Tahimik ang buong kwarto ni Romina, tila kontradiksiyon sa ingay ng katawa-tawa at walang pakundangang saya ng kaniyang mga magulang sa ibaba ng mansion. Para bang mas lalong lumalala ang sitwasyon niya sa kanyang mga magulang. Hawak niya ang isang unan, mariing niyayakap habang nakaupo sa kama. Bahagya naman na bukas ang bintana, at sa malamig na simoy ng gabi ay waring mas madaling maramdaman ang bigat sa kaniyang dibdib. Nahihiya siya, ayaw niya nang bumaba. Hanggat nandito sila, ayaw niyang magpakita sa mga tao na nasa mansion. Pati kay Alessandro ay hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap kung malalaman nito ang nangyayari ngayon sa bahay. Wala siyang nagawa... Wala siyang magawa... Bakit ganito? Hindi naman siya ganito noon?. Matapang siya at palaban. Pero nang

