa bagong buhay niya. Sa kabila ng pagiging malamig at may distansya ni Alessandro, hindi na rin siya nagrereklamo. Kung tutuusin, mas maayos pa ito kaysa sa dati niyang tahanan. Hindi niya kailangang marinig ang mapanirang salita ng kanyang sariling ama o maramdaman ang pagiging isang bagay na maaaring ibenta. Sa mansion na ito, kahit papaano, may sarili siyang espasyo, may katahimikan, at higit sa lahat—may isang taong tunay na nag-aalaga sa kanya. "Liza," basag ni Romin

