Sa pagsikat ng araw, hindi inaasahan ni Romina na ang araw na ito ang magiging simula ng isang panibagong bangungot. Tahimik ang buong mansion. Naririnig lamang ni Romina ang mahinang tik-tak ng orasan sa sala habang sinusubukan ang isang libro na may sulat na braille, isa itong libro na pang bulag. Kakaumpisa niya lang, katuwang si Liza na nagsasabi kung anong alphabet iyon. Wala si Alessandro ngayon — kailangang lumuwas ito sa lungsod para asikasuhin ang ilang legal na bagay para sa kumpanya, kaya ilang araw siyang mag-isa sa malaking bahay, kasama si Liza, si Manang Ising at ang iba pang kasambahay. "Letter J po iyan," ani ni Liza. Tumango siya. Nang hindi niya inasahan na ang katahimikan ay mapapalitan ng kaba. KRINGGG! Narinig niya ang malakas na tunog ng doorbell. Napakuno

