Maagang bumangon si Alessandro the next day. Sa kabila ng bigat ng nangyari kahapon tungkol kay Romina, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang natutulog nyang asawa sa kama nito. May kung anong bigat sa dibdib niya, isang tanong na paulit-ulit niyang iniisip mula pa kagabi. Paano nalaman ng mga magulang ni Romina kung nasaan siya? He made sure that they could not find out about him or where they live. Ang bilis lang talagang nalaman ng mga ito kung saan sila nakatira ngayon. Iniisip niya, maari bang naubos na ang pera na ibinayad niya. O may tao na nasa likod ng mga ito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Hindi pa man nagigising ito ay naghanda na siya para umalis. Sa sala ay sinalubong siya ni Manang Ising, "Goodmorning, Senorito." Bati nito bago pinagmasdan siya, tila napan

