Napailing si Silvia dahil sa iniasta ni Alessandro. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang lahat ng dahil lamang sa babaeng iyon Matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa mansion, ramdam niyang unti-unting nawawala sa kaniyang kontrol ang lahat. Hindi naman ganoon dati. "Alessando, is such a good son. He always listens to anything I want him to do. This is all because of that woman! That gold digger! Sigurado ako na kung ano pinainom niyang sa anak ko, ginayuma o kung anong pagpapaikot para makuha siya." Bulong niya pa tila habang inaalala ang mga naging kaganapan kanina. Hindi niya akalain na magiging ganito katigas ang ulo ng kaniyang anak ngayon. Hindi naman ganito ang anak noon, malaki na talaga ang naging pagbabago sa kaniyang anak. Lalo pa't tila mas lumalalim ang ugna

