Niyakap ni Candy si Alessandro sa sandaling makapasok ito sa loob ng condo unit na pagmamay-ari ni Alessandro. Ramdam ang pananabik at init ng muling pagkikita matapos ang matagal na business trip ni Candy sa Singapore. Isinubsob pa ni Candy ang kaniyang mukha sa dibdib nito, tila ninanamnam ang bawat segundong kapiling ito muli. "Miss na miss kita," bulong ni Candy, halos hindi magkamayaw sa pagtitig sa binata. "I thought I have to stay for a few more months, oh god! I'm glad I'm finally here, I'm happy that we're together again." Napansin niya rin ang malaking pagbabago kay Candy. Lalo pa at maikli na ang buhok nito na kulay brown na ang color kaysa sa blonde hair nito noon. "I'm so happy, Ales. You always seem busy, you're not replying to my text." Ngunit imbes na yakap ang isukli

