Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay ni Alessandro ang pamilyar na daan pabalik sa mansiyon. Sa kanang kamay niya ay hawak pa rin ang cellphone, nakatingin sa mensahe ni Manang Ising na ilang ulit na niyang binasa. "Senyorito Alessandro, paumanhin sa abala, pero sana'y malaman ninyo na nandito po muli ang mga magulang ni Senyorita Romina. Dala ang kanilang mga maleta at mukhang hindi na aalis. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin." Tinawagan niya ang numero ni Manang Ising, mabilis naman na sumagot ito. "Hello, Manang?" "Senorito! Mabuti at sumagot ka na. Ser, nagkakagulo na rito. Kawawa ang senorita dahil sa mga magulang niya." Taranta na sabi nito. "Nasaan si Romina?" "Nasa silid niya, ayaw lumabas. Pero mas mabuti na po ata na ganon kaysa na harapin niya yung dal

